STE 9 Tesla

Directions

STE 9 Tesla STE 9 TESLA

Pax Silica: Patungo sa pag-unlad o patuloy sa pagbaon ng kalikasan? !Ang Pax Silica ay isang grupo kung saan nagpapalaga...
21/07/2026

Pax Silica: Patungo sa pag-unlad o patuloy sa pagbaon ng kalikasan?

!

Ang Pax Silica ay isang grupo kung saan nagpapalaganap sila ng Artificial Inteligence o AI. Ang kanilang grupo ay naghahanap ng mga lugar kung saan ilalagay ang pabrika. Natagpuan nila ang Pilipinas kung saan ay alam
nilang may mga tanso, minerales at iba pang kinakailangan nila sa kanilang proyekto. Kaya di nagtagal ay nakipag-alyansa na ang organisasyon
sa Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Romualdez Marcos Jr, na siya namang inaprubahan.

Ang paggamit ng mga Pilipino sa teknolohiyang Artificial Intelligence (AI) ay itinuturing na isang mahalagang proseso para sa pag-unlad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng makabagong sistemang ito, mas mapapabilis at mapapadali ang iba't ibang sektor ng industriya at edukasyon sa bansa. Ngunit maganda ba talaga ito para sa Pilipinas?

Ang kalikasan ay importante sa lahat ng bagay. Dito kumukuha ng mga pangangailangan tulad ng mga pagkain at tubig. Kapag ito'y mawala magdurusa ang lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi, lahat ng tao sa Pilipinas. Kapag umasenso na sa Pilipinas ang Pax Silica, kukuha ito ng tubig sa Pilipinas na limang milyon na galon at kukuha ng lupaing 1619 na ektarya.

Ang Pax Silica ay isang grupo na nagtataguyod ng Artificial Intelligence (AI) at nagnanais magtayo ng pabrika sa Pilipinas dahil sa yamang-mineral at iba pang likas na yaman ng bansa. Tinanggap ng pamahalaan ang proyekto dahil naniniwalang makatutulong ito sa pag-unlad ng teknolohiya at ekonomiya. Gayunpaman, ipinapakita ng teksto ang pangamba na maaaring mas malaki ang maging kapalit nito, tulad ng paggamit ng milyun-milyong galon ng tubig at libo-libong ektaryang lupa. Dahil dito, binibigyang-diin na maaaring mas mapinsala ang kalikasan kaysa sa pakinabang na maidudulot ng AI sa bansa.

Sanggunian:
https://www.facebook.com/100064115406395/posts/1481863370627496/?app=fbl

https://www.facebook.com/100068347571241/posts/1330230189265221/?app=fbl

https://www.facebook.com/100064616655120/posts/1560192452811295/?app=fbl

Miyembro:
Niño
Domondon
Josol
Barroso
Picardal
Longakit
Misa
Constantino
Betito

Basura sa Paraiso: May Halaga ba ang Boses ng Katutubo?Sa gitna ng mayayabong na kagubatan ng Sitio Tibag, Barangay Naug...
21/07/2026

Basura sa Paraiso: May Halaga ba ang Boses ng Katutubo?

Sa gitna ng mayayabong na kagubatan ng Sitio Tibag, Barangay Naugsol sa Subic, Zambales, matagal nang namumuhay nang tahimik at may paggalang sa kalikasan ang mga katutubong Ayta. Ang kanilang lupang ninuno (ancestral domain) ang nagsisilbing kanilang buhay, kultura, at kanlungan. Ngunit sa nakalipas na mga taon, ang luntiang paraisong ito—na dating nagsisilbing pahingahan ng mga katutubo bago umakyat sa kanilang mga sakahan—ay hinalay ng tone-toneladang basura.

Masakit isipin na ang kalbaryong ito ay nagsimula sa isang mapanlinlang na pangako noong 2019. Nang gupitin ng lokal na pamahalaan ng Subic ang mga puno para sa isang "pansamantalang" kalsada, naniwala ang mga Ayta na dadaan dito ang kaginhawaan. Ngunit ang kalsadang iyon ay naging tulay pala upang pasukin sila ng naglalakihang truck na may dalang mabahong dumi ng modernong lungsod, kabilang na ang mga nakatatakot na gamit mula sa mga ospital. Ang sapa na dating pinagkukunan ng kanilang inuming tubig ay unti-unting nilason ng nakamamatay na katas ng basura o leachate. Paano nagawa ng lipunang nakatira sa semento na ipatapon ang sariling dumi sa hapag-kainan ng mga katutubo?

