DepEd Sta. Monica Elementary School

Directions

DepEd Sta. Monica Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Sta. Monica Elementary School, School, Brgy Sta Monica Tagkawayan Quezon, Tagkawayan.

WELCOME TO STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL, MA’AM RECAELA CADAYAN! Isang mainit at masayang pagtanggap sa ating bagong Kin...
16/09/2026

WELCOME TO STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL, MA’AM RECAELA CADAYAN!

Isang mainit at masayang pagtanggap sa ating bagong Kindergarten Teacher, Ma’am Recaela C. Belgica !

Malugod ka naming tinatanggap sa Sta. Monica Elementary School Family! Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng magagandang alaala ang iyong paglalakbay kasama ang ating mga batang mag-aaral.

We are excited to work with you and share wonderful experiences together!

Welcome to SMES, Ma’am Recaela!
Together, we nurture, inspire, and help every child learn and grow.





STA MONICA DANCESPORT TEAM 💃🕺Palarong Quezon 2026Isang matagumpay at hindi malilimutang mga araw para sa ating mga batan...
14/09/2026

STA MONICA DANCESPORT TEAM 💃🕺
Palarong Quezon 2026

Isang matagumpay at hindi malilimutang mga araw para sa ating mga batang atleta!

Ang mga medalya na ating nakamit ay bunga ng pagsisikap at dedikasyon, kasama ang walang sawang paggabay ng mga coach at suporta ng mga magulang. 🙏❤️

👏 Mabuhay ang ating mga batang atleta!

🙏 Taos-pusong pasasalamat sa mga magulang na patuloy na sumusuporta, nagsasakripisyo at naniniwala sa kakayahan ng kanilang mga anak!

🙏 Maraming salamat din po sa mga taong patuloy na nagtiwala at naging bahagi ng aming paglalakbay:

Mayor Carlo Eleazar
Kons. Bomel De Vero
SB Members
Sir Isagani Matibag
Maam Alicia Gonzales
Sir Reymer Javier
Sir Rommel Liwag
Ma’am Maricel Tañada
Co-Teachers
Kapitan Roderick A. Comple
Brgy Sta Monica
Weng Sia
Kgwd Ino and Family

At sa lahat po ng mga nagpaabot ng tulong at suporta sa aming mga atleta,mula sa aming puso—MARAMING MARAMING SALAMAT PO! ❤️🙏

Maraming Salamat po Sa Buong Brgy ng Sta Monica pangunguna ng Butihing Kapitan Roderick A. Comple
Ang bawat tulong, tiwala at panalangin ninyo ay nagsisilbing inspirasyon sa aming mga batang atleta na patuloy na mangarap, magsikap at lumaban.

🙏 Pagpalain po kayo palagi ng ating AMA.

One Team. One Dream
💃🕺🏆 Stamonica Dancesport Team! ❤️

Sinag Dancers

🏆✨ STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL ✨🏆🏅 PAGKILALA SA MGA BATANG ATLETA NG TAGKAWAYAN 🏅Isang taos-pusong pagbati at pagmamal...
14/09/2026

🏆✨ STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL ✨🏆

🏅 PAGKILALA SA MGA BATANG ATLETA NG TAGKAWAYAN 🏅

Isang taos-pusong pagbati at pagmamalaki sa ating mga batang atleta na nagbigay ng karangalan sa Sta. Monica Elementary School at sa buong Tagkawayan! 👏❤️

STA MONICA DANCESPORT TEAM 💃🏻🕺

🥇 GOLD MEDALIST – Grade E
🥇 GOLD MEDALIST – Grade D
Kween Eun-Zhi P. Zara
👩‍🏫 Coach: Ma’am Syra Caressa V. Javier

🥇 GOLD MEDALIST – Grade D
🥈 SILVER MEDALIST – Grade E
Jared Vence Z. Nieva
Julliene Rhaine Ramirez
👨‍🏫 Coach: Sir Rodel O. Tendenilla

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sipag, tiyaga, disiplina, dedikasyon, at suporta ng maraming taong patuloy na naniniwala sa kakayahan ng ating mga batang atleta. 💪🏆

🙏 TAOS-PUSONG PASASALAMAT 🙏

Maraming salamat po kay Mayor Carlo Eleazar sa pagkilala at suporta sa ating mga batang atleta. Malaking inspirasyon po ang inyong pagpapahalaga sa kanilang talento at pagsisikap.

