19/08/2026
โ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ ๐ผ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ผ๐ ๐ฟ๐๐๐ผ, ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐โ๐ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ.โ
โ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ ๐ ๐๐ฃ๐จ๐๐
Mahalagang pahalagahan ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika sapagkat bahagi ang mga ito ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Higit pa sa pagiging kasangkapan sa pakikipag-ugnayan, ang wika ay nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan nito, mas nagkakaunawaan tayo, napapalalim ang ating pagpapahalaga sa kultura, at napagtitibay ang ugnayan ng bawat isa.
Ngayong Buwan ng Wika, sama-sama nating ipagdiwang at ipagmalaki ang sariling wika bilang daan tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Ang TDCI Emergency Trauma Response & Life Support Club ay buong pagmamalaking nakilahok sa Pakikipaghimamat 2026, isang school event na ginanap sa New City Hall of Tagum City. Kasama ang ating mga kapwa mamamayan at mag-aaral, sama-sama nating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng Buwan ng Wika at ang yaman ng ating kultura.
Bilang isang school organization na nakatuon sa emergency response and life support, batid namin ang malaking kahalagahan ng malinaw at epektibong komunikasyon. Sa panahon ng emergency, bawat salita ay mahalaga. Ang pagbibigay ng tamang instructions, attentive listening, at malinaw na pakikipag-ugnayan ay maaaring maging mahalagang bahagi ng pagtugon at pagtulong sa nangangailangan.
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐, ๐๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐
๐๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฆ, ๐๐๐ซ๐ฏ๐๐ซ๐ ๐๐ข๐ญ๐๐ฌ
โ๐ผ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐จ๐ฉ, ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐๐จ.โ ๐ฉบ๐ต๐ญ
๐ป : AbbyGail Torno
โ๐ป : Frankis Failden