10/02/2026
๐รฑ๐ข๐ -๐๐ข๐๐ฅ๐๐ค ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐
Noong ika-13 hanggang ika-16 ng Enero, ginanap ang Division Schools Press Conference sa Dibisyon ng Talisay. Isa sa mga lumahok ay ang St. Ignatius de Loyola Cognition Academy (SICA), na ipinakita ang husay ng kanilang publikasyon na Iรฑig-Sidlak.
Dahil sa sipag at galing ng mga mag-aaral, nakamit ng Iรฑig-Sidlak ang Ikaapat na Pwesto sa Lathalain Seksiyon at Ikalawang Pwesto sa Isports Seksiyon. Ang tagumpay na ito ay pinangunahan ng Ulong Patnugot na si Adrienne Blanche Cardeno, Moderator na si Maria Amelia T. Pica, Tagapayo na si Ariel B. Cayetano, at Katuwang na Tagapayo na si Jelyn L. Bandilao.
Ayon sa mga tagapayo, ang pagkakamit ng mga parangal ay patunay ng dedikasyon at husay ng mga batang mamamahayag ng SICA sa paghahatid ng tama at makabuluhang impormasyon.
๐ฒ Basahin ang buong artikulo sa pamamagitan ng pag-click sa link sa ibaba.
https://heyzine.com/flip-book/0f8b716e08.html
29/01/2026
๐ร๐๐-๐๐๐๐๐๐: ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐
Buong pagmamalaki naming inihahandog ang ๐รฑ๐ถ๐ด-๐ฆ๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐ธ ang opisyal na publikasyong pampaaralan ng St. Ignatius de Loyola Cognition Academy, na magsisilbing opisyal na ilalahok ng paaralan sa ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ (๐ฅ๐ฆ๐ฃ๐) ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matapos tanghaling ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐ฒ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐, muli naming kinakatawan ang dibisyonโdala ang tinig, talino, at adhikain ng mga kabataang mamamahayag sa antas rehiyonal.
Sa bawat pahina ng ๐รฑ๐ถ๐ด-๐ฆ๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐ธ ay makikita ang talino, tapang, malikhaing pag-iisip, at walang kapantay na dedikasyon ng mga kasapi ng patnugutan, mga manunulat, SPAs, at mga katuwang na g**oโisang patunay ng makabuluhang pamamahayag na may saysay at paninindigan.
๐ฒ Basahin online sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code o sa opisyal na flipbook link sa ibaba:
https://heyzine.com/flip-book/9ea2d66f32.html
๐ฐ ๐ร๐๐-๐๐๐๐๐๐ โ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ (๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ)
๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐๐ฉ:
โข Balita โ ๐ฅ Ikalawang Puwesto
โข Lathalain โ ๐ฅ Ikalawang Puwesto
โข Editoryal โ ๐ฅ Ikatlong Puwesto
โข Agham at Teknolohiya โ ๐ฅ Ikalawang Puwesto
โข Pampalakasan โ ๐ฅ Ikalawang Puwesto
โข Layout โ ๐ฅ Ikatlong Puwesto
โ๏ธ ๐๐ช๐ฅ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ฃ๐ช๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ:
Ulong Patnugot: Kiersten Wysty Reyes
Patnugot sa Balita: Skyla Grey Aranquez
Patnugot sa Lathalain: Leriana Hera Mejias
Patnugot sa Editoryal: Lance Riley Padillo
Patnugot sa Debuho: Myles Vincent Verdida
Patnugot sa Kolum: Kiersten Wysty Reyes
Patnugot sa Agham at Teknolohiya: Aasha Preet Singh
Patnugot sa Pampalakasan: Jay Ezekielvonn Dagasdas
Patnugot sa Potograpiya: Kian Paul Alpas
๐ฉโ๐ซ Tagapayo: Jelyn Bandilao
๐จโ๐ซ Katuwang na Tagapayo: Ariel Cayetano
๐ฉโ๐ผ Moderator: Maria Amelia Pica
Taos-pusong pasasalamat sa buong Iรฑig-Sidlak Editorial Board, mga manunulat, kontribyutor, g**o, magulang, at sa lahat ng patuloy na sumusuporta. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at iisang layuninโang maghatid ng makabuluhang tinig ng kabataang Ignatian.
๐ฅ๐ ๐รฑ๐๐-๐๐๐๐ก๐๐ : ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฎ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐, ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฌ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐.
10/10/2025
๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐พ๐ผ: ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ค๐จ-๐๐ช๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ฉ๐
Sa bawat tagumpay ng mga Ignatians, may isang pusong patuloy na nag-aalab; ang pusong ina ng ating paaralan. Siya ang gabay sa bawat hakbang, ang tinig ng pag-asa, at ang ilaw na nagbibigay-inspirasyon sa bawat g**o at mag-aaral.
