DepEd Kinatakutan Elementary School

Directions

DepEd Kinatakutan Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Kinatakutan Elementary School, School, Kinatakutan, Tagkawayan.

MOOE LIQUIDATION | SEPTEMBER 2026Bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability, ibinabahagi ng Kinataku...
20/09/2026

MOOE LIQUIDATION | SEPTEMBER 2026

Bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability, ibinabahagi ng Kinatakutan Elementary School ang ulat ng paggamit ng MOOE para sa buwan ng Setyembre 2026, na may kabuuang halagang โ‚ฑ75,525.00.

Patuloy ang KnES sa tapat at responsableng paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.

September 20, 2026 Happy Birthday, Sir Russel! ๐ŸŽ‰May the year ahead bring you happiness, good health, and many reasons to...
20/09/2026

September 20, 2026

Happy Birthday, Sir Russel! ๐ŸŽ‰

May the year ahead bring you happiness, good health, and many reasons to celebrate. Have a wonderful birthday!

God bless you!

16/09/2026
๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Š๐”๐Œ๐”๐’๐“๐€๐‡๐€๐ โ€™๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐Š๐ง๐„๐’Upang higit na mapagtibay ang ugnayan at pagtutulung...
15/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Š๐”๐Œ๐”๐’๐“๐€๐‡๐€๐ โ€™๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐Š๐ง๐„๐’

Upang higit na mapagtibay ang ugnayan at pagtutulungan ng paaralan, tahanan, at pamayanan, nagtipon ang mga magulang, mag-aaral, opisyal ng barangay, at iba pang stakeholder sa Ika-2 KUMUSTAHAN โ€™26 ng Kinatakutan Elementary School (KnES) na ginanap sa Covered Court ng paaralan noong Setyembre 11.

Pinakatampok sa programa ang pagkilala sa mga mag-aaral na nagpamalas ng sipag, husay, mabuting asal, at regular na pagpasok sa paaralan. Iginawad sa mga karapat-dapat na mag-aaral ang Perfect Attendance, Masigasig Award, at Namumukod-Tangi Award, gayundin ang Character Awards para sa mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1.

Binigyang-pugay rin sa pamamagitan ng Salamat Po Award ang mga magulang at iba pang masugid na tagasuporta ng paaralan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag at patuloy na pakikiisa sa mga programa at gawain ng KnES.

Naging bahagi rin ng KUMUSTAHAN ang pagbabalik-tanaw sa mga nagawa at tagumpay ng paaralan sa Unang Termino ng Taong Panuruan 2026โ€“2027. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Dr. Mark Anthony L. Tabunan, Punongg**o I, ang pinakahuling balita hinggil sa paglahok ng apat na mag-aaral ng KnES sa Palarong Quezon 2026, tampok ang pagkakamit ng tig-tatlong medalya nina Kemwell Nash I. Palivino at Ella Nicole R. Venerable.

Ibinahagi rin ang mga tagumpay ng paaralan sa athletics sa Palarong Bayan 2026 at ang pagkakamit nito ng titulong Overall Champion sa District Festival of Talents. Kabilang sa mga nagwagi sina Kaleb Matthew B. Palegar at Kemwell Nash I. Palivino sa TechnoFusion; Briella Samantha M. Almocera, First Runner-Up sa Plot-Twisting Challenge; at Brainard Samuel Suaiso at Harvey Inocencio, First Runner-Up sa STEMazing.

Kinilala rin ang pangkat ng Indak ng Lahi na binubuo nina Young Ingrid Sarmiento, Sofia Cantor, Tricia Sangcap, Rhianna Pampolan, Kiev Cruzado, Jamar Iglesia, Chandler Sangcap, at Kobe Garcia, na nagtapos bilang Second Runner-Up. Nakamit din ni Ken Jarille Reformado ang Second Runner-Up sa Awit ng Lipi.

Tinalakay naman ni Gng. Ivelyn Sarmiento ang kalagayang pinansiyal ng paaralan bilang bahagi ng pagpapanatili ng bukas at malinaw na pamamahala at pagbibigay-kaalaman sa mga stakeholder hinggil sa mga pondo ng KnES.