Ang mas nakagagalit pa rito ay ang tila bulag at bingi na tugon ng pamahalaan. Enero 2022 pa nang patunayan ng DENR na labag sa batas (Ecological Solid Waste Management Act) ang dumpsite na ito at nag-utos na ipasara ito. Ngunit bakit hinayaang magpatuloy ang iligal na operasyon at umabot pa ng mahigit isang taon bago tuluyang umaksyon? Nakapanlulumong isipin na kung hindi pa sumigaw at nagprotesta ang mga Ayta kasama ang mga environmental groups, marahil ay patuloy pa ring dinudumihan ang kanilang tahanan hanggang ngayon. Bakit kapag ang mga katutubo ang humihingi ng tulong, tila nagiging napakabagal ng hustisya?

Hindi natatapos ang laban sa pagsasara lamang ng dumpsite o sa pagtatambak ng lupa upang maitago ang mga basura sa ating paningin. Ang kailangan ngayon ay ang tunay na rehabilitasyon at paglilinis sa Sitio Tibag. Bilang mga mag-aaral sa Grade 9 at 10, hindi tayo pwedeng manahimik na lamang. Ang ating mga katutubo ang tunay na tagapag-alaga ng ating mga kagubatan; karapat-dapat silang irespeto, pakinggan, at tulungang maibalik ang ganda ng kanilang tahanan. Ang lupang ninuno ay hindi kailanman dapat maging basurahan ng huwad na pag-unlad.

Sanggunian:

‘Ibinasurang Paraiso,’ dokumentaryo ni Kara David (Full Episode) | I-Witness
https://www.facebook.com/share/p/1Ec1WKe7uW/
https://www.facebook.com/share/19876aica4/

MEMBERS:

GADIAN
PINO
AGAPAY
RIMPOS
ESTEVA
MAZO
BALAGA, K
BETITO
TAYAO

Dugo sa loob ng eskwelahanAyon kay Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan", pero tila'y bakit hindi ligtas ang ka...
21/07/2026

Dugo sa loob ng eskwelahan

Ayon kay Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan", pero tila'y bakit hindi ligtas ang kabataan sa sariling paaralan?

Ang paaralan ay nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, kung saan dito inaaral ang kabutihang asal, pagkakaisa, paggalang, at pagmamahalan. Dito hinuhubog, pinapahusay at sinasanay ang mga kakayahan at talento ng estudyante. Ngunit sa halip na maging lugar ng pagkatuto at seguridad, may mga pagkakataong ito pa ang nagiging lugar ng takot, pang-aabuso, at karahasan.

Patunay dito ang naganap sa Tacloban. Dalawang binatang estudyante mula sa San Jose National High School sa edad na katorse (14) at kinse (15) anyos ang marahas na pumatay ng kapwa estudyante. Ayon sa kanilang pahayag, pinaghigante lamang nila ang kanilang sarili dahil sa matagal na pambu-bully na naranas.

Subalit, kinakailangan nga bang umabot sa punto na may mamatay?

Marapat lamang na turuan ng mabuti ang mga estudyante upang maiwasan ang mga kritikal na kaso katulad sa nangyari sa Tacloban noong Hunyo 22, 2026 na nag dulot ng malaking isyu sa lipunan.

At dahil ang tamang edad ng pag papakulong ng isang kriminal ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 ay kinse (15) anyos, maaring magamit ito ng kabataan sa maling gawain. Ito ay makadudulot ng malaking problema na hindi madaling maayos.

Ang bullying ay hindi simpleng biro o pang-aasar. Isa itong seryosong suliraning maaaring magdulot ng matinding pinsala sa emosyon, pag-iisip, at pag-uugali ng isang tao. Kapag ito ay patuloy na binabalewala, maaari itong humantong sa mga trahedyang hindi na maibabalik pa.

Hindi lamang mga mag-aaral ang may pananagutan sa isyung ito. Malaki rin ang tungkulin ng mga magulang, g**o, administrador ng paaralan, at maging ng buong komunidad. Kailangang maging bukas ang mga paaralan sa mga ulat ng bullying, palakasin ang mga programang pangkalusugang pangkaisipan, at tiyaking may agarang aksyon sa bawat reklamong natatanggap.

Ang katahimikan sa harap ng bullying ay hindi solusyon. Sa bawat pagkakataong pinipili nating manahimik, mas lalo nating hinahayaang lumala ang problema.

