11/08/2021
•
عن النَّوَّاسِ بنِ سِمْعانَ -رضي الله عنه-، عَنِ النَّبِيِّ ﷺ قالَ: {الْبِرُّ حُسْنُ الْخُلُقِ , وَالإِثْمُ مَا حَاكَ فِي نَفْسِكَ وَكَرِهْتَ أنْ يَطَّلِعَ عليْهِ النَّاسُ}. رواه مسلم
وعن وابِصَةَ بنِ مَعْبَدٍ -رَضِي اللهُ عَنْهُ- قالَ: أتيتُ رسولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقالَ: { جِئْتَ تَسْأَلُ عَنِ الْبِرِّ ؟} قُلْتُ: نَعَمْ.
قالَ: { اسْتَفْتِ قَلْبَكَ؛ الْبِرُّ مَا اطْمَأنَّتْ إِلَيْهِ النَّفْسُ وَاطْمَأنَّ إِلَيْهِ الْقَلْبُ، وَالإِثْمُ مَا حَاكَ فِي النَّفْسِ وَتَرَدَّدَ فِي الصَّدْرِ وَإِنْ أَفْتَاكَ النَّاسُ وَأَفْتَوْكَ}. حَديثٌ حَسَنٌ رُوِّينَاهُ في مُسْنَدَيِ الإمامَيْنِ أحمدَ بنِ حَنْبَلٍ والدَّارِمِيِّ بإسنادٍ حَسَنٍ.
• Kahulugan ng Hadith
Mula kay An-nawwas Ibn Sam’an [kalugdan siya ni Allah]: Sinabi ng sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “Ang gawaing matuwid (o kabutihan) ay kagandahang-asal, at ang kasalanan ay nagbabalik sa iyong sarili ng may pangamba (at pag-aalinlangan), at kinamumuhian mong malaman (o mabalitaan) ito ng ibang tao.” Naiulat ni Muslim.
At mula kay Wābisa ibn Ma’bad [kalugdan siya nawa ni Allah] ay kanyang sinabi: “ako’y nagpunta sa sugo ni Allah at kanyang sinabi: ikaw ay nagpunta rito upang magtanong tungkol sa gawaing matuwid (kabutihan)?, aking sinabi: Opo, at sinabi niya sa akin: “Isangguni sa iyong puso, ang gawaing matuwid (kabutihan) ay siyang ikapapanatag ng iyong sarili at ikapapanatag ng iyong kalooban (puso), at ang mga gawaing kamalian ay siyang ikababagabag ng iyong sarili at ikababagabag ng iyong kalooban (puso), kahit pa sabihin ng mga tao na ito ay hindi kasalanan.”
Mas pinaka mainam pa ang isang lalaki kahit siya ay simpleng tao o mahirap na may mabuting pag-uugali at pananampalataya sa Allah kaysa sa lalaking mayaman o mapera, gwapo, walang pananampalataya at hindi maganda ang pag-uugali. Mahirap man siya dito sa mundo pero mayaman naman siya sa Paraiso. At higit sa lahat mahahatak ka niya sa matuwid na landas o mapapalapit sa Allah Ameen 😇🤲🤲🤲