21/06/2023
Bagumbayan National High School - BNHS Taguig
Early Registration for S.Y. 2023 - 2024
• For incoming Grade 7 students, transferees, ALS Learners and Balik Aral.
• Early Registration Forms are available at the school through the registrar’s office.
• You may also visit this link bit.ly/bnhs_earlyregistration or scan the QR code to register online.
13/09/2018
ADVISORY
Ayon sa pinakahuling babala ng Pagasa, inaasahan ang malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa pagpasok ng Bagyong Ompong sa ating bansa. Inaasahan din na mas mapapalakas pa ang habagat na maaring magdala ng mas malakas na pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa kabilang ang Taguig.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay minabuti ng lokal na pamahalaan ng Taguig na KANSELAHIN ang KLASE BUKAS (ika-14 ng Setyembre) at sa SABADO (ika-15 ng Setyembre) sa LAHAT NG ANTAS sa PRIBADO at PAMPUBLIKONG paaralan sa Taguig.
Hinihikayat ang lahat na mag-abang ng balita tungkol sa bagyo sa radyo o telebisyon, pagtuunan ng pansin ang pagtaas ng tubig, manatiling ligtas at handa para sa mga panganib. Iwasan na din ang paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
Sa mga panahong kagaya nito, kinakailangan mula sa bawat isa ang ibayong pag-iingat at pagmamatyag.
Maging alerto tayo, Taguig!
”Fear not for I am with you.”
Isaiah 41:10
LORD, in the storms, winds and waves, we choose to trust in you.
12/08/2018
Bunsod ng masamang panahon at malakas na pag-ulan sa maraming parte ng Metro Manila dulot ng pinalakas na habagat, bukas, Lunes, AGOSTO 13, 2018, para sa mga mag-aaral sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa Taguig.
Inaasahang magtatagal pa ang ganitong panahon dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong Karding at sa nagbabadyang pagdating ng iba pang weather disturbance.
Ang anunsiyong ito ay magsilbi sanang paalala sa mga magulang na siguruhing ligtas ang kani-kanilang mga anak sa gitna ng mga peligro. Maging handa po sana ang lahat sa mga panganib na dulot ng pagbuhos ng ulan, at maging alerto sa pagtaas ng tubig at sa mga babala mula sa barangay o probinsyudad.
Sa panahon ng mga sakuna, lamang ang pamilyang handa. Mag ingat, Taguigeños!
25/07/2018
Good day! Bagumbayaners!
Ayon po kay Sir Amano, hindi po matutuloy ang Grade 10 Wellness Dancercise bukas (July 26, 2018). So, please wear your complete uniform.
Please spread the information Guys! Thank you!
25/07/2018
Good day! Bagumbayaners!
Congratulations!
BNHS Folk Dancers for a great performance!
22/07/2018
Sorry kids hindi nyo muna makikita mga Crush nyo. Hanggang usap lang muna kayo sa Chat. Walang pasok sa lahat ng antas bukas (July 23, 2018).
Para sa Kaligtasan ng mga Mag-aaral, inirekomenda ng Pamunuan ng Department of Education ng Taguig sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig na IKANSELA ang KLASE sa LAHAT NG ANTAS ng mga paaralan, PRIBADO o PAMPUBLIKO, sa Taguig City, BUKAS, HULYO 23, 2018, LUNES.
Ayon sa PAGASA, patuloy na bubuhos ang malakas na ulan ngayong gabi hanggang bukas, dulot ng Habagat.
Sa mga estudyante, gamitin sa produktibong mga gawain ang inyong oras.
Sa mga manggagawa naman na hindi maiiwasang makipagsapalaran papunta sa kanilang trabaho, mag-ingat po sa byahe.
20/07/2018
Good day!
GRADE 10 WELLNESS DANCERCISE
MONDAY JULY 23, 2018
PLS WEAR P.E YOUR TAGUIG P.E SHIRT
After flag ceremony
19/07/2018
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at sa inaasahan pang paglakas ng habagat bunsod ng Bagyong Inday na maaring magdala ng pagbaha, KANSELADO ang KLASE NGAYONG ARAW, HULYO 20, BIYERNES, SA LAHAT NG ANTAS (PAMPUBLIKO AT PRIBADO) sa Taguig.
Narito ang listahan ng mga lungsod na nagsipagkansela ng klase:
Classes suspended in ALL LEVELS public and private July 20, 2018, Friday
Marikina
Malabon
Navotas
Parañaque
Pasay
Pasig
Makati - Up to senior high school
Las Piñas
Caloocan
San Juan
Muntinlupa
Quezon City
Taguig
Valenzuela
Manila
Sa pagkansela ng mga klase mag-aral o tumulong sa gawaing bahay, mga kabataan. Huwag sayangin ang araw sa mga hindi produktibong bagay.
Manatili din po tayong ligtas, mga Taguigeño!