03/09/2026
Mula sa skills, tungo sa mas malaking oportunidad 🚜🇵🇭
Dahil sa Enterprise-based Education and Training (EBET) scholarship program, nagkaroon ng bagong oportunidad si Donald Berago, isang HEO (Hydraulic Excavator) NC II scholar at dating dump truck driver.
Sa halip na hayaang masayang ang off-season, pinili ni Donald na gamitin ang kanyang oras para matuto, mag-upskill, at palakasin ang kanyang kakayahan. Sa tulong ng TESDA at EBET implementer na Roadrovers Trucking Services, nadagdagan ang kanyang technical skills, workplace safety knowledge, at confidence sa pagtatrabaho.
Matapos ang training, nakakuha si Donald ng trabaho bilang trailer truck driver sa Manila, na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanyang career.
TESDA Region XIII