Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center

Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center

Share

LET Review Center

Photos from Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center's post 13/12/2024

GRADUATE PROMO is STILL in effect for LET REVIEW March 2025 ‼️❗️‼️
Join our Online & FtF Program
LETREVIEW
CLE REVIEW
FREE JAPANESE LANGUAGE 3 month with certification and exclusive agency and tesda acredited🫰🏻✍🏻

Group of 5- Less 500
Group of 10- Less 1000

Reserve your slot for only 500php.


DAVAO DEL NORTE

10/12/2024

GRADUATE PROMO is STILL in effect for LET MARCH 2025 REVIEW AND FREE 3 MONTHS JAPANESE TRAINING ACCREDITED ALL JAPANESE AGENCY‼️❗️‼️

Group of 5- Less 500
Group of 10- Less 1000

Reserve your slot for only 500php.


DAVAO DEL NORTE

09/12/2024

GRADUATE PROMO is STILL in effect for LET MARCH 2025 Review With 3 Months Japanese Training accredited Japanese agency‼️❗️‼️

Group of 5- Less 500
Group of 10- Less 1000

Reserve your slot for only 500php.


DAVAO DEL NORTE

Photos from Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center's post 06/12/2024

Shiela Pilapil Biscocho
Victor Biscocho
Berga Hi Ta

Photos from Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center's post 24/09/2024

Berga Hi Ta Victor Biscocho Shiela Pilapil Biscocho

Photos from Licensure Exam for Teachers Biscocho Review Center's post 22/06/2024

GRADUATE PROMO is STILL in effect for LET MARCH 2025 Review ‼️❗️‼️

Group of 5- Less 500
Group of 10- Less 1000

Reserve your slot for only 500php.


