BSED Filipino-4B

Directions

BSED Filipino-4B 𝓐𝓷𝓰 π“šπ“ͺ𝓫π“ͺ𝓽π“ͺπ“ͺ𝓷 π“ͺ𝓷𝓰 𝓹π“ͺ𝓰 π“ͺ𝓼π“ͺ 𝓷𝓰 𝓑π“ͺ𝔂π“ͺ𝓷
-π™³πš›. π™Ήπš˜πšœπšŽ πšπš’πš£πšŠπš•

03/10/2026

Happy World Teachers Day Teachersβ€οΈπŸ€—

Sa gitna ng madilim na kalangitan, isang silaw sa alapaap ang sa aming damdamin ang pumukaw. Isang munting bituin na sob...
07/07/2026

Sa gitna ng madilim na kalangitan, isang silaw sa alapaap ang sa aming damdamin ang pumukaw. Isang munting bituin na sobra ang kinang, hindi kayang baliwalain sapagkat walang makakapantay sa taglay na kagandahan. Maligayang kaarawan sa aming matatag na mayora, Jasmine Candido. Hindi matatawaran ang aming pasasalamat sa iyong mga nagawa sa amin, bukod sa pasan mo ang lahat ng gawain, wala kaming narinig na reklamong makakasakit sa aming damdamin. Hindi namin alam kung paano mo iyon pinasan, na kahit sa liit mong iyan ay nakayanan mong isulong ang ating samahan. Kaya kami ay nagpapasalamat sa iyong tapang at katatagan.

Ang kabutihan mong dala ay hindi mapapantayan ng kahit ano mang halaga. Bilib kami sa iyong ipinadama, na kahit may sakit ka mang iniinda, hindi mo kami pinabayaan na mag isa. At hinihiling namin na sana'y ingatan mo ang iyong sarili, at kung kailangan mo ng kausap, nandito lang kami palagi. Palagi ka lang magdasal sa Panginoon, hindi ka niya pababayaan sa bawat pagkakataon. Balang araw matutupad rin ang iyong mga pinapangarap, makapunta sa ibang bansa, makita ang mga hinahangaan mong koreano at mahagkan ang paborito mong Ong Fam lalo na si Geo.

At kung usapang pag-ibig, mas pipiliin naming pangarap ang usapan. Ayaw naming makita kang umiiyak sa kalungkutan, sapagkat ang iyong ngiti ay mahalaga sa aming samahan. Pakatatandaan mong sapat na ang mahalin ka ng tapat na kaibigan, at darating ang panahon ng tunay na pagmamahalan. Ang lahat ng bagay ay dumarating sa tamang pagkakataon. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa aayon rin sa iyo ang panahon. Muli maligayang kaarawan aming kaibigang Jasmine, ang munti naming bituin.

Isinulat ni: Micho Condes

Maligayang kaarawan, G. Micho! πŸŽ‰Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa pagiging isang kahan...
30/05/2026

Maligayang kaarawan, G. Micho! πŸŽ‰

Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa pagiging isang kahanga-hangang tao. Tunay na kapuri-puri ang iyong talino, kakayahan, at dedikasyon hindi lamang sa larangan ng pag-aaral kundi maging sa paraan ng iyong pakikitungo sa ibang tao at pagharap sa buhay. Isa ka sa mga taong tahimik man minsan ngunit ramdam ng lahat ang iyong presensya dahil sa kabutihan at husay na iyong ipinapakita.

Hanga kami sa iyong pagiging mabait, mapagbigay, at laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Hindi lahat ay may kakayahang pagsabayin ang talino at mabuting puso, ngunit ikaw ay isa sa mga taong nagpapatunay na posible ito. Bukod sa iyong mga achievements, mas kahanga-hanga ang iyong pananaw sa buhay at ang pagiging totoo mo sa iyong sarili.

Nawa’y manatili kang mapagpakumbaba at patuloy na magsilbing inspirasyon sa mga taong nasa paligid mo. Huwag kang magsawang abutin ang iyong mga pangarap at harapin ang bawat hamon nang may tapang at determinasyon. Naniniwala kami na marami ka pang mararating at mas marami pang tagumpay ang naghihintay para sa iyo sa hinaharap. Mag confess kana sa iyong crush para mas maging masaya pa ang iyong kaarawan.

