09/04/2026
Nakikiisa ang Departamento ng Araling Panlipunan at Filipino, kasama ang buong komunidad ng Lawaan III National High School, sa paggunita ng Ika-84 na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ngayong araw, ating sinasariwa ang kabayanihan ng mga Pilipinong tumindig para sa ating kalayaan sa Bataan at Corregidor. Higit pa sa pag-alala sa nakaraan, layunin nating itanim sa puso ng bawat mag-aaral ang diwa ng pagmamahal sa bayan at ang tapang na harapin ang mga hamon ng kasalukuyan.
Salute sa lahat ng mga beterano at sa mga modernong bayani ng ating henerasyon!