03/03/2025
Ang Union of Defense and Public Safety Cooperatives ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon, ating bigyang-pugay ang mahalagang papel ng mga Pilipina sa lahat ng sektor ng lipunan.
Ang temang "Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas" ay nagsisilbing paalala na ang bawat Pilipina ay may kakayahang makibahagi sa pagpapatibay ng ating bayan. Sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay ng oportunidad, pagkilala sa kanilang ambag, at pagbibigay ng sapat na suporta, mas lalong mapapalakas ang kanilang papel sa paghubog ng Bagong Pilipinas—isang bansang may paggalang sa karapatan ng kababaihan at may pantay na oportunidad para sa lahat.
Ngayong Buwan ng Kababaihan, sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, talino, at dedikasyon ng bawat Pilipina. Isulong natin ang inklusibong pag-unlad at suportahan ang patuloy na pag-angat ng kababaihan sa lahat ng sektor! 🇵🇭
Mabuhay ang mga kababaihan!!!