Sa kanyang araw, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang kanyang kaarawan, kundi ang kanyang malasakit, dedikasyon, at walang sawang pag-aaruga sa buong SICA family.
Maligayang kaarawan, aming Punong G**o!
Nawaโy patuloy kang pagpalain ng Diyos at bigyan ng lakas upang magpatuloy sa iyong misyon bilang ina ng paaralan.
"๐๐ท๐ฐ ๐ฝ๐พ๐ท๐ช๐ ๐ท๐ช ๐น๐ฒ๐ท๐พ๐ท๐ธ ๐ช๐ ๐ท๐ช๐ฐ๐ถ๐ช๐ถ๐ช๐ฑ๐ช๐ต ๐ซ๐ช๐ฐ๐ธ ๐ถ๐ช๐ถ๐พ๐ท๐ธ.โ
09/10/2025
๐๐ ๐๐๐ ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ, ๐๐๐ฎ ๐๐ช๐ง๐ค
๐๐ท๐ฐ ๐ฝ๐พ๐ท๐ช๐ ๐ท๐ช ๐ฐ๐พ๐ป๐ธ ๐ช๐ ๐ฑ๐ฒ๐ท๐ญ๐ฒ ๐ต๐ช๐ท๐ฐ ๐ท๐ช๐ฐ๐ฝ๐พ๐ฝ๐พ๐ป๐ธ ๐ท๐ฐ ๐ต๐ฎ๐ด๐ผ๐ฒ๐๐ธ๐ท, ๐ด๐พ๐ท๐ญ๐ฒ ๐ซ๐พ๐ถ๐พ๐ซ๐พ๐ธ ๐ท๐ฐ ๐ซ๐พ๐ฑ๐ช๐.
Bago pa man marinig ang tawanan sa mga silid ng SICA, naroon na kayo; naghahanda, nag-aalaga, nag-iisip kung paano mas magiging makabuluhan ang bawat araw para sa amin. Hindi lang kayo nagtuturo, kundi nagmamahal. Hindi lang kayo nag-aabot ng kaalaman, kundi nagbibigay-inspirasyon.
Sa bawat pagod na ngiti, sa bawat pang-unawang ibinibigay ninyo, at sa bawat pagkakataong pinipili ninyong maghintay hanggang matuto kami-naroon ang tunay na kabayanihan. Kayo ang mga tahimik na saksi sa aming mga unang pagkakamali at unang tagumpay.
Mga g**o ng ๐๐ต. ๐๐จ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ถ๐ด ๐ฅ๐ฆ ๐๐ฐ๐บ๐ฐ๐ญ๐ข ๐๐ฐ๐จ๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐บ (๐๐๐๐), salamat.
Salamat sa pagtitiyaga sa amin kahit minsan ay makulit, sa pag-aalaga kahit hindi ninyo tungkulin, at sa pag-asang ibinubulong ninyo sa bawat aralin.
Kayo ang aming gabay, aming inspirasyon, at aming pangalawang tahanan.
Dahil sa inyo, natutuhan naming hindi lang maging matalino, kundi maging mabuting tao.
Maligayang Buwan ng mga G**o!
Mula sa aming mga pusong inyong hinubog; salamat sa inyong walang sawang paglilingkod at pagmamahal. Kayo ang aming mga bayani, mga ilaw ng SICA.
Para sa aming mga g**o - salamat sa paghawak sa aming mga kamay habang tinuturuan ninyo kaming lumipad.
สแดษดแด
แดษข ษดษข ๊ฑแดแดสแดแดแด ๊ฑแดแดแด
แดษดแด ษขแดแด แดสษดแดแดษดแด (๊ฑ๊ฑษข - ๊ฑษชแดแด)
Isang munting pasasalamat para sa mga pusong nagtuturo, nagmamahal, at humuhubog ng kinabukasan.
05/10/2025
๐ค๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ ๐ค
Sa harap ng mapaminsalang 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Hilagang Cebu, maraming pamilya ang nangangailangan ngayon ng ating malasakit at tulong.
Ang ๐๐๐พ๐ผ ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐๐๐), sa pakikipagtulungan ng ๐ผ๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ง ๐๐๐ก๐ช๐๐จ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ - ๐พ๐๐ ๐๐๐๐ฃ ๐พ๐๐ข๐ฅ๐ช๐จ sa pamumuno ni Mayor Alexis Bell Cardeรฑo, ay nagsasagawa ng ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐: ๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฎ๐๐ค๐ upang makapaghatid ng tulong, pag-asa, at kagalingan sa ating mga kababayang naapektuhan.
