Madrasah Da-awah Al-Islamiyyah

Madrasah Da-awah Al-Islamiyyah This Madrasah built since 1990's by Abinal-Matanog Family including the masjid & compound.

13/09/2026

UBJP

Amin pong itinigil ang donation drive sa ating studyante na humihingi ng tulong pinansyalSapagkat tayo po ay na scamIto ...
09/07/2026

Amin pong itinigil ang donation drive sa ating studyante na humihingi ng tulong pinansyal

Sapagkat tayo po ay na scam

Ito po ang kanyang PAGE at mga NUMERONG ginamit sa pagkontak

23/04/2026

PAHAYAG

الحمد لله رب العالمين. وبعد:

Ito ay pahayag bilang PAGPROTEKTA SA INTIGRIDAD AT DANGAL ng ating mga madrasah. Sapagkat kung mawala ang ating tiwala sa mga madrasah, ay ilalayo natin ang ating mga anak mula sa mga ito, na ang ibig sabihin ay inilayo rin natin sila sa kanilang pananampalataya, o sa Islam.

Tila ba nababahiran o napag-iisipan ng hindi dapat ang ating mga madrasah, lalo na ang mga stay-in (torel) na madrasah. Na ang mga ito daw ay pera-pera na lamang, o ginawa nang kabuhayan ang pamamahala ng mga ito.

Inyong alamin, na halos lahat ng madrasah sa atin sa Pilipinas ay NON-PROFIT, dahil ang layunin naman talaga sa pagtatag ng mga ito ay UPANG ITURO ANG ISLAM at hindi ang pagpapayaman.

At kung bakit may bayad ang mga madrasah ay dahil ang mga ito ay pribado, ibig sabihin ay walang fundings mula man sa LGU, o sa National, o maging mula sa foreign country, at ang mga ito ay nakakapag-operate lamang sa pamamagitan ng tuition ng mga estudyante.

Ibig sabihin ay sa tuition nagmumula ang kinakain ng mga estudyante, sweldo ng mga empliyado ng madrasah, at gayundin ang bills, etc.

At alamin rin natin, na kung bakit magkakaiba ang tuition ng bawat madrasah, ay dahil sa:

▪1. Una na diyan ang pagiging pribado ng mga ito tulad ng nabanggit.

▪2. Depende sa lokasyon ng madrasah. Kung ito ba ay nasa mga siyudad o urban, lalo na sa mga medyo tanyag na siyudad, ay mas mataas rin ang mga bilihin o ang bills.

▪3. Kung hindi pagmamay-ari ng madrasah ang gusali, ibig sabihin ay umuupa lamang ito.

Ngayon ay magsagawa tayo ng COST BREAKDOWN . . .

Ipagpalagay natin na ang tuition ay ₱3,800 sa bawat buwan.

₱3,800 ÷ 30 (isang buwan) ay = ₱127.

Iyang ₱127 ang arawang gastusin ng isang estudyante para sa kanyang almusal, tanghalian, hapunan, tuluyan, nako-consume na tubig at kuryente, at ang kanyang pag-aaral.

Kung tutuusin ay kung lalagyan rin ng presyo ang arawang gastusin ng bata sa labas ng madrasah ay halos ganyan rin, maaaring mas malaki pa.

Ibig sabihin ay makatarungan ang ganyang halaga ng tuition fee. —E— kung yung mga budget meal nga ay mahigit ₱100 na, isang meal lang iyan, ay paano na lamang kung ilang meals? At gayundin na wala ka ring mahahanap na tutuluyan mo ng isang araw na ₱127 ang bayad. At kung may mahanap ka man ay idagdag mo yung kakainin mo sa araw na iyon, ay maaaring aabot na ng ₱300 to ₱400 at mahigit.

At karamihan sa mga nambabatikos sa mga madrasah ay basta-basta na lamang nagsasagawa ng MULITIPLICATION; “tuition” X “bilang ng mga estudyante” = “malaki pala ang nakukuha ni Moder, ni Ustadh, ni Admin”. —SubhanAllah.

Oo may natitira sa naiipon na tuition ng mga estudyante, subalit ito ay hindi para sa bulsa ng sinuman. Ito ay ginagamit ng madrasah sa maintenance, renovations, programs, scholarship, emergency fund, devices, etc., na ang mga iyan ay bahagi upang MAISAKATUPARAN NANG MAAYOS AT KAAYA-AYA ang pamamalakad ng madrasah.