Muli, maligayang kaarawan, Ginoo. Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at pagpapala ang iyong araw.πŸ₯³πŸŽ‰

Sa kalangitang binabalot ng dilim, may liwanag na parang bituin na kahit maraming nakapalibot rito, ang nining nito'y ba...
27/05/2026

Sa kalangitang binabalot ng dilim, may liwanag na parang bituin na kahit maraming nakapalibot rito, ang nining nito'y banayad at totoo. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Dylenfis Dinlay, ikaw ang nag-iisang tala na ang kagandahan ay sobra ang hiwaga. Masungit mang tignan ng iba, lalo na sa matataray mong mga mata, ngunit hindi nila alam na sa kabila ng iyong awrahan, ay isang totoong kaibigan na mapagmahal, at hindi nang-iiwan. Ang iyong personalidad na lubos hinahangaan, sapagkat hindi ka lamang tapat na kaibigan, ikaw rin ang isa sa dahilan kung bakit hindi maiaalis sa ating samahan ang tawanan. Kaya, alisin mo na sa iyong isipan, ang mga taong sumusubok sa iyong kabutihan. Damhin mo ngayong araw ang iyong kaarawan, blow the candle and blow Daryl's candle.

Sa loob ng apat na taon, alam na namin ang mga bagay na nakakapagpalungkot sa iyo, malungkot ka kapag wala ka ng pera na nabubunot sa pitaka mo. At kahit na sinusubok ka ng problema sa pamilya, nanatili ka paring matatag at maganda. Handa kang humarap sa mga pagsubok na dumaan sa iyo, hindi ka agad nawawalan ng pag-asa at iyan ang hinahangaan namin sa iyo.

Palagi mong isipin, na sa bawat daan, sa bawat hamon, may Diyos tayong gagabay at sa atin mag aahon. Hindi man sa ngayon, darating ang panahon, na sa atin ito'y aayon.

Palagi mo ring isipin na narito lamang kaming iyong mga kaibigan, sa oras ng kagipitan, gipit parin kami pero hindi ka namin iiwan. Muli maligayang kaarawan aming kaibigan, Dylyn, umiwas ka muna sa mga alak lalo na ang gin, masama yan sa kalusugan lalo na kapag mababa ang tagayan. Nawa sana'y maging masaya ka sa araw na ito, hindi lamang sa ngayong araw kundi sa bawat araw ng iyong paglalakbay. Tutuparin natin ang ating mga pangarap ng sabay at upang marami na tayong matutumbang bote sa tagay.

Isinulat ni: Micho Angelo Condes

Kung ibubuklat ang kwaderno, makikita rito ang mga larawang likha mula sa babaeng tahimik ngunit may talento sa pagpinta...
27/05/2026

Kung ibubuklat ang kwaderno, makikita rito ang mga larawang likha mula sa babaeng tahimik ngunit may talento sa pagpinta. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Syra Liezel Agusan. Ang iyong galing sa pagguhit ay patunay ng iyong malikhaing pag-iisip. Sa bawat pagtapak ng lapis, sa bawat kurbang hindi lumilihis sa direksiyong iyong ninanais, nawa'y maging katulad nito ang magiging resulta sa iyong buhay, na ang iyong pinaghirapan ay magbubunga ng magandang kalalabasan.

Sana'y patuloy kang pagpalain ng mga bagong ideya at pagkakataon upang maipamalas ang iyong angking galing. Batid namin na sa bawat pagguhit mo ay may pangarap kang nais marating. Kaya, isa lamang ang aming hiling, nawa'y maging makulay ang mga araw na sa iyo'y darating. Ang iyong kabaitan at pagiging tahimik ay nagbibigay ng kakaibang aliw sa aming lahat. Sana maramdaman mo ang aming pagpapahalaga sa iyong nagawa, ang iyong husay sa pagguhit ay nagbibigay ng kulay at buhay sa bawat obra na iyong nililikha.

Huwag mo rin kalimutan na magpasalamat sa ating Panginoon, sapagkat binigyan ka niya ng hindi lamang isang talento kundi talino na magagamit mo sa pagpasok sa reyalidad ng mundo. Narito lamang kaming iyong mga kaibigan, palaging susuporta at handang samahan ka sa lahat ng problema. Muli, maligayang kaarawan sa iyo Syra, hiling namin na mapuno ng saya, biyaya, at inspirasyon ang mga araw na darating sa iyo.

Isinulat ni: Micho Angelo Condes

Sa halamang puno ng makukulay na bulaklak, isang munting paru-parong matingkad ang nabihag. Maligayang kaarawan sa aming...
11/05/2026

Sa halamang puno ng makukulay na bulaklak, isang munting paru-parong matingkad ang nabihag. Maligayang kaarawan sa aming munting kaibigan, Greshela Quino. Ikaw ay parang paru-paro na patuloy sa paglipad kahit sa magulong mundo. Maliit man ngunit palaban, maliit man ngunit ang boses mo'y puno ng tapang upang bumoses sa katarungan. Itinuring ka naming gobernadora, na sa amin marunong makisama. Kaya ngayong araw ay binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan munting gobernadora.