๐ Sa diwa ng pagiging Ignatian - handang maglingkod - tayo ay nagkakaisa upang maging liwanag at pag-asa sa panahon ng pagdadalamhati.
๐ Sa darating na Miyerkules, ang mga mag-aaral mula sa CNU Main Campus ay tutungo mismo sa Hilagang Cebu upang personal na maihatid ang mga donasyong malilikom sa mga pinaka-nangangailangang biktima.
๐คฒ Sama-sama, tayo ang magiging mga kamay na muling magtataas sa Cebu.
๐
Sa gitna ng pagyanig, sabay-sabay tayong babangon.
๐๐ถ๐๐พ๐พ๐ ๐๐ถ๐ ๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐พ, ๐ท๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐ ๐๐ถ๐ ๐ฝ๐ถ๐๐พ๐น ๐๐ถ ๐
๐ถ๐-๐ถ๐๐ถ.
๐Caption by: Adrienne Blanche Cardeรฑo
๐จ Layout by: Macy Oporto
05/10/2025
Stay updated, Ignatians!โค๏ธ
04/10/2025
๐ฆ๐๐๐, ๐๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ถ๐ป ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐น
Matapos ang lindol noong Setyembre 30, 2025 sa Cebu, isinailalim sa structural inspection ang St. Ignatius de Loyola Cognition Academy (SICA) bilang pagsunod sa utos ng DepEd at Pamahalaang Lungsod ng Talisay.
Noong Oktubre 3, 2025, nagsagawa ng masusing pagsusuri si Engr. Zorek R. Canseco ng Del MarโCanseco Associates gamit ang ATC-20 procedure. Lumabas sa resulta na ligtas at matibay ang dalawang apat-na-palapag na gusali at covered court ng SICA.
Kinumpirma rin ni Engr. Arnel C. Bacalso mula sa Talisay City Engineering Office ang kaligtasan ng mga pasilidad at naglabas ng recertification.
Naisumite na sa DepEd Talisay City Division ang lahat ng kinakailangang dokumento. Nakabinbin na lamang ang pinal na pahintulot mula sa DepEd at LGU para sa pagbabalik ng harapang klase na pansamantalang itinakda sa Lunes, Oktubre 6, 2025.
Pinagtitibay ng pamunuan ng SICA na ang kaligtasan ng pamayanang Ignatians ang kanilang pangunahing layunin.
04/09/2025
SICA, Pinagbuklod ng Wikang Filipino sa Makulay na Buwan ng Wika
Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng St. Ignatius de Loyola Cognition Academy (SICA) mula Grade 4 hanggang Grade 10 upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika noong Agosto 29, 2025. Sa temang โFilipino at Katutubong Wika: Iisang Tinig sa Pagtataguyod ng Talino at Pagkakaisang Ignatianโ, naging tampok ang ibaโt ibang pagtatanghal na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sariling wika at kultura.
Pinangunahan ng mga estudyante ang parada ng katutubong kasuotan na nagbigay-kulay sa simula ng programa. Sinundan ito ng mga natatanging pagtatanghal tulad ng interpretatibong pagbasa ng mga mag-aaral mula Grade 4โ6 at malikhaing spoken poetry ng mga piling mag-aaral mula Grade 7โ8. Nagkaroon din ng mga intermission number na nagpatunay sa husay ng mga kabataang Ignatian sa musika at sining. Hinding-hindi rin nawawala ang Pista sa Nayon na kung saan ang bawat klase ay nagbahagi ng pagkaing pinoy at mga kakanin.
Sa hapon, muling nagpasiklab ang programa sa pamamagitan ng ibaโt ibang pagtatanghal gaya ng sabayang pagbigkas na sinalihan ng mga mag-aaral mula sa Ikalima at Ikaanim na Baitang, muli ring nagpakitang gilas ang mga nagkampeon sa deklamasyon, talumpati at likhAwit na ginanap noong ika 28 ng Agosto 2025. Siyempre hinding-hindi rin mawawala ang mga katutubong sayaw na nilahukan naman ng mga mag-aaral mula Grade 7-10, tulad ng Pasigin, Cariรฑosa, Singkil, at Banga Dance.
Bilang pagkilala, iginawad din ang mga parangal sa mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak at sa mga napiling may Natatanging Kasuotan mula sa bawat pangkat ng baitang.
Higit pa sa kasiyahan at paligsahan, nagsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na ang wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon, kundi sagisag ng ating pagkakaisa at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
03/09/2025
๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐๐
Matagumpay na ginanap ang Panapos na Selebrasyon ng Buwan ng Wika noong ika-28 ng Agosto 2025 sa Bulwagan ng St. Ignatius de Loyola Cognition Academy (SICA) na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Prekinder hanggang Grade 3.
