15/06/2026
๐ ALAM MO BA?
Ang School Hazard Mapping ay isang mahalagang gawain sa paaralan kung saan tinutukoy at minamarkahan ang mga lugar na maaaring magdulot ng panganib sa oras ng sakuna o emerhensiya gaya ng lindol, sunog, baha, at iba pa.
Sa pamamagitan nito, natutukoy ang:
โ ๏ธ Mga lugar na maaaring pagmulan ng aksidente o panganib
๐ช Mga ligtas na daanan o evacuation routes
๐ข Mga assembly area o ligtas na lugar na maaaring puntahan sa oras ng emerhensiya
๐ Isinasagawa ito alinsunod sa DepEd Order No. 23, s. 2015 o ang โStudent-Led School Watching and Hazard Mapping,โ na naglalayong palakasin ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral sa harap ng mga sakuna.
๐ก Bakit ito mahalaga?
โ
Nakatutulong upang maging handa ang mga mag-aaral at g**o sa anumang emerhensiya.
โ
Nakababawas sa panganib ng aksidente at pinsala.
โ
Nagtataguyod ng kultura ng kaligtasan at responsibilidad sa paaralan.
Tandaan: Ang pagiging handa ay hindi lamang tungkulin ng iilanโito ay responsibilidad ng bawat isa.
โIkaw, alam mo ba kung saan ang pinakamalapit na evacuation route at assembly area mula sa iyong silid-aralan?
๐ธ Maโam Diana C. Austria