Batid namin na marami ka ng napagdaanan, na kahit minsa'y nalihis na sa landas na pinatunguhan, ngunit nanatili kang matatag at nagpatuloy sa pagyapak kahit maraming tinik ang iyong naaapakan. Hindi naging hadlang ang mga ito upang huminto at sumuko, bagkus pinili mo ang landas ng sariling paglago. Kaya kami ay nagagalak na ikaw ay nakasama namin sa paglalakbay na ito, hindi man mag kasing-lapit ang ating mga presensiya ngunit batid namin na sa bawat problema, ika'y hindi nang iiwan sa iyong mga kasama.

Kaya Gov. Greshela, damhin mo sana ang mainit naming pagbati. Lagi mong ipagpapasalamat sa ating Panginoon ang panibagong yugto sa iyong buhay. Lagi mo ring tatandaan na kami narito lamang iyong mga kaibigan, lagi mong kasama sa lahat ng kabiguan at kasiyahan. Muli, maligayang kaarawan aming kaibigan, Gov.Greshela, nawa’y maging tulad ka ng isang paru-paro na patuloy sa pagtuklas ng mga bagay sa mundo, at patuloy sa paglipad hanggang sa makamit mo ang iyong gusto.

Isinulat ni: Micho Angelo Condes

Masasabi nating ang buhay ay parang gulong,  sa patuloy nitong pag-ikot ay hindi natin namamalayan na malayo na pala ang...
12/04/2026

Masasabi nating ang buhay ay parang gulong, sa patuloy nitong pag-ikot ay hindi natin namamalayan na malayo na pala ang ating narating, kaya ngayong araw binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan Jassen Padecer. Alam namin na sa buhay marami ka ng pinagdaanan, ngunit lahat ng iyon ay iyong nakayanan. Lahat ng iyong mga problema ay idinaan mo lang sa tawa, hindi namin namamalayan na ikaw ay may mabigat na palang dala-dala. Kaya humahanga kami sa iyong tibay, sapagkat pinili mog magpatuloy sa kabila ng hamon ng buhay.

Sa iyong mga ngiti, nawa'y sa iyong paglalakbay ito'y manatili. Piliin mo palagi ang maging masaya, sapagkat narito lamang kaming iyong kaibigan na patuloy sa iyo naniniwala. Palagi mong isipin na patuloy ka lamang manalig sa panalangin, tanging ang Diyos lamang ang makakasagot sa iyong mga dalangin. Maniwala ka lamang sa kanyang nga plano, sapagkat ito'y maganda at bukod-tanging magbibigay kagalakan sa iyo.

Hangad nami na sa iyong kaarawan ay punuin mo ang aming mga baso ng mapulang kabayo, nawa'y haluan mo rin ito ng panghimagas upang hindi tayo madaling mahilo. Kami ay nagagalak sa iyong kaarawan, nawa'y patuloy kang magpatuloy sa anumang laban, muli maligayang kaarawan aming kaibigan. Sana ay malasing mo kami ngayong araw.πŸ₯³βœ¨

Isinulat ni: Micho Angelo Condes

Tuwing umuulan at lumalabas ang bahaghari, ikaw agad ang pumapasok sa aming isipan. Isang kaibigan na sa kabila ng kalun...
03/04/2026

Tuwing umuulan at lumalabas ang bahaghari, ikaw agad ang pumapasok sa aming isipan. Isang kaibigan na sa kabila ng kalungkutan ay nagbibigay ng kasiyahan. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Reynan Quilo. Hindi mo kailanman itinago ang iyong pagkatao, na kahit sa unang kita palang ay hindi mahahalata na ika'y baliko. Ngunit ang iyong presensya'y hindi matatawaran, kapag ikaw ang kasama ay puno ng tawanan. Maraming salamat sa mga baon mong kwento na hindi nauubusan. Na sa pagkakataong nasa seryoso tayong usapan, ikaw ang bumabasag at dahilan ng aming halakhakan.

Hindi matatawaran ang iyong sipag at tiyaga sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ikaw ay masigasig na nag-aaral, kahit puyat sa kabila ng magdamag na pagtatrabaho. Dugo at pawis ang ibinuhos mo, hindi matatawaran ang iyong dedikasyon at sakripisyo. Kaya kami ay humahanga sa iyong katatagan, hindi ka namin nakitaan ng kahinaan, kahit minsan ay umiiyak ka ng dahil sa pagmamahal. Hindi kaman nakasali sa trend ng pag reset, huwag kang mag-alala dahil tanggap ka namin sapagkat ikaw ay dabest. Nawa'y manatiling matatag ang iyong kalooban, narito lamang kaming nasa likod mo, ang iyong mga kaibigan.

