Culiat Elementary School Public Page

Culiat Elementary School Public Page This is the official and only page of Culiat ES, SDO Talugtug Annex, Schools Division of Nueva Ecija

"Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras at nakiisa sa aming Family Day dito sa Culiat El...
18/03/2026

"Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras at nakiisa sa aming Family Day dito sa Culiat Elementary School. Ang inyong presensya ang nagbigay ng kulay at saya sa araw na ito. Kita-kita sa mga ngiti ng inyong mga anak ang halaga ng inyong suporta. Saludo kami sa inyo, mga Nanay at Tatay! πŸ’™πŸ’›

Ang buong pamunuan ng Culiat Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga medalyang kaloob ng ating butihing S...
18/03/2026

Ang buong pamunuan ng Culiat Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga medalyang kaloob ng ating butihing SBM Edwin Cinense, Jr. para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong patuloy na suporta ay nagsisilbing inspirasyon sa aming mga kabataan na lalong magsumikap sa kanilang pag-aaral. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng masaganang biyaya bilang kapalit ng inyong walang sawang malasakit. Agyaman kami😊

Culiat Elementary School extends its sincerest gratitude to SK Chairman John John G. Pader for his generous donation of ...
04/03/2026

Culiat Elementary School extends its sincerest gratitude to SK Chairman John John G. Pader for his generous donation of one Canon printer and two electric fans.

These resources are a huge boost to our school communit, the printer will greatly assist our teachers in preparing learning materials, while the fans will ensure a more comfortable environment for our learners. We are truly blessed to have leaders who prioritize the welfare of our students and the improvement of our school facilities.

Thank you, SK Chairman John John, for your unwavering support and for being a true partner in education!

Ang buong pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng Culiat Elementary School ay malugod na nagpapasalamat sa pamilya nina ...
24/02/2026

Ang buong pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng Culiat Elementary School ay malugod na nagpapasalamat sa pamilya nina G. at Gng. Melvin Quizada para sa matagumpay na feeding program na kanilang isinagawa.

Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang nagbigay ng masustansyang pagkain, kundi naghatid din ng inspirasyon at ngiti sa aming mga mag-aaral. Saludo po kami sa inyong malasakit sa edukasyon at kalusugan ng mga kabataan.

Muli, maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong biyaya sa aming paaralan.





πŸ•οΈβœ¨ Culiat Elementary School Backyard Camping 2025 βœ¨πŸ•οΈCuliat Elementary School proudly celebrated its Backyard Camping, ...
09/12/2025

πŸ•οΈβœ¨ Culiat Elementary School Backyard Camping 2025 βœ¨πŸ•οΈ
Culiat Elementary School proudly celebrated its Backyard Camping, a meaningful day filled with skills, learning, and adventure. Our young campers participated in flag folding, explored their five senses, learned the basics of CPR, reviewed the Scout Oath and Law, practiced proper bandaging, and even completed an exciting obstacle activity that tested their agility, teamwork, and perseverance. πŸŒ™πŸ”₯

This event showed that learning can happen anywhere. Even in a simple backyard setting, our learners experienced real-life skills, adventure, and character-building moments that they will carry with them as future leaders. πŸ’›

We extend our heartfelt gratitude to our teachers, parents, and the entire school community for making this activity safe, meaningful, and memorable. Your support and guidance truly made a difference.

πŸ“šπŸ•οΈ Culiat ESβ€”building skills, values, and experiences that inspire.

Gulayan sa Paaralan 🌿 🌱 Second Evaluation
04/12/2025

Gulayan sa Paaralan 🌿 🌱

Second Evaluation

Muli, ang pamunuan ng Culiat Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa Black Panthera para sa kanilang patuloy ...
03/12/2025

Muli, ang pamunuan ng Culiat Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa Black Panthera para sa kanilang patuloy na pagtulong, paggabay, at walang-sawang pagsuporta sa aming paaralan. 😊

Hindi matatawaran ang inyong malasakit at dedikasyon sa paghubog ng kabataan. Sa bawat programang inyong sinusuportahan, lalo ninyong pinatatatag ang edukasyon at ipinapakita ang tunay na diwa ng bayanihan.

