15/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐ผ๐@150!
Ang Social Studies Club ng Maria Concenpcion Cruz High School ay nakikiisa sa paggunita sa kapanganakan ng isa sa mga bayani ng ating bansa na si Emilio "Pingkian" Jacinto!
Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang alaala ni Emilio Jacinto na kilala rin bilang "๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐๐ฃ". Isinilang siya noong ika-15 ng Disyembre, taong 1875 sa Tondo, Maynila. Siya ay naging kanang-kamay ni Andres Bonifacio at nagsilbing kalihim ng Katipunan.
Sa murang edad, siya ang sumulat ng " ๐๐๐ง๐ฉ๐๐ก๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐๐ฃ at ๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฟ๐๐ก๐๐ข, mga akdang nagsilbing gabay sa mga rebolusyonaryo upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.
Bilang isang kabataan, nawaโy maging inspirasyon si Jacinto upang tayoโy maging mapanuri, maging makabayan, at handang maglingkod sa kapwa. Ang kanyang buhay ay patunay na ang talino at malasakit ay maaaring magbago ng kasaysayan.
๐ Para mas makilala pa si Emilio Jacinto, i-skan ang QR Code o bisitahin ang link na ito: https://himlayangpilipino.org/z7repxu35vhr/
๐ก๐ผ๐๐ฒ: Ang larawan na ginamit ay galing sa National Historical Commission of the Philippines