Kaya sa espesyal na araw na ito, nawa’y maramdaman mo ang aming taos-pusong pasasalamat at pagmamahal. Ikaw ay inspirasyon sa amin, sapagkat ipinapakita mo na ang tagumpay ay bunga ng sipag at katatagan. Ang iyong pagiging tunay na kaibigan ay hindi matutumbasan ng anumang bagay. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng kaligayahan, kasaganaan, at magandang kinabukasan. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa maykapal, siya ang dahilan kung bakit sa kabila ng mga hamon ay nanatili ka paring nakatindig sa bawat laban. Muli maligayang kaarawan aming kaibigan, sana’y manatili ang iyong kakayahan na magpatawa at huwag ka sanang maubusan ng mga kwentong kokompleto sa kabanata.πŸ₯³βœ¨

Sa bawat araw na lumilipas, ikaw ay parang puno na hindi natitinag. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Zegfreid Bruce A...
12/03/2026

Sa bawat araw na lumilipas, ikaw ay parang puno na hindi natitinag. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Zegfreid Bruce Adlawan. Sa mga araw na ikaw ang kasama, puno ng tawanan, halakhak na hindi mapigilan sapagkat ikaw ay walang kapagurang nagbigay sa amin ng kasiyahan. Marinig lamang ang iyong tawa, kami rin ay tila nahahawa. Kaya minsan sa payapang kapaligiran, ikaw ang bumabasag nitong katahimikan. Ngunit kahit ganun paman ang iyong presensya ay nagsisilbing lakas na nagbibigay inspirasyon sa amin. Sa araw ng iyong kaarawan, kami ay nagpapasalamat sa iyong pagiging matibay na haligi ng pagkakaibigan.

Katulad ng punong malalim ang ugat, ikaw ay nakaugat sa mga prinsipyo ng kabutihan at katapatan. Sa tuwing kami ay nangangailangan ng sandigan, ikaw ang aming matibay na poste na hindi kailanman bumibitaw. Ang iyong mga salita ay parang dahon na kumakampay ng pag-asa at kaalaman. Ang iyong pagkatao ay nagbibigay ng sariwang hangin na nagiging dahilan ng aming sigla. Tunay ngang ikaw ay isang kaibigang hindi matitinag at hindi mapapantayan.

Ngayon iyong kaarawan nawa’y patuloy kang maging punong nagbibigay ng lilim, lakas, at inspirasyon. Hiling namin na ang iyong mga sanga ay patuloy na lumago tungo sa tagumpay at kasaganaan. Nawa’y manatiling matibay ang iyong mga ugat sa lupa ng pagmamahal at pagkakaibigan. Ang iyong buhay ay maging patunay ng tibay at kagandahan ng isang punong hindi natitinag.
Palagi mong itatak sa iyong isipan, ugaliin mong palaging magdasal upang gabayan ka sa landas na iyong patutunguhan. Muli maligayang kaarawan isa sa mga Big Boy ng Filipino 4B, Zegfreid Bruce Adlawan.πŸ₯³βœ¨

Isinulat ni: Micho Angelo

Sa payapang kalangitan, ikaw ay bituin na kumikinang sa kagandahan. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Stephen Kessly O...
01/03/2026

Sa payapang kalangitan, ikaw ay bituin na kumikinang sa kagandahan. Maligayang kaarawan aming kaibigan, Stephen Kessly OΓ±ez. Marami nang manlalakbay ang sa iyo'y nagnanais, sapagkat kagandahan mo'y tila nag-iisa't walang kapares. Ang iyong imahe na kay banayad pagmasdan, magaan na tila ba isang anghel na bumaba sa kalangitan. Ang boses mong kalmado, na tila mga salita mo'y nagsisilbing inspirasyon sa ibang tao. Nawa sana'y sa payapang kalangitan, ay maging payapa rin ang puso't isipan mo ngayong iyong kaarawan.

Sa bawat hakbang na iyong tinatahak, maging isa ka sanang bituin na patuloy na lumiliwanag, sapagkat kahit natatakpan kaman ng mga ulap, ang mga pagsubok na susubok sa iyong tinatahak. Huwag mong alisin ang liwanag sa iyong puso, at panatilihin mong matatag at hindi magbabago. Nawa’y patuloy kang magningning nang walang pag-aalinlangan, palagi mo lamang isipin na maraming taong naniniwala sa iyong pinaglalaban.

Sa espesyal na araw na ito, nawa’y mas lalo pang maging maliwanag ang iyong landas, tulad ng tala, nawa’y manatili kang matatag. Palagi ka lamang magdasal sa panginoon, sapagkat sa lahat ng panalangin siya'y tahimik na tutugon. Narito kaming iyong mga kaibigan, sa oras ng pangangailangan, kami narito lamang. Muli maligayang kaarawan aming kaibigang Kessly OΓ±ez, nawa’y maging mas maliwanag pa ang iyong kinabukasan.

Isinulat ni: Micho Angelo

Address

Baluarte Tagoloan
Tagoloan
TAGOLOANCOMMUNITYCOLLEGE

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED Filipino-4B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share