04/10/2026
๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga g**o sa paghubog ng kinabukasan ng bawat mag-aaral at bilang pagbibigay-pugay sa kanilang walang sawang paglilingkod, ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ sa Lunes, Oktubre 5, 2026, sa lahat ng pampublikong paaralan sa bayan ng Talugtug, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ๐๐ค๐ง๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐จโ ๐ฟ๐๐ฎ 2026. Samantala, ipinauubaya sa pamunuan ng mga pribadong paaralan ang pagpapasya kung magkakaroon ng kanselasyon ng klase sa kani-kanilang institusyon.
Ang deklarasyong ito ay kasunod ng anunsyo ng ating Butihing Punong Bayan, Mayor Hon. Pacifico B. M***a, sa isinagawang Local Celebration of Teachersโ Day noong Oktubre 2, 2026, kung saan ipinahayag niya ang kaniyang pagsang-ayon o โ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ฟโ sa panukalang pagbibigay ng araw na walang pasok bilang pagkilala sa ating mga g**o.
Bukod sa pagbibigay-pugay sa kanilang dedikasyon at sakripisyo, layunin din ng hakbang na ito na magsilbing wellness break para sa ating mga g**o, ito ay isang pagkakataon upang makapagpahinga, makapaglaan ng panahon para sa sarili at pamilya, at makabawi ng lakas mula sa kanilang patuloy na pagtupad sa tungkuling humubog ng mga kabataan.
Sa lahat ng ating mga g**o, maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod! Nawa'y maging makabuluhan at kasiya-siya ang inyong araw ng pahinga.
Happy World Teachersโ Day!
**ongTalugtugeรฑo