05/06/2026
Ngayong buwan ng Hunyo, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pagdiriwang ng National ICT Month 2026 na may temang:"ISANG DEKADANG DIGITAL: Konektado sa Puso at Serbisyo"
Sa loob ng sampung taon ng digital transformation, patuloy nating pinapalakas ang koneksyon ng teknolohiya at serbisyong pampubliko upang maging mas mabilis, mas accessible, at mas epektibo para sa bawat mamamayan.
Sama-sama nating yakapin ang makabagong teknolohiya bilang daan tungo sa mas maunlad, mas konektado, at mas inklusibong komunidad.