Kung tunay nating itinuturing na pag-asa ng bayan ang kabataan, hindi sapat ang paulit-ulit na pagbanggit sa mga salita ni Rizal. Ang tunay na pag-asa ay nagsisimula sa isang ligtas na paaralan—isang lugar kung saan ang bawat mag-aaral ay may karapatang matuto nang walang takot, mangarap nang may kapanatagan, at umuwi nang ligtas. ( #)

Sanggunian:
https://en.wikipedia.org/wiki/2026_Tacloban_school_shooting
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2006/ra_9344_2006.html
https://en.wikipedia.org/wiki/School
https://mb.com.ph/2023/12/30/ang-kabataaan-ang-pag-asa-ng-bayan-and-what-jose-rizal-means-to-the-youth
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2006/ra_9344_2006.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Bullying

-

-

-

Paalala:

Ang mga tao sa litrato ay sumisimbolo o nag re-representa lamang sa mga tao na nabiktima at mga suspek na sangkot sa krimen. Salamat.

Miyembro:
Bruza, Princess Monique P.
Balaga, Jennifer E.
Galino, Aliyah Praye
Pescozo, Windell C.
Balmores, Neriah Haniel
Batiao, Sweet Angelie
Hambala, Jann Miko
Bulado, Carelle Mae
Herana, Louisse Elyzza

11/07/2026

‎ABS-CBN, GMA, TV5... LUMAYO KAYO. NANDITO NA ANG MGA BIDA! (bida-bida ata)
‎
‎"Madali lang 'yan."
‎
‎The biggest lie ever told. Eh ang hirap-hirap nga eh! 😤😤
‎
‎You are about to witness a film made by aliens whose only qualification was saying, "Basic."
‎
‎Shawt awt nga po pala sa parte ng Group 5 diyan! Ang batak niyo po makasabi ng "ay mali pala". 🤓
‎
‎Okay, serious mode na. 😐
‎
‎This is our take on the serious issue of Bring Deadly Weapons to School—a current issue that has been affecting schools and communities around the Philippines.
‎
‎Behind this production are last-minute ideas, confused actors/actresses, and a leader who always complained (with love and respect) ❤️.
‎
‎So grab your chips and eat—watch pala and enjoy our film. We hope it entertains you while giving you a whole new perspective of why this issue needs attention.
‎
Members:
BALAGA, KEITH
MAZO, CHERYLLE
MACUL, NIÑO
LIBOON, JEMUEL
LABRADOR, CJAY
CONSTANTINO, MJ

‎✍️: tralalero tralala



11/07/2026

‎ADIK NA ADIK PO AKO SA'YO! 🤪🤭🫪
‎
‎‼️BREAKING NEWS‼️
‎
‎A group of individuals who absolutely have no clue how to make and edit finished a full-on film. One member said, "We sacrificed our sanity just for this film— CHAR.
‎
‎I humbly welcome you to Group 2's video about Tardiness, Bullying, and Using Illegal Substances. Boogsh! Triple Kill! 💥💥💥
‎
‎Behind this one of a kind video is a group chat with 999+ messages, stressed na sa bohai na leader and editor, and mga actors na hindi alam kung ano ang gagawin (pero umacting pa rin).
‎
‎If you see any mistakes, no you did not. 🤨 Please watch until the end—we suffered for this production.
‎
‎Please like and subscribe! 😎😱🤯

Members:
RIMPOS, ADRIANE
AGAPAY, MYCO
PICARDAL, SEAN
BATIAO, SWEET
DAGALA, YUAN
HERANA, LOUISE

‎✍️: bzz bzz



10/07/2026

AMALAYER? AMALAYERRRRRR?!

Presenting da group por's film inspired by our great mader, Esnyr!

POV: Akala namin gagawa lang kami ng short film para sa grades. Eh, full-on stress simulator pala. 🥀😱😭

Lahat na yata nangyari eh. May nakalimot sa linya, kagaya ng pagkalimot niya sa pagsasama niyong dalawa, may biglang naging director, at may isang nagla-"last take na talaga" pero hindi pala kayang tanggapin ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero infairness, ang galing namin ha. AY!

Special thanks sa leader namin na si moniki dahil hindi mo kami pinabayaan kahit nakakainis na kami (lab, juy, howp).

Anyways... if may nakita kayong oscar-worthy scene, just know that it was filmed by people who were literally one inconvenience away from becoming the blooper reel.

10/10 would do it again. 11/10 would complain about it again.

Members:
BRUZA, PRINCESS
GADIAN, XEVON
BADE, MARK
TARAN, RYLE
BETITO, KEVIN
REDUCTO, ZEDRICK

✍️: hee hee


Address

Tampakan National Highschool
Tampakan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when STE 9 Tesla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category