28/10/2025
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=122098880001092388&id=61582771655187&mibextid=Nif5oz
"Ma’am Majella Corazon L. Mangahas Itinalaga bilang Bagong Punong-Guro ng PWIS"
Isang mainit na pagtanggap ang ibinigay ng Pudoc West Integrated School (PWIS) sa bagong talagang punong-g**o nito, si Ma’am Majella Corazon L. Mangahas, noong Oktubre 20, 2025, sa isang seremonyang dinaluhan ng mga g**o, kawani, at mga opisyal ng PTA. Ang seremonya ay ginanap matapos siyang opisyal na italaga bilang ikalimang punong-g**o ng PWIS mula nang ito ay maging isang integrated school noong 2006.
Bilang bahagi ng makulay na kasaysayan ng paaralan, ang mga naunang namuno bilang principal ay sina Dr. Maria Cherry P. Navida, ang unang punong-g**o ng PWIS, na muling nanilbihan bilang ikatlong principal; Mr. Mardencio Valdez, bilang ikalawa; at Dr. Carlito L. Dumo, bilang ikaapat. Ngayon, ipinagpapatuloy ni Ma’am Mangahas ang pamumuno bilang ikalimang punong-g**o, dala ang kanyang malawak na karanasan at malasakit sa edukasyon.
Kasama ni Ma’am Mangahas sa kanyang pag-upo bilang bagong punong-g**o si Dr. Fatima Jimeno, Public Schools District Supervisor ng DepEd Tagudin District, at ilan sa kanyang mga kasamahan mula sa San Pedro Community School, kung saan siya huling naglingkod bilang school head. Si Ma’am Mangahas ay ipinanganak noong Marso 7, 1969, 56 taong gulang, at naninirahan sa Cabulanglangan, Tagudin, Ilocos Sur.
Mayroon siyang 32 taong karanasan sa serbisyo publiko sa Department of Education, nagsimula noong 1993 sa Pallogan Elementary School, bago inilipat sa Ag-aguman Elementary School noong 1995. Siya ay nagsilbi bilang Master Teacher I sa Tagudin Central School (ngayon ay Tagudin Integrated School) at Master Teacher II sa Libtong Elementary School (ngayon ay Libtong Integrated School). Noong Hulyo 8, 2011, siya ay naging Principal I sa Quinarayan Elementary School sa Narvacan, bago nalipat sa Villa Hermosa Elementary School sa Sta. Cruz noong Setyembre 14, 2012. Nang sumunod na taon, Hulyo 14, 2013, siya ay naging punong-g**o ng Ag-aguman Elementary School at Cabulanglangan Elementary School. Noong Oktubre 18, 2019, siya ay inilipat sa Las-ud Elementary School, at noong Oktubre 21, 2021, siya ay naging School Head ng San Pedro Community School.
Ang pagtalaga kay Ma’am Majella Corazon L. Mangahas ay simbolo ng patuloy na pamumuno, dedikasyon, at karanasang magpapatatag sa kalidad ng edukasyon sa Pudoc West Integrated School, habang ipinagpapatuloy ng paaralan ang adhikaing “Providing Wisdom. Instituting Success.”