Ano ba ang gusto natin, yung lahat na lamang ng gagawin ng madrasah ay magsasagawa ng SOLICITATION upang ma-execute ito? Hindi na ba mawawala sa kaugalian at mentalidad ang pagbuklat ng mga palad sa tuwing may gagawing program o activity? O kaya ay hindi na ba natin maiangat ang antas ng mga madrasah, na parati na lamang nasa kawawang istado ang mga ito? —“Ang Islam ay nangingibabaw, at hindi pinangingibabawan.”

Inyo ring alamin, na hindi lahat ng estudyante ay nakakabayad, madalas ay may mga hindi nakakabayad ng ilang buwan, ilang sem, at mayroon pang buong taon. Bagamat may mga polisiya naman ang mga madrasah hinggil diyan upang mapanatili ang pamantayan nito.

At kung ang polisiya ng madrasah ay patigilin ito, ay dahil hindi naman evacuation center ang ating mga madrasah upang mag-accommodate nang libre, hindi rin home for refugees, at hindi rin bahay-ampunan. May mga kinauukulan at natatanging lugar para sa mga iyan, at hindi ang ating mga madrasah. —Bagamat ang karamihan sa mga madrasah ay hindi nagpapatigil ng estudyante dahil lamang sa tuition, subalit sa clearance nila makakaharap ang problema na iyan.

At kung walang kakayahang pinansiyal ang bata na nais pumasok sa madrasah, ay huwag naman sana natin ibalin ang sisi sa mga madrasah kung hindi nila ito tatanggapin. Dahil una, ay may QADAR ang bawat isa hinggil sa financial status. Pangalawa, ay tulad ng nabanggit, na nakakapag-operate lamang ang mga madrasah sa pamamagitan ng tuition ng mga estudyante.

Bagamat, may mga madrasah naman talaga na para sa mga estudyante na nasa ganyang sitwasyon, na kadalasan ay may fundings ang mga ito mula sa mga companies, corporations, o maging sa foreign countries.

🔸 Bilang kabilang sa mga may pinamumunuan na madrasah, ay banggitin ko na rin dito ang hinggil sa Ma’had Al-fatayat, Baguio City, na kabilang ako sa namumuno dito.

Ang Ma’had Al-fatayat ay nagbibigay ng mga diskwento sa mga nangunguna sa bawat antas. Hanggang sa humantong sa 100% TUITION-FREE.

At hindi lang iyan, ang Ma’had Al-fatayat ay nagbibigay rin ito ng EXEMPTION sa GRADUATION FEE sa sinumang karapat-dapat.

At hindi lang iyan, ang Ma’had Al-fatayat ay sinasagot rin ang GASTUSIN SA PAG-UWI ng sinumang karapat-dapat matapos itong maka-graduate, plane ticket man, o bus fare.

At hindi lang iyan, ang Ma’had Al-fatayat ay nagkakaloob rin ng LIVELIHOOD sa sinumang qualified na graduate nito na nais magturo dito. Ibig sabihin ay tatanggap ito ng sweldo para sa kanyang oras na inilalaan sa pagtuturo.

At tulad rin ng nabanggit hinggil sa pagiging maayos at kaaya-aya ng pamamalakad ng isang madrasah, ay ang ibinibigay ng Ma’had Al-fatayat sa mga estudyante nito sa araw ng Graduation ay lahat PROFESSIONALLY MADE & HIGH-QUALITY CRAFTED; ang mga certificate ay LASER PRINTED lahat, at ang iba pang ipinamimigay ay gawa pa sa ibang bansa.

At IN SHA ALLAH ay maaari pang mag-expand ang mga handog at ipinagkakaloob ng Ma’had Al-fatayat sa mga estudyante nito.

At tiyak na ang bawat madrasah ay may kanya-kanyang handog rin sa mga estudyante nito.

Binanggit ko ang mga iyan bilang patunay sa nasabi natin na NON-PROFIT ang mga madrasah, na kung anuman ang natitira sa mga tuition ay diyan nagagamit.

