DepEd Tandoc Elementary School

Directions Contact the school

DepEd Tandoc Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tandoc Elementary School, Elementary School, Barangay Tandoc, Talugtug.

TOGETHER FOR A SAFE, INCLUSIVE, AND RESILIENT TANDOC ES! "It takes a whole community to keep every child safe."At Tandoc...
24/09/2026

TOGETHER FOR A SAFE, INCLUSIVE, AND RESILIENT TANDOC ES!
"It takes a whole community to keep every child safe."
At Tandoc Elementary School (School ID: 105848), we believe that creating a protective, child-friendly, and disaster-resilient learning environment is a shared responsibility. Through our Safe School Community Framework, we work hand-in-hand with our partners—parents, local officials, emergency responders, and community stakeholders—to ensure every learner is protected, valued, and empowered to thrive!
🤝 OUR PARTNERS IN SAFETY:
* 🏫 School: Teachers, School Head, & Non-Teaching Personnel
* 👨‍👩‍👧‍👦 Parents & Guardians: Active involvement & strong home-school partnership
* 🏡 Barangay Tandoc: Community support & child protection initiatives
* 🏛️ LGU Talugtug: Educational programs, resources, & emergency response
* 👮‍♂️ PNP Talugtug: Campus security, anti-bullying, & anti-drug advocacy
* 🚒 BFP Talugtug: Fire safety education & disaster preparedness
* 🤝 Community & NGOs: Volunteerism & learner support programs
💡 OUR CORE COMMITMENTS:
✅ Child Protection
✅ Bullying Prevention
✅ Safe & Secure Learning Environment
✅ Mental Health & Well-Being Support
✅ Disaster Preparedness & Resilience
✅ Inclusive Education for All Learners
✅ A Nurturing, Child-Friendly Community

🌟 Remember: A safe school is everyone's responsibility. Let’s respect, protect, and care for every learner!
Tandoc Elementary School — Learning Today, Leading Tomorrow

🏆MALIGAYANG PAGBATI, MGA BATANG KAMPEON!🏆Isang taos-pusong pagbati sa ating mga batang atleta na nagbigay ng kanilang bu...
11/09/2026

🏆MALIGAYANG PAGBATI, MGA BATANG KAMPEON!🏆

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga batang atleta na nagbigay ng kanilang buong puso, lakas, tiyaga, at determinasyon sa Dual Athletic Meet 2026 na ginanap sa Llanera Central School.💚🏅

Ang inyong mga panalo ay hindi lamang nasusukat sa medalya at tropeo. Ang bawat tagumpay ay bunga ng mahabang oras ng pagsasanay, pagod, pawis, sakripisyo, at tapang na ipinakita ninyo sa bawat laban. Sa bawat hakbang ninyo sa larangan, dala ninyo ang dangal at pagmamalaki ng inyong paaralan.

Tandoc ES is truly proud of you!❤️

Taos-pusong pasasalamat sa aming Coach/Sir Francis Charlz Batalla at aming School Head na si Sir Michael Rosquita naging gabay, sandigan, at inspirasyon ng ating mga batang atleta. 🏆💚 Sa bawat pagsasanay, hamon, at laban, hindi ninyo sila iniwan at patuloy ninyo silang hinikayat na ibigay ang kanilang makakaya.

3 out of 3 👏🏻🏆
-1500 m-
Boys
Marvin D. Erpelo - CHAMPION 🏃👏🏻🏆

Girls
JEAN LADY F. ANTONIO - CHAMPION 🏃‍♀️👏🏻🏆
SOPHIA B. JUSTO - 2nd place 🏃‍♀️👏🏻🏆

-800 m-
Girls
JEAN LADY F. ANTONIO- CHAMPION 🏃‍♀️👏🏻🏆
SOPHIA B. JUSTO - 3rd place 🏃‍♀️👏🏻🏆

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay upang patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap. Manalo man o matalo, ang pinakamahalaga ay ang tapang na lumaban, ang disiplina na matuto, at ang pusong hindi sumusuko.

Muli, maligayang pagbati sa ating mga batang nagkamit ng panalo!🏆🎉
Kayo ang patunay na kapag pinagsama ang sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyon, walang pangarap na napakalayo.

Saludo kami sa inyo, mga batang atleta! Ipinagmamalaki namin kayo!💚👏





Sa bawat batang lumaban, nagsikap, at buong tapang na nagrepresenta sa Tandoc Elementary School sa  CD II School Press C...
09/09/2026

Sa bawat batang lumaban, nagsikap, at buong tapang na nagrepresenta sa Tandoc Elementary School sa CD II School Press Conference na ginanap sa Llanera Central School saludo kami sa inyo! 👏🏻

Babawi tayo sa susunod na pagkakataon at mas pagbubutihin pa natin. At bilang isang mamahayag bawat pagsubok ay mga bagay kayong naiuwi at yun ay ang mga mahalagang karanasan, tapang, at aral na magpapalakas sa inyong paglalakbay.
Ipinakita ninyo na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya, kundi sa lakas ng loob na subukan, matuto, at muling bumangon.

