14/07/2026
๐ข PAANYAYA: NAGHAHANAP PO KAMI NG ARAL TUTORS
Naniniwala kami na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad ng kabataan at ng buong bansa.
Kaya naman, upang matiyak na walang batang maiiwan sa pag-aaral, ang JBVMESl sa Sampaloc, Talisay, Batangas ay kumakatok sa mga kabataang may pusong tumulong.
Ano ang layunin?
Tulungan ang ating mga mag-aaral na makasabay sa kanilang mga aralin, mas mapalalim ang kanilang natutunan, at mas lumakas ang kanilang tiwala sa sarili.
Ano ang gagawin ng Aral Tutor?
Magbibigay ng gabay at suporta sa mga bata
Tutulong sa mga gawaing pang-opisina ng paaralan
Maglalaan ng 8 oras araw-araw para sa paglilingkod sa paaralan
Sino ang pwedeng mag-apply?
โ
Edad 18 hanggang 30 taong gulang
โ
Graduate ng Senior High School o Kolehiyo
โ
May kakayahan at malasakit sa pagtuturo at paggabay sa mga bata
Ang pagiging Aral Tutor ay hindi lang trabaho. Ito ay isang pagkakataong makilahok sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata at makatulong sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad.
Kung ikaw ay masipag, bukas matuto, at may pusong maglingkod โ mag-apply ka na!