09/08/2026
| AUGUST 10, 2026 (MONDAY) ๐ง๏ธ
Mga minamahal nating Talaveraรฑos, sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, sa buong lalawigan ngayong Lunes, Agosto 10, 2026.
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) at inaasahang malalakas na pag-ulan sa lalawigan.
Hinihikayat po natin ang lahat na manatiling alerto at maingat, lalo na sa pagbiyahe. Iwasan ang mga lugar na maaaring bahain at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA, MDRRMO, at ng ating lokal na pamahalaan.
Mas mabuti nang handa kaysa magsisi.
Para sa kaligtasan ng lahat, makiisa po tayo at manatiling mapagmatyag.
Mag-ingat po tayong lahat. Manatiling ligtas, Talaveraรฑos. ๐๐ง๏ธ