13/06/2026
โโ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ค๐-๐๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐ญ๐๐ , ๐๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ!๐ซโจ
โ
โAng binhing minsa'y sinimulan, ngayo'y naging tahanan at daan tungo sa matibay na pundasyon ng karunungan ng maraming kabataang TaliSHenyoS.๐ฉโ๐๐จโ๐
โ
โ๐๐๐๐-๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐ก โ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ โ๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐ข๐๐๐.๐
โ
โ
โ
10 ๐ป๐๐๐ ๐ฒ๐ ๐๐, ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐!
Ngayong araw, buong dangal nating ipinagdiriwang ang Ika-10 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating Sintang Paaralan, Talisay Senior High School.
Isang dekada na ang nakalilipas mula nang itanim ang mga unang binhi ng pangarap sa ating Sintang Paaralan, at ngayon, saksi ang dekadang panahon sa mayabong na punong patuloy na nagbibigay-kanlungan at liwanag sa kabataang TaliSHenyoS.
Ang ating kasaysayan ay isinulat sa gitna ng matitinding pagsubok. Sinubok ng pagputok ng bulkan na nagbalot ng abo sa ating paaralan, pandemyang nagdala ng takot at pansamantalang nagpatigil sa ingay ng ating mga silid-aralan, at ng mga bagyong humagupit sa ating mga pasilidad.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang Talisay Senior High School ay hindi nabuwal. Sa halip, ito ay naging isang matatag na kanlungan.
Naging kanlungan tayo dahil sa mga g**ong hindi napatid ang paggabay, sa mga mag-aaral na patuloy na nangarap sa gitna ng krisis, at sa mga magulang, komunidad at lokal na pamahalaan na walang sawang nakipagkapit-bisig.
Napatunayan na natin sa nakalipas na isang dekada, anuman ang dumarating na unos, ang ating kanlungan ay mananatiling matatag, ligtas, at handang magsilbi para sa mga susunod pang henerasyon.
Ipinapaabot ng pamunuan ang buong-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating unang dekada, mga g**o, mga kawani, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa komunidad. Kayo ang tunay na haligi ng Sintang Paaralan.
โ
Sa ating paghakbang patungo sa susunod na kabanata, bitbit natin ang mga aral ng nakaraan at ang pag-asang higit pa nating mapapabuti ang ating paglilingkod sa bawat kabataang TaliSHenyoS.
Maligayang Ika-10 Taong Pagkakatatag, Talisay Senior High School!
Ibahagi ang inyong kwento at alaala. I-comment ang inyong mga larawan na nagpapakita ng inyong paglalakbay at pagiging bahagi ng ating Sintang Paaralan sa nakalipas na dekada sa ating comment section.