Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province

Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province

Share

Government Organization

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 21/06/2026

Matagumpay na naisagawa ng JBVMES ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ng ating butihing Punong G**o Sir Romeo E. Landicho nitong Huwebes June 18, 2026 bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng kamalayan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng sakuna. Marami pong salamat sa pakikipagtulungan ng ating masisipag na Barangay Tanod na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.

19/06/2026

PATALASTAS | PAGPAPALIT NG PANGALAN NG OPISYAL NA FACEBOOK PAGE NG PAARALAN

Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026, na may pamagat na โ€œMedia Management Guidelines,โ€ na nag-aatas ng isang estandardisadong paraan ng pagpapangalan para sa lahat ng opisyal na social media platform ng Kagawaran ng Edukasyon, opisyal na inanunsyo ng Jorge B. Vargas Memorial Elementary School ang pagpapalit ng pangalan ng page nito. Mabisa kaagad sa araw na ito, ang page ay babaguhin sa sumusunod:
Dating Pangalan ng Page: DepEd Tayo Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas
Bagong Opisyal na Pangalan ng Page: DepEd Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province
Ang pagbabagong ito ay alinsunod sa pambansang direktiba na magtatag ng isang nagkakaisang sistema ng branding, palakasin ang pagkakakilanlan ng institusyon, at tiyakin ang pagiging pare-pareho ng opisyal na komunikasyon sa lahat ng antas ng Kagawaran. Hinihikayat namin ang lahat na i-follow at makipag-ugnayan lamang sa opisyal na page na ito upang makatanggap ng mga pinakabagong anunsyo, ulat ng paaralan, mga programa, aktibidad, at iba pang mahahalagang impormasyon mula sa paaralan. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon habang ating pinalalakas ang komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon sa loob ng komunidad ng ating paaralan.

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 13/06/2026

June Celebrants! ๐Ÿฅณ

Happy birthday to our June celebrants!
Your dedication, spirit and presence make our community stronger. May each of you receive the love you deserve, the happiness you seek and the success you work hard for.
Love JBVMES Fam

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 12/06/2026

Marami pong salamat Dr. Ginalyn U. Macaraig, PSDS, sa kanyang pagbisita at pagbibigay ng Technical Assistance sa ating paaralan nitong miyerkules para sa pagbubukas ng klase S.Y. 2026-2027. Ang kanyang pagmomonitor at pangangamusta sa mga g**o at mga mag-aaral sa silid-aralan ay nagsisilbing gabay upang higit pang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Ang kanyang suporta at dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa aming mga g**o na patuloy na magsikap para sa kapakanan ng bawat batang mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong pamumuno, paggabay, at walang sawang suporta sa aming paaralan.

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 08/06/2026

GENERAL ASSEMBLY 2026

Matagumpay na isinagawa ang General Assembly 2026 sa pakikiisa at aktibong partisipasyon ng mga magulang, tagapag-alaga, g**o, at iba pang mga stakeholder ng paaralan sa pangunguna ng Punong G**o Sir Romeo E. Landicho. Tinalakay sa pagtitipon ang mahahalagang impormasyon at programa ng paaralan tulad ng Three-Term School Calendar, Reading (English/ Filipino), Numeracy, Diversities of Learners, Child Protection Policy, Feeding/ Health at BSP. Naging daan din ang gawaing ito upang higit na mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

08/06/2026

FIRST DAY OF SCHOOL 2026โ€“2027

A new school year begins, bringing new opportunities to learn, grow, and succeed. Today marks the start of another exciting journey filled with dreams, discoveries, and achievements. To our dear learners, welcome back to school! May this year be filled with meaningful experiences, lasting friendships, and countless moments of learning.

Especial Thanks to McDonalds Talisay for making our learners happy.

Together, let us make this school year productive, inspiring, and successful. Welcome back, learners!

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 08/06/2026

โœจ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•, ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฒ๐’‚-๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’…๐’‚!โœจ

Ang buong pamunuan ng ๐—๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ ๐—•. ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga sponsors at stakeholders na naglaan ng kanilang oras, suporta, at mga donasyon para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026.

Ang inyong tulong, pagmamalasakit, at pakikiisa ay naging daan upang maihanda namin ang paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Mula sa aming mga g**o, mag-aaral, at buong komunidad ng Jorge B. Vargas Memorial Elementary School, ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ผ!

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 08/06/2026

๐““๐“ช๐”‚ 5 ๐“‘๐“ป๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐“ญ๐“ช ๐“ฑ๐“ฎ๐“ป๐“ธ๐“ฎ๐“ผ!
Thank you so much po. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 08/06/2026

๐““๐“ช๐”‚ 4 ๐“‘๐“ป๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐“ญ๐“ช ๐“ฑ๐“ฎ๐“ป๐“ธ๐“ฎ๐“ผ!
Thank you so much po. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Photos from Deped Jorge B. Vargas Memorial Elementary School - Batangas Province's post 04/06/2026

๐““๐“ช๐”‚ 3 ๐“‘๐“ป๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐“ญ๐“ช ๐“ฑ๐“ฎ๐“ป๐“ธ๐“ฎ๐“ผ!
Thank you so much po. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Want your school to be the top-listed School/college in Talisay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Sampaloc
Talisay
4220

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm