25/07/2025
ATTUNEMENT and its PRINCIPLES
Tanong 1:
“Paano maisasagawa ang Psychosocial Approach kung si teacher mismo ay ‘Profound Stress’?”
Sagot:
“Unawain at isapuso ang Principles of Attunement.”
Tanong 2:
“Ano itong sinasabing Attunement at ang Principles nito?”
Sagot:
ATTUNEMENT (Pagkakaugnay ng Damdamin at Pag-unawa)
Ang attunement ay ang kakayahan ng g**o na makiramdam, makinig, at makiisa sa emosyon, pangangailangan, at karanasan ng bata. Ito ay nagbubunga ng mas makatao at mas sensitibong ugnayan sa pagitan ng g**o at mag-aaral, na mahalaga sa buo at makataong pag-unlad ng isang bata.
Kapag may attunement, nararamdaman ng bata na siya ay nauunawaan, tinatanggap, at pinahahalagahan — at ito ang pundasyon ng tiwala, seguridad, at bukas na pagkatuto.
Ang attunement ay parang pagsasayaw ng damdamin — ang g**o ay hindi lamang nagtuturo, kundi sumasabay sa emosyon at karanasan ng bata. Nakikita niya kung kailan tahimik pero may dinaramdam ang bata, kung kailan nangangailangan ng kaunting lambing, o kung kailan sapat na ang titig upang ipadama ang pag-unawa. Sa ganitong ugnayan, mas lumalalim ang koneksyon, at nagiging ligtas na lugar ang silid-aralan para sa pagkatuto. Dahil sa attunement, nagiging makatao ang edukasyon.
Sa simpleng wika, ang attunement ay ang kakayahan ng g**o na maramdaman at marinig hindi lang ang sinasabi ng bata, kundi pati ang hindi nito kayang sabihin. Sa ganitong paraan, mas nagiging makatao, mas may malasakit, at mas epektibo ang kanyang pagtuturo.
8 PRINCIPLES OF ATTUNEMENT
1. Pagpapakita ng Pagmamahal: Iparamdam sa bata na siya’y ligtas, mahalaga, at tanggap sa pamamagitan ng malalambing na kilos at salita, ngiti, paghalik sa noo, paghipo sa balikat, pagyakap at pagpapakita ng positibong pakiramdam. Minsan, sapat na ang isang ngiti o pag-akbay para masabing “Nandito lang ako.” Ngunit pinapaalalahanan ang pagsasagawa ng halik, hipo at yakap sa bata na maging maingat upang hindi maihahambing sa sensitibong gawain katulad ng harassment.
2. . Pagsunod sa Gawi ng Bata: Obserbahan at unawain ang interes ng bata. Sumabay sa kanyang laro o usapan. Kapag ginagalang natin ang kanyang mundo, mas nadarama niyang mahalaga siya.
3. Magkaroon ng Madamdaming Pag-uusap: Makinig ng may puso. Bigyang halaga ang damdamin ng bata, kahit simple lang ito sa paningin natin. Ang tunay na koneksyon ay nagsisimula sa malasakit.
4. Pagpupuri at Pagpapakita ng Pagtanggap: Purihin ang mabubuting asal, hindi lang ang resulta. Kapag pinapansin natin ang effort ng bata, lumalakas ang loob niyang magsikap pa.
5. Magkasamang Pagbibigay Tuon o Pansin: Mag-focus sa iisang bagay kasama ang bata—laro man ito, larawan, o kwento. Dito lumalago ang ugnayan at tiwala sa isa’t isa.
6. Pagpapangalan at Pagsasalarawan: Turuan ang bata na ipahayag ang kanyang damdamin at iniisip sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang salita at paglalarawan. Nakakatulong ito sa emotional development niya.
7. Pagpapalawig: Dagdagan pa ang ideya ng bata sa pamamagitan ng mga follow-up na tanong o karagdagang impormasyon. Sa ganitong paraan, lalawak ang kanyang pang-unawa.
8. Positibong Pangangasiwa: Gumamit ng mahinahon at positibong disiplina. Ituro ang tamang asal sa paraang nakakaunawa, hindi nakakatakot.
Ang attunement ay isang makataong paraan ng pagbuo ng koneksyon sa mga bata. Sa pagiging mulat, mapagmalasakit, at makinig nang buo, mas magiging makabuluhan ang ating pagtuturo.
May nabanggit sa unang tanong na salitang ‘Profound Stress’. Pag-uusapan naman po natin ito sa susunod na post. Tunghayan po natin.