22/08/2026
πππππππ ππ πππ ππππ, πππ-πππππ, πππ ππππππππ, ππππππππππππ ππ πππππππππ
Ipinababatid po namin na ang G*t Andres Bonifacio High School at Senior High School in Brgy. Fort Bonifacio ay magsasagawa ng isang πΊπππππ πΊπππππ π·πππππππ
ππππ πΊπππππππππ ππ π΄πππππ, π¨πππππ 25, 2026, πππππ ππ πππ-9:00 ππ πππππ. Ang nasabing pagsasanay ay isasagawa alinsunod sa Memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) hinggil sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents.
Ang simulation na ito ay bahagi ng paghahanda ng ating paaralan upang matiyak na ang mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ay may sapat na kaalaman at kahandaan sa posibleng emergency o banta sa kaligtasan. Layunin nitong maisanay ang lahat sa wastong pagtugon, pagsunod sa mga hakbang, at pagpapanatili ng kaligtasan sa oras ng isang insidente.
Nais naming bigyang-diin na ang gawaing ito ay isang simulation lamang at hindi isang aktuwal na insidente. Hindi ito dapat maging sanhi ng pangamba o takot. Sa halip, ito ay isang paraan upang maging handa, mahinahon, at responsable ang bawat isa sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.
Isasagawa ang simulation na ito nang may wastong pagpaplano, pag-iingat, na isinasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o at mga kawani. Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyong mga anak na makinig sa mga paalala ng mga g**o at awtoridad at manatiling kalmado sa buong pagsasanay.
Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay nananatiling pangunahing prayoridad ng GABHS-SHS. Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, sama-sama nating itinataguyod ang isang ligtas, handa, at mapagmalasakit na paaralan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.
πππ‘πππππ₯ π. π©ππ₯ππ’π¦π
Punongg**o