Proud na proud kami sa inyong lahat!💚 Patuloy kayong magsulat, mangarap, at magsikap. Hindi dito nagtatapos ang inyong kwento mas gagaling pa kayo, at mas malalaki pang tagumpay ang naghihintay sa inyo.
Padayon, mga batang mamamahayag ng Tandoc ES! ✨📝💚

✨Participants ✨

Hermaine Jade O. Lazaro - News Writing- Filipino📰✍️

Glisem Finn Allie E. Rivera - Editorial Cartooning- English 🧑‍💻🎨✍️

Tyrhone V. Pasamic - Feature Writing ✍🏻📰

💚📝✨

Mabuhay, mga Batang Atleta ng Tandoc ES!💚Sa naganap na District Meet buong tapang ninyong ipinamalas ang inyong husay, t...
08/09/2026

Mabuhay, mga Batang Atleta ng Tandoc ES!💚

Sa naganap na District Meet buong tapang ninyong ipinamalas ang inyong husay, talento, disiplina, at determinasyon. Bawat pawis, pagod, kaba, at sakripisyo ay patunay ng inyong pagmamahal sa isports at sa ating paaralan.

Mga batang nagningning sa paligsahan.✨
-1500 meter dash-
Boys
🥇place -Marvin D. Erpelo Jr. 🏃‍♂️
Girls
🥇place- Jean Lady F. Antonio 🏃‍♀️
🥈 place -Sophia B. Justo 🏃🏻‍♀️

- 800 meters-
🥇place- Jean Lady F. Antonio 🏃‍♀️
🥈place- Sophia B. Justo 🏃🏻‍♀️

Basketball player
🥈place - Reign Gabriel D. Corpuz ⛹️‍♂️🏀

Participants
Hermaine Jade O. Lazaro ♟️👏🏻
Jharen A. Atchuela 🏃‍♂️👏🏻
Kyrie D. Nicolas 🏃‍♂️👏🏻
August Alberto Jr. 🏃‍♂️👏🏻
Sophia D. Ignacio 🏃‍♀️👏🏻

Taos-pusong pagpupugay sa aming masipag at dedikadong Coach! 💚 Sa likod ng bawat laban, tagumpay, at medalya ng aming mga batang atleta ay ang inyong walang sawang paggabay, sakripisyo, at paniniwala sa kanilang kakayahan. Maraming salamat sa paghubog sa kanila upang maging mas matatag, disiplinado, at matapang. Ang tagumpay nila ay tagumpay din ninyo, Coach/Sir Francis Charlz Batalla 🏋️‍♀️🏆👏

Maaaring hindi lahat ay umuwi na may medalya, ngunit lahat kayo ay nagtagumpay dahil buong puso kayong lumaban at hindi sumuko. Ang inyong ipinakitang dedikasyon ay isang tagumpay na karapat-dapat ipagmalaki.

Patuloy kayong mangarap, magsikap, at lumaban. Ipinagmamalaki kayo ng buong Tandoc ES Family!🏆👏💚

Mabuhay, mga batang kampeon! Ang inyong tapang ang tunay na medalya.❤️

"MALALIM NA PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY"💚💙⚜️Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Troop Outfit 2001 at Rover Circle 14 sa ...
07/09/2026

"MALALIM NA PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY"💚💙⚜️

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Troop Outfit 2001 at Rover Circle 14 sa pangunguna ni Sir Jay-Ar Catabona ng DepEd Alejandro E. Judan National High School sa inyong walang-sawang pagbabahagi ng oras, kaalaman, talento, at malasakit para sa aming mga batang Scouters.

Sa inyong paggabay, pagtuturo, at pagsasanay ng iba't ibang Scouting skills hindi lamang mga kasanayan ang inyong naipasa sa aming mga kabataan. Higit sa lahat, naitanim ninyo sa kanilang puso ang kahalagahan ng disiplina, pagtutulungan, pagiging responsable, katatagan, at paglilingkod sa kapwa.

Ang inyong presensya at suporta sa BSP and GSP Joint Encampment 2026 ay tunay na naging mahalagang bahagi ng matagumpay at makabuluhang programa. Sa bawat aral na inyong itinuro at bawat kamay na inyong iniabot, may batang mas naging handa, mas naging matapang, at mas naniwala sa kanyang sariling kakayahan.

