Genesis Educational Services Foundation, Inc.

Genesis Educational Services Foundation, Inc. Recognized by the Deparment of Education from Kinder Garten to Grade 6.
-Official page-
(1)

We offer face to face teaching from
Kinder 1 - (4 yrs old ) Grade 1 to Grade 6. We have summer classes every year for Kinder 1 - Basic writing and reading
Kinder 2 - Advance reading
Grade 1-2 - Reading and math

Balik ONLINE Tayo mga Classmates. Grade 2- GalatiansTeacher- Maribel B. MalutoKung patuloy ang ating mga anak sa pag aar...
22/08/2026

Balik ONLINE Tayo mga Classmates.
Grade 2- Galatians
Teacher- Maribel B. Maluto
Kung patuloy ang ating mga anak sa pag aaral face to face man or online masasanay sila sa pag gamit ng computer o kahit sa cell phone magiging bihasa sila sa ganitong makabagong paraan ng pag aaral.

Ang mga batang Tuloy Tuloy na nag aral ay nag dudulot ng mabuting disiplina na maitatanim sa kanilang isip. Hindi Nila nalilimutan ang kanilang mga aralin. Ugaliin ang ganitong pamamaraan at makikita ang Habit of Learning ay mabilis ba nabubuo sa kanilang kasanayan at Ito’y madadala Nila sa kanilang paglaki.

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG WALANG PASOK SA PAARALAN ?Ang Pilipinas ay daanan ng bagyo umaabot ng 22-25 bagyo kada taon sa ...
09/08/2026

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG WALANG PASOK SA PAARALAN ?
Ang Pilipinas ay daanan ng bagyo umaabot ng 22-25 bagyo kada taon sa Tag- ulan.
* 🌧️ Habagat (Southwest Monsoon): Karaniwang mula Mayo/Hunyo hanggang Oktubre — nagdadala ito ng madalas at malalakas na pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
* 🌬️ Amihan (Northeast Monsoon): Karaniwang mula Oktubre/Nobyembre hanggang Marso — nagdadala ito ng mas malamig at tuyong panahon sa maraming bahagi ng bansa, bagama’t maaaring magkaroon ng ulan sa silangan at hilagang bahagi.

Maliban sa class cancellation bunga ng bagyo na umaabot ng 20 Araw kada taon pataas ay mayroon pa tayong mga holidays.

🇵🇭 Mga Pampublikong Holiday sa Pilipinas — 2026.
🛑 Mga Regular na Holiday
Enero 1, Huwebes-Bagong Taon
Abril 2, Huwebes- Huwebes Santo
Abril 3, Biyernes- Biyernes Santo
Abril 9, Huwebes- Araw ng Kagitingan
Mayo 1, Biyernes-Araw ng Paggawa (Labor Day)
Hunyo 12, Biyernes- Araw ng Kalayaan
Agosto 31, Lunes- Araw ng mga Bayani
Nobyembre 30, Lunes- Araw ni Bonifacio
Disyembre 25, Biyernes-,Araw ng Pasko-
Disyembre 30, Miyerkules- Araw ni Rizal

🚫 Mga Espesyal na Araw na Walang Pasok (Special Non-Working Holidays)

Pebrero 17, Martes- Bagong Taon ng mga Tsino
(Chinese New Year)
Abril 4, Sabado-Sabado de Gloria (Black
Saturday)
Agosto 21, Biyernes- Araw ni Ninoy Aquino

Nobyembre 1, Linggo- Araw ng mga Santo (All
Saints’ Day)
Nobyembre 2, Lunes- Araw ng mga Kaluluwa
(All Souls’ Day)
Disyembre 8, Martes- Kapistahan ng
Immaculate Conception
Disyembre 24, Huwebes- Bisperas ng Pasko
Disyembre 31, Huwebes- Huling Araw ng Taon

Maliban dito ay may roon pa tayong Christmas break at Semestral break kayat halos 2 buwan o higit pa ang nawawala. Ang 10 buwang pag aaral ng mga bata sa paaralan ay nagging 8 buwan na lamang.

Malaki ang leksyong nawawala sa ating mga mag aaral. Baka Hindi Nila matapos ang kanilang mga aklat o aralin.

ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA G**O O MAGULANG KUNG WALANG PASOK?
1. Magkaroon ng Online class.
2. Iwasang mag kansela ng classes malibang
i announce ng City or DepEd o ng School.
3. Bantayan ang kalusugan ng ating mga anak.
Kung silay may sakit absent na naman.
4. Pakainin sila ng masustansyang pagkain.
5. Uminom ng Multi Vitamins
6. Bigyan ng sapat na tulog.
7. I encourage natin ang ating mga anak , I Motivate natin sila para sa kanikang kinabukasan.
8. Bigyan natin sila ng STUDY TIME SCHEDULE
Sikaping basahin ang mga aralin kahit 30 minutes a day para ma retain sa isip Nila ang kanilang leksyon.
9. Suportahan natin ang kanilang pag aaral upang madama nilang tayo ay nag care sa kanila.
10. Gawing masaya ang Classroom o Paaralan
Para sila ay ma encourage ng mag aral ng mabuti.
11. Dapat ang G**O at MAGULANG ay mag ka tuwang sa pag GABAY sa ating mga mag aaral sapagkat sila ang PAG-ASA ng ating bayan.

Para sa magandang kinabukasan,
Ptr Ed Arquines
Genesis Educational Services Foundation Inc

20/07/2026

HABIT OF LEARNING
Kahalagahan ng Edukasyon sa Elementarya sa Pagbuo ng Habit of Learning Kasama ang G**o at Magulang.

Kinder 1- Marigold
Teacher - Julie Fe Pecho

Ang edukasyon sa elementarya ang pundasyon ng pagkatuto ng isang bata. Sa panahong ito nahuhubog ang kanyang disiplina, mabubuting asal, at habit of learning o nakagawiang pagmamahal sa pag-aaral. Kapag maagang naitanim ang tamang saloobin sa pag-aaral, mas nagiging handa ang bata sa mas mataas na antas ng edukasyon at sa mga hamon ng buhay.

Mahalagang magtulungan ang g**o at magulang sa paghubog ng ugaling ito. Ang g**o ang nagbibigay ng kaalaman, tamang gabay, at inspirasyon sa loob ng paaralan. Samantala, ang magulang ang unang g**o sa tahanan na nagpapatibay ng mga aral sa pamamagitan ng paglalaan ng oras, paghihikayat, at pagbibigay ng suportang emosyonal.

Kapag may magandang ugnayan ang paaralan at tahanan, natututo ang bata na maging responsable, masipag, mausisa, at may pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto. Ang mga simpleng gawain tulad ng pagbabasa araw-araw, pagtulong sa takdang-aralin, pagdalo sa mga pulong ng paaralan, at pagbibigay ng papuri sa pagsisikap ng bata ay nakatutulong sa pagbuo ng panghabambuhay na ugali ng pagkatuto.

Ang habit of learning ay hindi lamang tungkol sa mataas na marka. Ito ay paglinang ng disiplina, tiyaga, kritikal na pag-iisip, at pagnanais na patuloy na matuto. Sa sama-samang pagtutulungan ng g**o at magulang, ang bawat batang mag-aaral ay nagkakaroon ng matatag na pundasyon upang maging responsable, may kakayahan, at matagumpay na mamamayan sa hinaharap.


of learning


Educational Services Foundation

Address

10 Ballecer Street, Zone 2 Central, Signal Village
Taguig
1637

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Genesis Educational Services Foundation, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Genesis Educational Services Foundation, Inc.:

Shortcuts

Share

Category