Sa nasabing programa, naghandog ang mga batang mag-aaral ng ibaโt ibang katutubong sayaw na nagbigay kulay at sigla sa pagdiriwang. Isa rin sa mga tampok na bahagi ng okasyon ang Patimpalak sa Muling Pagkukwento, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagsasalaysay. Sa huli, itinanghal na kampeon si Laine Kailey Padillo na nakatanggap ng masigarbong palakpakan mula sa mga g**o at kapwa mag-aaral. Ginawaran din ang mga nagwagi sa mga Patimpalak sa Coloring Contest na nilahukan ng mga mag-aaral sa Prekinder hanggang Grade 1 at Water Color Paint Contest na nilahukan naman ng mga mag-aaral sa Ikalawa hanggang Ikatlong Baitang.
Pagkatapos ng mga pagtatanghal at paggawad, nagtungo ang bawat baitang sa kani-kanilang silid-aralan para sa isang masayang โPista sa Nayon.โ Dito ay nagbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga kakanin at ulam na nagpatunay sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa.
Naging tunay na makulay, masaya, at makahulugan ang buong selebrasyon na nagpatibay sa pagmamahal ng mga batang Ignatians sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
27/08/2025
"Filipino at Katutubong Wika: Isang Tinig sa Pagtataguyod ng Talino at Pagkakaisang Ignatian.โ
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa makulay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 28โ29, 2025 sa Bulwagan ng SICA. ๐
Mula Pre-Kinder hanggang Grade 10, sama-sama nating saksihan ang ibaโt ibang pagtatanghal na nagtatampok ng:
๐ธ Husay at malikhaing talento ng mga mag-aaral.
๐ธ Pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino.
๐ธ Pagkakaisa ng bawat Ignatian sa iisang diwa at tinig.
๐ Narito ang Daloy ng Programa para sa lahat ng antas mula Pre-Kinder hanggang Grade 10 (tingnan sa mga kalakip na larawan).
๐ Halinaโt makiisa, makisaya, at makipagdiwang sa ating sariling wika na siyang nagbibigay-buhay at nagbubuklod sa atin bilang isang sambayanan!
21/08/2025
๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ถ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐น๐ฎ๐-๐๐ถ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐๐
Sa himig ng pagmamahal sa sariling wika at kultura, matagumpay na idinaos noong Agosto 20, 2025 sa Bulwagan ng St. Ignatius de Loyola Cognition Academy (SICA) ang Eliminasyon ng Sulat-Bigkas ng Talumpati.
Sa patimpalak na ito, ipinamalas ng mga kalahok mula sa Ikasiyam at Ikasampung Baitang ang kanilang husay at talino sa pagbigkas ng mga talumpating nakabatay sa temang โFilipino at Katutubong Wika: Isang Tinig sa Pagtataguyod ng Talino at Pagkakaisang Ignatian.โ Ang bawat isa ay nagbigay ng makabuluhang pananalita na nagbigay-buhay sa diwa ng tema at pumukaw sa damdamin ng mga nakapakinig.
Hindi naging madali para sa mga hurado ang pagpili ng mga opisyal na kalahok na sasabak sa Pinal na Patimpalak ng Sulat-Bigkas ng Talumpati sa darating na Agosto 28, 2025 bilang tampok na bahagi sa hagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bawat kalahok ay nagpakita ng matinding dedikasyon at kahusayan, kayaโt naging hamon ang pagpili ng mga tatanghaling kinatawan.
Matapos ang masusing deliberasyon, narito ang mga opisyal na napili:
Ikasiyam na Baitang
Jan Antoni S. Jamero
Kylle Racaza
Chelmsford V. Saniel
Ikasampung Baitang
Princess Gwenne Alcoriza
Queen Tiffany J. Tuban
Ashkie Alicante
Lubos na binabati ang mga nagwagi sa eliminasyon. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang pagpapatunay ng kanilang talento, kundi patunay din na ang kabataang Ignatian ay patuloy na nagiging tinig ng wika, kultura, at pagkakaisa.
!
18/08/2025
Ignatian Badminton Knights -July Athlete Rankings ๐๐ฅ
Congratulations to our athletes who performed exceptionally well in the month of July. For those who ranked lower, remember that there is still time to improve, work harder, and showcase your potential.๐ช
Please be reminded that this ranking will serve as one of the bases in selecting the Official Players who will represent our school in the upcoming District Meet.
Let us continue to train with discipline, play with passion, and strive for excellence.