At to be fair rin naman sa pagpapahayag, ay oo may mga madrasah rin na may issue, at iyan ay dahil sa likas ang hindi pagiging perpekto. Subalit ang orihinal ay dalisay ang bawat isa, maliban kung mapatunayan ang mga ibinabatikos o ibinibintang dito, at kung hindi man, ay iyan ay LIBEL sa mata ng batas, at PANLILIBAK na malaking pagkakasala sa ating pananampalataya.

📌 KONGKLUSYON:

▪1. Masakit isipin, na kapag ang mga secular schools ay may mataas na matrikula ay sikat ito, at ipinagmamayabang pa na nag-aaral daw dito ang anak niya, pamangkin niya, kapatid niya, etc. At kapag ang madrasah ay may masabing tuition, na hindi naman mataas —subalit makatarungan— ay sasabihin na “pera-pera lang iyan” o “ginawang kabuhayan”. O kaya naman ay sasabihin na “bakit kumukuha ng sweldo ang mga guro?” At iba pang mga pahayag na hindi nararapat.

▪2. Kailangan nating mag-ingat sa mga isinasambit ng ating mga dila, dahil baka hindi natin namamalayan na atake na pala ito sa ating pananampalataya.

▪3. Ang dapat pa nga ay ikatuwa natin na may mga nag-iinitiate na magtaguyod ng madrasah kahit pa walang fundings. Dahil kahit pa may mga nakukuha ang mga bata na ilang Islamic subjects sa secular schools tulad ng ALIVE o ISAL, subalit kailan man ay hinding-hindi nito mapapantayan ang mga TRADITIONAL MADRASAH, kung saan walang duda na mas malawak, mas matibay, at mas mapagkakatiwalaan ang mga nakalatag na curriculum dito. Kung kaya, sino ba ang mga ustadh, sino ba ang mga imam, sino ba ang mga nagtuturo sa mga Halqah, sino ba ang mga kumakasal, sino ba ang mga nagku-khutba, sino ba ang mga nagsasagawa ng Janazah, sino ba ang mga nagpapaliwanag ng mga alituntunin ng Islam? Ang sagot ay: kung HINDI MAN LAHAT galing sa ating mga madrasah, ay tiyak na ang KARAMIHAN ay galing sa ating mga madrasah.

وصلى الله على نبينا محمد.

✍ Amer M. Pundogar

Hindi Marami ang moritKulang din sa mga roomsWala ring fundings ang madrasahWala rin suporta mula sa mga liderPero isa s...
09/04/2026

Hindi Marami ang morit
Kulang din sa mga rooms
Wala ring fundings ang madrasah
Wala rin suporta mula sa mga lider

Pero isa sa mga madrasah na kayang tumayo mag isa

09/04/2026

Assalaamo alaykom

Kami po ay naghahanap ng mga taong pwedeng makapag sponsor sa aming morit na kasalukuyan nag aaral sa Mahad al-fatayat

Sa mga gustong tumulong ay maari po kayo mag message sa page na ito

Jazakumullaho khayran

15/03/2026

Sinuman ang may pera o halaga ng paninda na umabot sa presyo ng 595 g na Pure Silver —na ito sa ngayon ay ₱92,558.2— at hindi ito nabawasan sa loob ng isang taon na Hijriy, bagkus nadagdagan pa, ay kailangan itong kuhanan ng Zakah kasama ang anumang naidagdag.

I-divide sa 40 ang naturang halaga —kasama ang naidagdag kung may naidagdag— ang resulta ang siyang dapat ilabas na Zakah.

Hal: May ₱95,000 na pera o halaga ng paninda.

Formula: ₱95,000 ÷ 40 = ₱2,375.

Iyang ₱2,375 ang ilalabas na Zakah.