DAVAO DEL NORTE

26/05/2024

FILIPINO(Filipino Major)
Practice Test

1. Ang mga kasamahan mo ay nagsasabing higit na mainam daw magtrabaho sa ibang bansa pagkatapos ng pag-
aaral sa Pilipinas. Iba naman ang nasa isipan mo. Paano mo sisimulang ilahad nang magalang ang iyong lubusang
pagsalungat?
a. “Parang maling-mali ka . . . .”
b. “sa puntong iyan, tama ka, pero . . . .”
c. “Nirerespeto ko ang opinion mo, pero . . . .”
d. “Sa isip ko tama ka . . . .”
2. Pinag-uusapan ng iyong mga kaibigan ang pornograpiya sa mga sining (pelikula, babasahin, at iba pa). Nais mong
magdagdag ng ibang punto sa argumento. Paano mo ito sisimulan?
a. “Pahintulutan mong wakasan ko . . . .”
b. “Bilang paglalahat . . . .”
c. “Pero kung tutuusin . . . .”
d. “Bukod pa riyan . . . .”
3. May mahalagang bagay kayong naiwan sa bahay. Nais ninyong tumawag sa telepono. Hihingi kayo ng pahintulot
sa kalihim ng inyong dekano upang magamit ang telepono. Ano ang magandang simula?
a. “Sige na . . . .” c. “Sa maikling sabi . . . .”
b. “Sa kabuuan . . . .” d. “Maaari po bang . . . .”
4. Sa pangungusap sa ibaba, nilalalagyan ng isang bar (/) ang isang saglit na paghinto at ng dobleng bar (//) ang
katapusan ng pahayag. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito?
Tito / Juan Anton ang pangalan niya. //
a. Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.
b. kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala si Juan Anton.
c. Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si Anton.
d. Lahat tama.
5. Anong gawi ng pagsasalita ang ginagampanan ng mga sumusunod na pahayag?
“Kumusta ka na?”
a. Pagbati c. pagpapasalamat
b.Pagbibiro d. pagpapakilala
6. “Pumunta ka’t baka dumating din ako”
a. Pakikiusap c. pagtatangi
b.pag-uutos d. pagpupunyagi
7. Anong tungkulin ng komunikasyon ang ginagampanan ng mga sumusunod na pahayag?
“Tungkol saan ang talakayan ninyo?”
a. pagkuha ng impormasyon
b.pagbabahagi ng damdamin
c. pagkontrol ng kilos ng iba
d.paglikha
8. “Tena’t may klase pa tayo.”
a. pagpapanatili sa pakikipagkapwa
b.pagbabahagi ng damdamin
c. pangangarap o paglikha
d.pagkontrol sa kilos ng iba
9. Alin sa mga sumusunod ang di pormal na pahayag?
a. Paalam na po.
b.Hay! Kumusta ka?
c. May maitutulong po ba ako?
d. Ipagpatawad mo.
10.Alin ang di tahas o matalinghagang pahayag?
a. Mainit ngayon. Buksan mo ang bentilador.
b. Tumigil ka na sa iyong pagsasalita.
c. Nakapapaso ang init ng araw ngayon.
d.Malamig ang panahon. Umuulan.
11.Alin sa mga sumusunod na pahayag ng paghingi ng tawad ang di pormal?
a. Pasensiya ka na.
b.Patawarin mo ako.
c. Pagsisikapan kong di na mangyari itong muli.
d.Huwag ka nang magalit. Hindi ko na gagawin muli.
12.Naglilinis ng bakuran ang mga lalaki samantalang nagluluto ang mga babae. ito ay halimbawa ng pangungusap
na may kayariang _______________.
a. tambalan c. payak
b.hugnayan d. langkapan
13.Pangulo ka ng Kabataang Barangay sa inyong lugar. Tumawag ka ng isang ispesyal na pulong na dinaluhan ng
mga kasapi. Ano ang angkop na sabihin upang mapasimulan ang pulong?
a. Puwede bang simulan na natin ang pulong?
b.Mangyaring sumaayos ang kapulungan.
c. Bukas na ang hapag.
d.Mangyaring tumahimik ang lahat.
14.Bagong lipat ka sa isang lugar. Hindi mo pa alam kung paano pupunta sa bayan. Balak mong magtanong sa
pulis. paano mo ito sasabihin?
a. Mamang pulis, saan po kaya ako makasasakay papuntang bayan?
b.Mang pulis, ituro ninyo nga sa akin ang sakayan papuntang bayan?
c. Mamang pulis, saan ba ako sasakay papuntang bayan?
d. Saan ba ang sakayan papuntang bayan?
15.Matagal ka nang nakikipag-usap sa telepono. Sinenyasan ka ng iyong pinsan na tapusin mo na ang iyong
pakikipag-usap. Paano mo ito sasabihin?
a. Ibaba mo na ang telepono. Kailangang tumawag ang pinsan ko.
b. Sige na. Nagagalit na ang pinsan ko.
c. Mamaya na uli tayo mag-usap. Gagamitin kasi ng pinsan ko ang telepono.
d. Sige. Tama na ang kuwento.
16.Alin sa mga halimbawa ang di dapat isama sa pangkat ng pangungusap na walang paksa?
a. Ang tapang mo pala! c. Umuulan
b.Aray! d. Ginto ang alahas.
17.Alin sa mga pangungusap ang pokus sa actor / tagaghanap?
a. Bumili ng laruan si Gel sa SM para sa kanyang inaanak.
b.Binili ni Gel ang laruan sa SM para sa kanyang inaanak.