Maraming salamat sa patuloy na pakikipag-ugnayan at sa pagiging katuwang namin sa pagpapatupad ng mga makabuluhang proyekto para sa kapakanan ng mga batang CuliateΓ±o. πŸ’›βœ¨

Congratulations, Young Journalists of Culiat Elementary School! βœ¨πŸ“°Matagumpay na naipakita ng mga batang mamamahayag ng C...
03/12/2025

Congratulations, Young Journalists of Culiat Elementary School! βœ¨πŸ“°
Matagumpay na naipakita ng mga batang mamamahayag ng Culiat Elementary School ang kanilang husay sa ginanap na Press Conference noong December 2, 2025, sa Cinense Integrated School. Tunay na kahanga-hanga ang inyong galing at dedikasyon! πŸ‘πŸ’›

πŸ† Mga Nagwagi:

Princess Angel M. PeΓ±ano – Feature Writing (Filipino) – 1st Placer

Vince CJ F. Urmatan – Editorial Cartooning – 4th Placer

Claude Xyreen M. Quibrantos – Science Writing (English) – 5th Placer

πŸ“Œ Mga Kalahok (Participants):

Kryxhien Miles C. Quizada – News Writing (Filipino)

Julliane C. Urmatan – Copyreading and Headline Writing (Filipino)

Elaine Joy Febrero – Copyreading and Headline Writing (English)

Ella Mae Domingo – Sports Writing (Filipino)

Kath Lea Tangonan Domingo – Science and Health Writing (Filipino)

Carolyn Gem D. Ysmael – News Writing (English)

Thirdy T. Labial – Editorial Cartooning(Filipino)

Mabuhay ang Young Journalists of Culiat Elementary Schoolβ€”patuloy na maging tinig ng katotohanan at inspirasyon! πŸ–‹βœ¨

🌍✨ SCIENCE MONTH 2025 β€” TRASHION SHOW βœ¨πŸŒβ€œWhere creativity meets sustainability.”Pinagdiwangd ang Science Month, ipinakit...
03/12/2025

🌍✨ SCIENCE MONTH 2025 β€” TRASHION SHOW ✨🌍
β€œWhere creativity meets sustainability.”

Pinagdiwangd ang Science Month, ipinakita ng mga batang CuliateΓ±os mula sa Culiat Elementary School na ang agham ay hindi lang natututuhan sa loob ng silid-aralan, ito ay nakikita, nararamdaman, at isinasabuhay. Sa isinagawang Trashion Show, naglakad sa runway ang mga mag-aaral suot ang kani-kanilang kasuotang likha mula sa mga recycled at repurposed materials.

Sa bawat hakbang ng mga bata, makikita ang kanilang talino, sipag, at pagiging malikhain. Ang dating β€œbasura” ay naging makukulay, makabago, at kahanga-hangang disenyo, patunay na kaya nating baguhin ang mundo kung marunong tayong mag-reuse, recycle, at magpahalaga sa ating kapaligiran. β™»οΈπŸ’š

Hindi lamang ito isang patimpalak ng fashion, kundi isang makabuluhang paalala na ang maliit na hakbang ng bawat isa ay may malaking epekto sa pangangalaga ng kalikasan. Sa tulong ng agham at pagkamalikhain, tinuturuan natin ang kabataan na maging responsableng tagapangalaga ng mundo. 🌿🌎

Mabuhay ang mga estudyante, g**o, at buong komunidad ng Culiat Elementary School sa matagumpay at makabuluhang selebrasyon!
Happy Science Month! πŸŒŸπŸ‘—β™»οΈ

π‘Ήπ’†π’‚π’…π’Šπ’π’ˆ 𝒐𝒑𝒆𝒏𝒔 π’Žπ’Šπ’π’…π’”; π’”π’•π’π’“π’Šπ’†π’” 𝒔𝒉𝒂𝒑𝒆 π’…π’“π’†π’‚π’Žπ’”. βœ¨πŸ“–π‘΅π’‚π’•π’Šπ’π’π’‚π’ π‘Ήπ’†π’‚π’…π’Šπ’π’ˆ 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 2025!Let’s inspire every learner to dive into books ...
28/11/2025

π‘Ήπ’†π’‚π’…π’Šπ’π’ˆ 𝒐𝒑𝒆𝒏𝒔 π’Žπ’Šπ’π’…π’”; π’”π’•π’π’“π’Šπ’†π’” 𝒔𝒉𝒂𝒑𝒆 π’…π’“π’†π’‚π’Žπ’”. βœ¨πŸ“–

π‘΅π’‚π’•π’Šπ’π’π’‚π’ π‘Ήπ’†π’‚π’…π’Šπ’π’ˆ 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 2025!
Let’s inspire every learner to dive into books that spark curiosity, fuel imagination, and build lifelong literacy.

Together, 𝒍𝒆𝒕’𝒔 𝒕𝒖𝒓𝒏 π’‘π’‚π’ˆπ’†π’” π’Šπ’π’•π’ π’‘π’π’”π’”π’Šπ’ƒπ’Šπ’π’Šπ’•π’Šπ’†π’”,𝒐𝒏𝒆 π’”π’•π’π’“π’š, 𝒐𝒏𝒆 π’π’†π’‚π’“π’π’Šπ’π’ˆ π’Žπ’π’Žπ’†π’π’• 𝒂𝒕 𝒂 π’•π’Šπ’Žπ’†. πŸ“šπŸ’«

Address

Purok 4, Culiat
Talugtug
3118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Culiat Elementary School Public Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share