✍️: Amer M. Pundogar

05/02/2026

KAPE

03/02/2026

CTTO
MABIGAT NA KASALANAN | Ang Musika الأغاني والموسيقى
Ang pagiging musikero at pakikinig ng Musika ay matinding ipinag bawal at kabilang sa mabibigat na kasalanan, pinagkasunduan ito ng apat na Madh-hab, dahil sa mga dalil na nabanggit tungkol dito, at narito ang ilan sa mga dalil:
Sinabi ng Allâh:
﴿ وَمِنَ النَّاسِ مَن يَشْتَرِي لَهْوَ الْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ ﴾ سورة لقمان ، رقم الآية ٦
﴾At ang ilan sa mga tao ay binibili ang walang kabuluhang salita upang iligaw (ang mga tao) sa landas ng Allâh nang walang kaalaman, at upang ito’y kanyang kutyain, ang mga taong yaon ay para sa kanila ang napakatinding parusa.﴿ Lucman: 6 | Qur’an 31:6
Sinabi ni Ibn Mas’oud, Ibn Abbas, Jabir (ra), Ekrimah, Sa’eed Bin Jubair, Mujahid, at ibapang mga Sahâbah at Tabi’oun: ❝Ang tinutukoy sa ÂYAH na ito na walang kabuluhang salita ay ang Musika.❞ [Tabari, Ibn Katheer]
Binibili nila; sabi ni As-Sa’die: ❝Ang kahulugan nito ay labis silang nahumaling sa Musika, at handa silang bilhin pa ito o bayaran ng anumang halaga.❞
Ang mga taong yaon ay naliligaw ng landas nang hindi nila namamalayan, at naililigaw pa nila ang iba, nang dahil sa Musika, kaya naman; para sa kanila ang kasindaksindak na parusa.
At nang banggitin ng Propeta ﷺ ang ilan sa mabibigat na kasalanan at kanyang sinabi na pahihintulutan ito ng mga tao sa huling panahon bilang pagsuway ay binanggit niya kabilang dito ang Musika.
Kanyang sinabi:
❞ لَيكونَنَّ من أمَّتِي أقوامٌ ، يَستحِلُّون الحِرَ والحريرَ ، والخمرَ والمعازفَ ❝ رواه البخاري معلقا ، وبين الألباني أنه ورد موصولا في صحيح ابن حبان .
❝Magkakaroon sa Ummah na ito (sa huling panahon) ng mga tao na magpapahintulot sa Zina, Sutla, Alak, at Musika.❞ Isinalaysay ni Al Bukhari at ni Ibn Hibban]
At narito ang salita ng mga tanyag na Iskolar tungkol dito:
Sinabi ni Imam Al Tabari: ❝Nagkasundo ang lahat ng mga Iskolar na bawal ang Musika.❞
Sinabi ni Shaikh Al Bani: ❝Nagkasundo ang apat na Madh-hab na bawal ang anumang uri ng Musika.❞
🔹Hatol ng Hanafiyyah sa Musika:
❝Ang pakikinig sa Musika ay kasalanan, at ang pagkatuwa sa pakikinig dito ay kawalan ng pananampalataya.❞
🔹Hatol ng Malikiyyah sa Musika:
Sinabi ni Imam Malik: ❝Walang nakikinig sa Musika maliban sa mga mapag-gawa ng kasalanan.❞
🔹Hatol ng Shafi'iyyah sa Musika:
❝Ang pakikinig ng Musika ay kasuklam-suklam, at obligadong ipagbawal.❞
🔹Hatol ng Hanbaliyyah sa Musika:
Sinabi ni Imam Ahmad: ❝Ang Musika ay nagdudulot sa puso ng pagka-munafiq.❞
Sinabi ni Ibn Taymiyyah: ❝Nagkasundo ang apat na Madh-hab na bawal ang Musika, dahil sa Hadith na naisalaysay ni Imam Al Bukhari.❞
At sinabi pa nya: ❝Ang Musika ay alak ng mga puso't kaluluwa.❞
Sinabi ni Ibn Yusof: ❝Ang pagiging bawal ng Musika ay alam na sa Islam, kaya sinuman ang ipahintulot ito ay Kafir, dahil pinahintulutan niya ang ipanagbawal.❞ [Al Masail Al Kafiyah]
📚Sinulat at inipon ni Dr. Muhd-Ata Abdulkarim (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

29/01/2026
28/01/2026

Sanayin ang sarili na basahin ang banal na QUR-AN araw araw

Address

3rd Floor, Matanog Compd. , 1st Avenue, Roxas Extension, Bgry. Magugpo South, Davao Del Norte
Tagum City
8100

Telephone

+639974911634

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasah Da-awah Al-Islamiyyah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Madrasah Da-awah Al-Islamiyyah:

Shortcuts

Share

Category