c. Binilhan ni Gel ng laruan ang SM para sa kanyang inaanak.
d. Ibinili ni Gel ng laruan ang kanyang inaanak sa SM.
18.Alin ang tamang pangungusap na patanong na hango sa batayang pangungusap na pasalaysay?
BP. Mamamasyal sila sa Biyernes.
a. Saan sila mamamasyal?
b.Kanino sila pupunta?
c. Bakit sila mamamasyal?
d.Kailan sila mamamasyal?
Tukuyin ang pamaraang ginamit sa pagbibigay kahulugan sa mga sumusunod na sitwasyon:
19.Kapwa matulungin sina Mario at Mina subalit ang una ay mahirap at ang pangalawa’y mayaman.
a. pagtutulad at pag-iiba c. paglalarawan
b.pag-uuri d. paghahalimbawa
20.Iba-iba ang tatak ng sasakyang lumalabas. Katunayan, ang Volvo, Revo, Starex, CRV-Honda at Toyota Altis ay
ilan lamang sa mga ito.
a. Paghahalimbawa c. paglalarawan
b.pag-uuri d. pagtutulad at pag-iiba
Lagyan ng angkop na sanhi o bunga ang sumusunod na pahayag:
21.Ang paggamit ng halamang gamot.
a. walang doctor na babayaran
b.nangangailangan ng reseta
c. malaking katipiran sa mga mahihirap
d.uso sa panahong ito
22.Maitim na usok na binubuga ng mga sasakyan
a. nagbabara ang mga imburnal
b. kahirapan sa pamumuhay
c. nak**amatay ng mga isda
d.huuhina ang baga ng tao
Alin ang pinak**ainam na katwiran sa mga sumusunod na pahayag?
23.Maaring maging legal ang diborsiyo sa Pilipinas.
a.sapagkat may nagtataguyod ng panukalang batas na gawin legal ito.
b.dahil sa marami ang nagkakahiwalay na mag-asawa.
c. pagkat marami na ang mga anak sa labas.
d.dahilan sa nakikialam na ang simbahan.
24.Ang mga pangungusap sa ibaba ay magkakaugnay MALIBAN sa isa. Alin ang pangungusap na ito?
a. Pangarap niyang makarating sa ibang bansa.
b.Masarap magbakasyon sa ibang bansa.
c. Isan araw, may nabasa siyang anunsyona nangangailangan ng mga manggagawa sa ibang bansa.
d.Dali-dali niyang kinuha ang address ng kompanya at sumulat siya upang magprisinta.
25.Piliin ang pinakatamang kongklusyon sa pahayag.
Ang pagdarasal bago kumain at pagkatapos ay isang magandang kaugaliang minana natin sa mga Kastila.
a. Ang ating mga ninuno ay naging madasalin.
b.Ang pagdarasal ay daan ng magandang pagsasamahan at pamumuhay.
c. Magkakaroon tayo ng maraming biyaya sa pamamagitan ng pagdarasal.
d.Bago dumating ang mga Kastila, hindi nagdarasal ang ating mga ninuno.
26.Ano ang wastong pag-uugaling ipinahihiwatig ng sumusunod na sitwasyon?
Bigla siyang bumangon, sinaklot ang unang nasa gilid ng k**a at marahan niya itong ibinalibag sa mga bote ng
gamot.
a. bugnutin c. mainggitin
b.manibughuin d. masayahin
27.Anong pandama ang maaantig sa pagbasa ng sumusunod na taludtod?
Mga baybaying napalilibutan ng maraming bangin.
a. Pandinig c. panlasa
b.pang-amoy d. paningin
28.Ano ang pinak**alapit na kahulugan ng maga parilala / salitang may salungguhit?
Hindi sa pansariling kaganapan sa artistikong paglikha sumusulat ang manunulat.
a. makasining na pagsulat.
b.pagsulat na may estetikong pananaw.
c. pagsulat ng walang sariling pagpupunyagi.
d.pagsulat para sa malayang pamahayagan.
29.Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag.
Natunghayan ng ina sa pahayagan ang mga naganap sa Saigon.
a. Natitigan c. natambad
b.Nabasa d. nasulyapan
30.Piliin ang pinakangkop na salita upang mabuo ang diwa sa pangungusap.
Ang pagk**amamayan ay di nangangahulugan ng ________ lamang. Tungkulin niya’y marami.
a. Karapatan c. kayamanan
b.Kalayaan d. pangarap
31.Batay sa diwang inihahatid ng tula piliin ang wastong pakahulugan sa sumusunod na taludtod.
“Talinghaga ang ganda dahil sa maanyo at makulay.
Kung minsan ay paraiso at kung minsan ay libingan.”
a. Kaakit-akit ang kagandahan.
b.May kulay ang ganda.
c. Magdaraya ang kagandahan.
d.Mahirap liripin ang kagandahan.
32.Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
Mapilak ang mga naghahari sa lipunan.
a. Mayaman c. maalahas
b.Matipid d. makapangyarihan
33.Piliin ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Nasa gawing kanluran ang karatig na bukid na pag-aari raw ni Kapitan Berto.
a. karugtong c. katabi
b. kahiwalay d. kadikit

Want your school to be the top-listed School/college in Tagum City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Velasco Village Purok Rizal B-1 Canocotan
Tagum City
8100