Ipinaliwanag din sa mga dumalo ang mga nakatakdang programa at gawain ng paaralan, kabilang ang Investiture Ceremonies para sa mga batang scout. Pinangunahan ang pagtalakay nina Gina Amparo para sa Kab Scout, Cristina Socito para sa Star Scout, Meriam Ricafranca para sa Girl Scout, at Russel Jonathan Marcos para sa Boy Scout. Inihayag din ang nakatakdang Induction Rites sa susunod na buwan.

Nagpahayag naman ng buo at matibay na suporta ang pamahalaang barangay sa mga programa at proyekto ng paaralan. Sa pangunguna ni Punong Barangay Luzviminda Bulalacao, kinatawan nina Kagawad Victor De Silva Jr., Kagawad Luzviminda Inocencio, at Kagawad Jomari Doctolero, tiniyak ng barangay na patuloy itong makikiisa at magbibigay ng nararapat na suporta sa mga programa at pangangailangan ng KnES.

Nagpahayag din ng kanilang pagbati at pakikiisa sina SGC Co-Chairperson Domingo Desdir at SPTA President Enrico De Chavez, na kapwa kumatawan sa patuloy na suporta ng mga magulang at stakeholder sa mga adhikain ng paaralan.

Matapos ang pangkalahatang programa, ipinamahagi at ipinaliwanag ng bawat g**ong tagapayo sa mga magulang ang mga grado ng kanilang mga anak para sa Unang Termino. Naging pagkakataon din ito upang personal na mapag-usapan ng mga g**o at magulang ang pag-unlad, pagganap, at mga pangangailangan ng bawat mag-aaral.

Sa pagtatapos ng programa, personal namang iniabot nina Kagawad Luzviminda Inocencio at Gng. Cynthia Hayin ang kanilang tulong-pinansyal sa paaralan, patunay ng patuloy na suporta at malasakit ng mga stakeholder sa mga programa at pangangailangan ng KnES.

LOOK | KnES Teachers Among 4th District Delegates to QERC 2026Teachers from Kinatakutan Elementary School (KnES) joined ...
13/09/2026

LOOK | KnES Teachers Among 4th District Delegates to QERC 2026

Teachers from Kinatakutan Elementary School (KnES) joined fellow educators from the Fourth Congressional District of Quezon in the Quezon Educators Research Convention (QERC) 2026 held today, September 13, at the Quezon Convention Center in Lucena City.

The Fourth District educators were among the more than 5,000 teaching and non-teaching personnel participating in the province-wide research convention.

Sponsored by the Provincial Government of Quezon, headed by Governor Angelina โ€œHelenโ€ D.L. Tan, QERC 2026 provides educators an opportunity to learn from research, exchange ideas, and gain insights that can help improve teaching and school practices.

๐ˆ๐๐’๐„๐“ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ” | ๐’๐ž๐๐š:  โ€œ๐–๐ž ๐๐ž๐ž๐ ๐ญ๐จ ๐€๐œ๐œ๐ž๐ฉ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐ ๐ž๐ฌโ€”๐€๐ฅ๐ฐ๐š๐ฒ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐€๐ฅ๐ฅ ๐–๐š๐ฒ๐ฌโ€Ito ang mensaheng nangibabaw sa dalawang ara...
12/09/2026

๐ˆ๐๐’๐„๐“ โ€˜๐Ÿ๐Ÿ” | ๐’๐ž๐๐š: โ€œ๐–๐ž ๐๐ž๐ž๐ ๐ญ๐จ ๐€๐œ๐œ๐ž๐ฉ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐ ๐ž๐ฌโ€”๐€๐ฅ๐ฐ๐š๐ฒ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐€๐ฅ๐ฅ ๐–๐š๐ฒ๐ฌโ€

Ito ang mensaheng nangibabaw sa dalawang araw na In-Service Training for Teachers (INSET) ng Kinatakutan Elementary School (KnES) noong Setyembre 9โ€“10, 2026 sa KnES Covered Court, kung saan muling nagsama-sama ang mga g**o upang matuto, magbahagi ng karanasan, at mas ihanda ang sarili sa patuloy na hamon ng pagtuturo.

Sa temang โ€œEquipping Teachers with Literacy and Digital Competence,โ€ nakatuon ang pagsasanay sa tatlong paksang bahagi na rin ng araw-araw na gawain ng mga g**oโ€”Department of Education Manual of Style (DMOS), pagtuturo ng pagbasa, at paggamit ng Canva at ICT.

Binigyang-diin ni School Principal Dr. Mark Anthony L. Tabunan na habang nagpapatuloy ang mga g**o sa kanilang propesyon, patuloy din silang haharap sa mga bagong hamon.

