06/12/2025
BAKIT WALANG ARAL PROGRAM NOON?
una, bago pumasok ng Grade One, dapat marunong ng magsulat, bumasa at magkwenta.
isa iyan sa responsibilidad ng mga magulang noon.
pangalawa, repeater si learner kapag 'di talaga nakakabasa.
balik Grade One siya.
wala siyang magagawa.
pangatlo, ayaw ni learner na makantiyawan na repeater siya kaya nagpupursige at nagsusumikap na matutong bumasa.
pang-apat,may policy ang ahensiya noon na "No Read, No Pass"
Bakit may ARAL ngayon at para kanino?
para daw sa mga learners na hirap o 'di pa nakakabasa.
anim na taon sa elementarya?
at anim na taon sa sekondarya?
hindi ARAL program ang solusyon.
kundi kina parents, learners, titsers at ang sistema ng EDUKASYON ang solusyon!
CCTO