Maraming salamat sa inyong pagiging gabay, g**o, at inspirasyon sa aming mga batang Scouters. Ang inyong kabutihan at serbisyo ay hindi lamang matatandaan sa isang encampment—mananatili itong aral at alaala na kanilang dadalhin habang sila'y lumalaki at patuloy na naglilingkod.

Mula sa aming paaralan, sa aming mga g**o, at higit sa lahat, sa aming mga batang Scouters—MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!❤️

Sa tunay na diwa ng Scouting, sama-sama nating hinuhubog ang isang henerasyong matapang mangarap, handang tumulong, at may pusong maglingkod.

Saludo po kami sa inyong serbisyo! ⚜️💚💙
Mabuhay ang Troop Outfit 2001 at Rover Circle 14!

BSPGSPJointEncampment2026



⚜️💚💙

Part II ✨BSPGSPJointEncampment2026     💚⛺🌸
07/09/2026

Part II ✨

BSPGSPJointEncampment2026



💚⛺🌸

⛺ "BSP and GSP Joint Encampment 2026⛺"One Scout, One Community: Leading with Courage, Compassion and Preparedness”🌸Lead ...
07/09/2026

⛺ "BSP and GSP Joint Encampment 2026⛺
"One Scout, One Community: Leading with Courage, Compassion and Preparedness”
🌸Lead On: Girl Scouts Carrying Our Legacy, Leading the Future”.🌸

Sa bawat yapak sa kampo, bawat ngiting nabuo, bawat awiting sabay-sabay na inawit, at bawat hamong buong tapang na hinarap—naging saksi tayo sa isang pagtitipong hindi lamang tungkol sa scouting, kundi tungkol sa pagkakaibigan, pagkakaisa, paglilingkod at paghubog sa mga batang magiging pag-asa ng ating komunidad.

Ang tagumpay ng BSP at GSP Joint Encampment 2026 ay hindi nasusukat sa dami ng gawain o paligsahang napagtagumpayan. Higit sa lahat, ito ay nasusukat sa mga pusong natutong maging matapang, mahabagin, handa at handang tumulong sa kapwa.

Sa ating mga batang Scouts, maaaring matapos na ang kampo, maibaba na ang mga tolda, at maiuwi na ang mga kagamitan—ngunit ang mga aral, alaala, pagkakaibigan at pagpapahalagang natutunan ninyo rito ay mananatili sa inyong puso.

Kayo ang munting mga kamay na balang araw ay magiging mga kamay na tutulong, maglilingkod at mamumuno. Kayo ang mga tinig na magdadala ng kabutihan. Kayo ang mga batang ngayon ay natututo, ngunit bukas ay siyang mangunguna.

Maraming salamat sa bawat Scout na nagbigay ng saya, tapang at puso sa makabuluhang pagtitipong ito. Sa bawat g**o, lider, magulang at volunteer na naging bahagi ng tagumpay—ang inyong sakripisyo at pagmamahal sa mga bata ay isang pamana na hindi matutumbasan.

💚 Mabuhay ang BSP at GSP!
💚 Mabuhay ang ating mga batang Scouts!
💚 Carry the legacy. Lead the future. Serve with heart.

Hanggang sa muli, Scouts! Ang kampo man ay nagwakas, ngunit ang inyong paglalakbay bilang mabubuting lider at lingkod ng komunidad ay nagsisimula pa lamang.🥹⛺💚

BSPGSPJointEncampment2026



💚⛺🌸

**Sa bawat yabag, may pangarap. Sa bawat hakbang, may paninindigan. 🇵🇭✨**Isang makabuluhang parada ng mga kabataang Scou...
07/09/2026

**Sa bawat yabag, may pangarap. Sa bawat hakbang, may paninindigan. 🇵🇭✨**

Isang makabuluhang parada ng mga kabataang Scout sa **BSP and GSP Joint Encampment 2026**—taglay ang tapang, disiplina, pagkakaisa, at pusong handang maglingkod.

Hindi lamang sila nagmamartsa; **dala nila ang pag-asa ng isang henerasyong marunong mangarap, tumindig, at maglingkod para sa kapwa at bayan.** 💚💙

**Isang hakbang tungo sa pagiging responsableng mamamayan, isang parada tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.**

🐉💚 PAGPUPUGAY SA MGA BATANG ATLETA NG TANDOC ELEMENTARY SCHOOL — GREEN DRAGONS 🏆Sa bawat patak ng pawis, bawat hapdi ng ...
06/09/2026

🐉💚 PAGPUPUGAY SA MGA BATANG ATLETA NG TANDOC ELEMENTARY SCHOOL — GREEN DRAGONS 🏆

Sa bawat patak ng pawis, bawat hapdi ng katawan, bawat pagod na tiniis, at bawat pagkakataong muntik nang sumuko—pinili ninyong magpatuloy.
Mga batang nagningning sa paligsahan✨

