04/09/2026
Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng ALS Talavera Senior High School sa ginanap na Intramurals 2026. Bilang “Green Vipers,” buong puso silang nakilahok sa iba’t ibang kategorya ng palaro at ipinamalas ang kanilang dedikasyon, talento, husay, at sportsmanship. Sa bawat laban, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang determinasyon at pagtutulungan upang maipakita ang kanilang kakayahan. Naging mahalaga rin ang kanilang pakikiisa, respeto sa kapwa manlalaro, at pagiging mabuting halimbawa ng isang responsableng atleta.