12/04/2026
๐๐ฎ๐ข๐ฆ๐๐ฒ: ๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐ฎ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐
๐ Sa loob ng apat na sulok ng isang silid-aralan, may mga kuwentong tiyak na babalik-balikanโmga kuwentong nabuo dahil sa grupong nagawa para sa isang asignatura, mga halakhak na narinig dahil sa mga pilyo naming mga kaklase, at mga kuwentong tanging ang isang Quimbuloy lang ang nakakaalam. Sa loob ng halos siyam na buwan, maraming mga kuwento ang nailahadโmga salaysay na nagpabago sa perspektiba ng karamihan, at mga istoryang mas nagpatatag sa aming samahan.
Sa aming mga naging g**ong tagapayo na sina Bb. Ayanna at G. Edward, walang hanggang pasasalamat ang nais naming iparating sa inyo. Naniniwala kami na ang pagiging pangalawang amaโt ina ninyo sa aming Quimbuloy ay hindi nagkataon o tsamba lamang; bagkus, ibinigay kayo sa amin ng tadhana upang magbigay-liwanag sa madilim naming daraanan. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit ang dating pakurba-kurbang daan ay naging patag at nagkaroon ng iisang direksyon. Pinatunayan ninyo sa amin na walang tamad na estudyante sa isang masipag at huwarang g**o. Hiling namin na sa susunod ninyong kabanata, sana ay makaharap muli kayo ng mga estudyanteng masasayang kasama at sulit pakisamahan. Ngayong natapos na ang inyong oras sa amin, nawaโy ang mga alaala natin ang magpaalala sa inyo kung paano tayo minsang pinagkaisa ng tadhana. Maraming salamat, at sisiguraduhin naming nakatatak sa aming pusoโt isipan ang mga aral at leksyong minsan ninyong inilahad sa loob ng aming silid-aralan. ๐
๐ถ At sa mga taong bumubuo ng Quimby, maraming salamat sa siyam na buwang pagsasama. Hindi sapat ang liham na ito para mailahad ang saya at lungkot na ating nadarama. Wala na ang kulitan tuwing libre ang oras, wala na ang sayawan at kantahan, wala na ang kaba sa kung paano matatapos ang isang gawainโngunit nananatili ang mga alaala, at iyon ang hindi mawawala. Katulad nga ng liriko sa kantang โMinsanโ: โAt kung sakaling gipitin ay laging iisipin na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.โ Pinapaalala lamang nito na kung sakali mang gipitin tayo ng mundo, nawaโy manatili sa atin ang ating munting samahan at gawin itong sandigan. Kung sakaling tuluyan na tayong ipaglayo ng tadhana at mawalan na ng oras sa isaโt isa, sana ay manatili ang mga alaala at maging panghugutan ito ng lakas. ๐ซ
๐ญ Dahil naniniwala akong sa Quimby tuluyang nahubog ang ating kakayahan; sa Quimby tuluyang lumabas ang tunay na tunog ng ating halakhak; at higit sa lahat, sa Quimby tayo mas natutong maging matatag.โญ
Maraming salamat, Quimby! Hanggang sa muli. ๐
โโโโโโโโโโโโโโโ
๐ผ๏ธ: ๐๐ซ๐ซ๐ ๐๐ช๐ฒ๐ต ๐๐ช๐๐ธ๐ผ๐ช
โ๐ป: ๐๐ฒ๐ช๐ท ๐๐ฎ๐ต๐ช๐ฌ๐ฒ๐ธ