14/02/2026
๐Ika-14 ng Pebrero, Araw ng mga Puso ๐
Sa tuwing sasapit ang Valentine's Day๐, nariyan makikita ang mga samo't saring mga regalo, bulaklak, at letra. Pero ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit mayroong ganitong klaseng pagdiriwang? Bukod sa mga magkasintahan, sino pa ba ang bida sa araw na ito? โ๐คจโ
โค๏ธโค๏ธAng Pebrero 14 ay araw na inilaan upang ipagdiwang ang pag-ibig at pagmamahalanโค๏ธโค๏ธ. Nagsimula ito noong panahon ng Roman Empire, kung saan may pari na nagngangalang Saint Valentine. Siya ang pari na lihim na nagkasal sa mga magkakasintahan sa kabila ng pagbabawal dito ni Emperador Claudia's II, sa paniniwalang mas magiging mahusay na mandirigma ang mga sundalo kung walang pamilya. Sa ginawang ito ni Saint Valentine, siya'y naparusahan ng pagkakabilanggo at pinatay noong Pebrero 14, taong 269 AD.
Kinilala siya bilang Santong mga nagmamahalan, at ang araw ng kaniyang kamatayan ay ang naging Valentine's Day๐ซถ๐ฅฐ. Kinalaunan, lalo itong sumikat sa Europa noong Middle Ages at naging parte na ng tradisyon ang pagbibigay ng sulat, bulaklak, at tsokolate bilang simbolo ng pag-ibig, na siyang umabot sa ibaโt-ibang panig ng mundo.
Sa huli, ang Araw ng mga Puso ay paalala lamang ng kahalagahan ng pag-ibig, ngunit hindi ito dapat ikulong sa isang petsa lamang. โจ๐Ang tunay na pagmamahal ay ipinapakita araw-araw sa pamamagitan ng malasakit, pag-unawa, at kabutihan. ๐โจSapagkat higit sa mga bulaklak at regalo, ang pagmamahal na taos-puso at palagian ang siyang may pinakamalalim na halaga.
โ๏ธ: Ceskie Carl De Gala
๐ผ๏ธ: Nathalie Barasi