Pulo Elementary School

Pulo Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pulo Elementary School, Elementary School, Talisay.

05/03/2020

Sana po ay malaki ang naitulong ng Pulo Elementary sa inyo na kahit solar panels ng paaralan ay kinuha na din po ninyo. Diyos na po ang bahala sa inyo.

14/02/2020

FYI

14/02/2020

FYI

Taal Volcano Alert Level lowered from Level 3 to LEVEL 2.

13/02/2020

NAKAKALUNGKOT

Noong nakaraang Disyembre 2019, ang mga upuan(arm chairs) sa ating paaralan ay itinawid ng mga g**o upang may magamit ang mga bata sa VTSMS. Ang ilang mga gamit ng mga g**o ay itinawid upang may magamit din sila ngunit karamihan sa kanilang mga gamit ay naiwan sa paaralan. Maraming mga gamit ang paaralan na iniwan pansamantala.
Lingid po sa kaalaman ng lahat na ang ating paaralan ay pinadapa ng nagdaang pagaalburuto ng bulkang Taal. Bumagsak ang mga bubong ng mga silid aralan, office at canteen dahil sa isang metro mahigit na abo na tumabon dito. Nakalulungkot tingnan ang sinapit ng ating paaralan. Ngunit mas nakalulungkot na malaman na ang mga kagamitan ng paaralan na unti-unting ipinundar sa mga nakalipas na taon ay kinuha ng walang pahintulot. Ang mga kagamitan pong ito ay pagmamay-ari ng gobyerno. Hindi natin masisisi ang mga taong gumawa nito ngunit pati paaralan ay nasalanta kaya sana ito ay hindi nasamantala. Sa mga gumawa po nito, nakatingin po ang Diyos sa inyo. Siya na po ang bahala sa lahat.

12/02/2020

Minamahal naming mga magulang,
Maraming maraming salamat po sa suporta sa mga programa ng ating paaralan. Ang pamunuan po ng Pulo Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.

Minamahal naming Pulo Elementary School,
Maraming salamat sa 17 years na pagiging pangalawang tahanan ng mga kabataan ng Taal Volcano Island.

Pulo Elementary School
2003-2020

07/02/2020

Magandang umaga po. Hindi po muna tayo papasok sa February 10, Lunes. May memo po ang Mayor na suspended ang klase hanggat hindi nababa ang alert level ng bulkan. Magnonotice po ang LGU kapag magreresume na ang klase. Makikipagugnayan po kami sa inyo kung kailan po ulit magbubukas ang klase. Ang mga bata po nakasit in na ay pwd na pong tapusin ang kanilang pagpasok kung nasaan sila ngayon. Ingat po tayong lahat.

02/02/2020

Announcement!!!

Good morning po sa aming mga minamahal na mga magulang.
Sa darating po na February 4, ganap na ika-8 ng umaga ay magkakaroon po ng pagpupulong sa Venancio Trinidad Sr. Memorial School (VTSMS) grounds.
Inaasahan po ang inyong pagdalo.
Maraming salamat po.
Pagpalain nawa tayo ng ating Poong Maykapal.

30/01/2020

FYI

BULLETIN No. 7
Taal Volcano Eruption 2020
30 January 2020, 9:00 AM

28/01/2020

📢📢📢

BULLETIN No. 6
Taal Volcano Eruption 2020
28 January 2020, 7:00 PM

26/01/2020

MULA PO SA ATING PUNONGBAYAN
MAYOR GERRY D. NATANAUAN

Para sa mga taga Talisay:
Bumaba na po sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal. Kayo po ay binibigyang laya na magpasya kung uuwi na kayo sa inyong mga tahanan. Kung maari po lamang huwag muna isama ang mga matatanda, bata, mga buntis, mga PWD at yong may mga sakit.

Sa mga nasa evacuation centers po, dapat may maiwan kayong kapamilya dahil kung aalis na kayong lahat at kailangan nyong bumalik ay hindi na kayo pababalikin. Bagamat bumaba ang Alert Level, mayroon pa ring panganib na pumutok ng malakas ang bulkan. Dapat ay palagi pa ring alerto at handang lumikas kahit anong oras.

26/01/2020

📢Update po📢

Bulletin No. 3
Taal Volcano Eruption 2020
26 January 2020, 2:00 PM

Photos from Batangas PIO's post 26/01/2020

📢Para po sa kaalaman ng lahat📢

Want your school to be the top-listed School/college in Talisay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Culinary Team

Attire

Website

Address


Talisay
4220