โ€œWe always accept the challenges. As long as you remain in the profession, you will continue to face them unless you are going to retire today. I encourage you to continue learning, adapting, and finding ways to respond to the challenges that come with our profession,โ€ ani Tabunan.

Sa unang araw, pinangunahan ni Dr. Tabunan ang sesyon sa DMOS. Sa pamamagitan ng pre-test, talakayan, workshop, at presentasyon, binalikan ng mga g**o ang kanilang nakasanayang paraan ng pagsulat at mas pinag-aralan ang mga pamantayan ng DepEd sa paghahanda ng mga dokumento at ulat.

Sumunod sina Cristina G. Socito at Ivelyn P. Sarmiento, na nagbahagi ng mga praktikal na paraan sa pagtuturo ng pagbasa. Tinalakay nila ang mga estratehiyang maaaring gamitin sa ARAL lessons at iba pang reading interventions, lalo na sa pagtugon sa magkakaibang pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Sa ikalawang araw, pinangunahan naman ni Russel Jonathan V. Marcos ang sesyon sa Canva at ICT. Matapos ipakilala ang ibaโ€™t ibang features ng Canva, binigyan ng pagkakataon ang mga g**o na mismong mag-explore at gumawa ng mga output na maaari nilang magamit sa pagtuturo at iba pang gawain sa paaralan.

Nagtapos ang dalawang araw na pagsasanay sa isang closing program kung saan binalikan ni Gina C. Amparo ang mahahalagang talakayan at gawain, habang ibinahagi naman ni Meriam Ricafranca ang kanyang mga natutuhan at karanasan mula sa INSET.

Sa kanyang mensahe, hinamon ni Tabunan ang mga g**o na huwag hayaang manatili lamang sa training venue ang kanilang mga natutuhan, kundi gamitin ang mga ito sa kanilang mga klase at iba pang tungkulin sa paaralan.

Tinanggap naman ni Ma. Adela Seda, sa ngalan ng mga kalahok, ang hamon at ipinahayag ang kanilang kahandaang isabuhay ang kanilang mga natutuhan.

โ€œWe need to accept the challengesโ€”always and in all ways,โ€ ani Seda.

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | ๐‘ซ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐’€, ๐‘ช๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ต ๐‘น๐‘ฌ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป ๐‘ป๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘น๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ธ๐‘ผ๐‘ฌ๐’๐‘ถ๐‘ต ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” Rica G. Dugay and Ray John Curt R. Camagon proudly re...
11/09/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | ๐‘ซ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐’€, ๐‘ช๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ต ๐‘น๐‘ฌ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป ๐‘ป๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘น๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ธ๐‘ผ๐‘ฌ๐’๐‘ถ๐‘ต ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Rica G. Dugay and Ray John Curt R. Camagon proudly represented Tagkawayan in the Athletics events of Palarong Quezon 2026.

The young athletes competed in Discus Throw, Javelin Throw, and Shot Put, giving their best in every event and carrying with them the pride of their school and municipality.

While they may not have made it to the podium, their courage to compete, dedication to training, and determination to give their best are victories worth celebrating.

Congratulations, Rica and Ray John! ๐Ÿ‘

Kinatakutan ES is proud of you for representing our school and Tagkawayan with pride and sportsmanship.

LOOK | PALIVINO, VENERABLE RECEIVE MEDALS AT PALARONG QUEZON 2026Kemwell Nash I. Palivino and Ella Nicole R. Venerable r...
11/09/2026

LOOK | PALIVINO, VENERABLE RECEIVE MEDALS AT PALARONG QUEZON 2026

Kemwell Nash I. Palivino and Ella Nicole R. Venerable received their medals during the awarding ceremony of Palarong Quezon 2026, following their successful stint in the athletics events.

Palivino captured three gold medals after ruling the Long Jump, Triple Jump, and High Jump โ€“ Elementary Boys, while Venerable earned one silver and two bronze medalsโ€”silver in High Jump and bronze in both Long Jump and Triple Jump โ€“ Elementary Girls.

Joining the young athletes during the awarding were their coach, Ms. Vianca Amery B. Adonis, and Palivinoโ€™s mother, Mrs. Maricel Palivino.

Address

Kinatakutan
Tagkawayan
4321

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Kinatakutan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category