Chess Category
🥈place - Hermaine Jade O. Lazaro
-100 meters - 🏃‍♂️
Boys
🥇st place -Jharen T. Atchuela
- 200 meters- 🏃
Boys
🥈nd place - Jharen T. Atchuela
Girls
🥈nd place- Sophia D. Ignacio
-400 meters-🏃‍♂️
Boys
🥈nd place- August Alberto Jr.
-800 meters-
Boys
🥇st- Marvin D. Erpelo Jr.
🥈nd place - Kyrie D. Nicolas
Girls
🥇st place - Jean Lady F. Antonio
🥈nd place- Sophia B. Justo
-1500 meters-
Boys
🥇st place - Marvin D. Erpelo
Girls
🥇st place- Jean lady F. Antonio
🥈nd place - Sophia B. Justo
- Triple Jump-
🥈nd place - Alfeo Nathaniel R. Rigdao
-High Jump-
🥈nd place- Alfeo Nathaniel R. Rigdao
-Long Jump-
🥈nd place- Alfeo Nathaniel R. Rigdao
- Basketball-
🥉rd place
Players
Brailey D. Espanto
Niethan C. Valdez
Reign Gabriel D. Corpuz
Prince Crishrhengie C. Tolentino
Jharen T. Atchuela
Mark Ian A. Alberto
Janus R. Rigdao
Kyrie D. Nicolas
August Alberto Jr.
Alfeo Nathaniel R. Rigdao
Marvin D. Erpelo Jr.

-Participants-
Leo V. Fernando 👏🏻
Janus R. Rigdao👏🏻
J Russel A. Agaser 👏🏻

Hindi namin nakita ang lahat ng inyong mga sakripisyo. Hindi namin nakita ang mga araw na kailangan ninyong isantabi ang paglalaro, pahinga, at oras kasama ang pamilya upang magsanay. Ngunit nakita namin ang inyong tapang na bumangon, ang tiyagang magsikap, at ang pusong buong tapang na lumaban. 💚

Maaaring may mga laban na hindi ninyo naiuwi ang medalya, ngunit tandaan ninyo: hindi kailanman matatalo ang batang may pangarap at pusong hindi sumusuko.

Ang bawat laban ninyo ay kuwento ng tapang.
Ang bawat luha ay tanda ng pagsisikap.
Ang bawat pagkatalo ay hakbang tungo sa pagbangon.
At ang bawat tagumpay ay bunga ng pagtitiyaga.

Mga Green Dragons, maaaring bata pa kayo ngayon, ngunit ang inyong mga pangarap ay kasinglaki ng mundong nais ninyong marating. Ipagpatuloy ninyo ang laban. Darating ang araw na ang mga pagod, luha, sakripisyo, at walang sawang pagsasanay ay magiging bahagi ng isang magandang kuwentong maipagmamalaki ninyo. 🌟

Tandoc Elementary School is proud of you.
Hindi lamang dahil kayo ay mga atleta, kundi dahil kayo ay mga batang matapang mangarap, handang magsikap, at hindi sumusuko sa laban ng buhay.

💚🐉 Mabuhay ang Green Dragons!

TANDOC ES YOUNG JOURNALISTS, NAGNINGNING SA PRESSCON 2026!Isang malaking CONGRATULATIONS! 🎉👏 sa ating mga batang mamamah...
04/09/2026

TANDOC ES YOUNG JOURNALISTS, NAGNINGNING SA PRESSCON 2026!

Isang malaking CONGRATULATIONS! 🎉👏 sa ating mga batang mamamahayag na buong husay na lumaban ngayong "Press Conference 2026!"

🥇 1st Place -News Writing (Filipino)
Jermaine Jade O. lazaro(Coach: Ma'am Ailyn M. Espanto)

🥉 3rd Place – Feature Writing (Filipino)
Tyrhone V. Pasamic (Coach: Ma'am Shiena Lyn B. Corpuz)

🏅 5th Place – Editorial Cartooning (English)
Glisem Finn Allie E. Rivera (Coach:Sir Francis Charlz F. Batalla)

📻 Best in Radio broadcaster: Ma'am Kathleen Kaye L. Apostol.

Saludo rin sa lahat ng participants! Hindi man nakakuha ng puwesto, ipinakita ninyo ang "tapang, talento, at dedikasyon" ng isang tunay na batang mamamahayag!

Tandoc ES is SO PROUD of you!
"Magsulat. Maglingkod. Magbigay ng TAMA at MAKABULUHANG impormasyon!"

MABUHAY ANG BATANG MAMAMAHAYAG NG TANDOC ES!





Address

Barangay Tandoc
Talugtug
3118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tandoc Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tandoc Elementary School:

Shortcuts

Share