Maraming salamat din po sa aming PSDS, Sir Isagani H. Matibag, sa patuloy na suporta at paggabay sa aming mga atleta at sa buong Sta. Monica Elementary School.

❤️ Maraming salamat po sa buong Barangay Sta. Monica, sa pangunguna ng butihing Kapitan Roderick A. Comple, kasama ang mga kagawad at SK, sa walang sawang suporta at pagtulong sa ating mga batang atleta.

👨‍👩‍👧‍👦 Maraming salamat sa mga magulang ng ating mga batang atleta na patuloy na nagbibigay ng pagmamahal, oras, suporta, at tiwala sa kanilang mga anak. Ang tagumpay na ito ay tagumpay din ninyo!

👩‍🏫📚 At higit sa lahat, maraming salamat po sa mga g**o ng Sta. Monica Elementary School, sa pangunguna ng aming School Head II, Ma’am Maricel N. Tañada, sa patuloy na suporta at pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga mag-aaral na malinang ang kanilang mga talento at kakayahan.

🌟 Mabuhay ang Batang Sta. Monica!
🌟 Mabuhay ang mga Batang Atleta ng Tagkawayan!
🌟 Patuloy tayong mangarap, magsikap, at magtagumpay! 🏆🥇🥈

CONGRATULATIONS, CHAMPIONS! 🎉👏







GOOD LUCK, STA. MONICA DANCESPORT TEAM!Para sa inyong laban bukas, buong puso kaming sumusuporta at naniniwala sa inyong...
09/09/2026

GOOD LUCK, STA. MONICA DANCESPORT TEAM!

Para sa inyong laban bukas, buong puso kaming sumusuporta at naniniwala sa inyong kakayahan! 💪✨

Sa ating mga batang atleta, ibigay ninyo ang inyong best, confidence, discipline, at passion sa bawat galaw. Tandaan ninyo, panalo man o hindi, ipinagmamalaki na namin kayo dahil sa inyong sipag, tiyaga at dedikasyon. ❤️

🌟 Jared Vence Nieva
🌟 Jhulliene Rhaine Ramirez
🌟 Scarlet Reign Ervera
🌟 Prince Clark Jose
🌟 Symer Cassie Javier
🌟 Khween Eun-Zhi Zara
🌟 Shenyll Marga Gardiola

🙏 God bless, mga batang atleta! Gabayan nawa kayo ng Panginoon sa inyong laban bukas. Sumayaw nang buong puso, mag-enjoy, at ipakita ang galing ng Sta. Monica Dancesport Team!

Laban, Sta. Monica! 💪🔥
Para sa pangarap, para sa karangalan, para sa Sta. Monica! 🏆❤️

🇵🇭 Huli man ang pagdiriwang, hindi kailanman huli ang pagpapahalaga sa ating wika at kultura!🌾📚 Ang Sta. Monica Elementa...
08/09/2026

🇵🇭 Huli man ang pagdiriwang, hindi kailanman huli ang pagpapahalaga sa ating wika at kultura!🌾📚

Ang Sta. Monica Elementary School ay buong pusong nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isang makabuluhang pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa ating wikang Filipino, kultura, at pagkakakilanlan bilang isang bansa. ❤️💙💛

Sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan, masasayang pagtatanghal, at iba’t ibang gawaing inihandog ng ating mga mag-aaral at g**o, tunay na naipamalas ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura. 🇵🇭✨

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino!🫶

STA. MONICA DANCESPORT TEAM 💃🕺Ms. D and The Company Workshop – Mock Competition ✨Isang matagumpay at hindi malilimutang ...
05/09/2026

STA. MONICA DANCESPORT TEAM 💃🕺

Ms. D and The Company Workshop – Mock Competition ✨

Isang matagumpay at hindi malilimutang araw para sa ating mga batang atleta!

Buong puso naming ipinagmamalaki ang kanilang ipinakitang sipag, tiyaga, disiplina at husay sa Ms. D and The Company Workshop – Mock Competition, kung saan nakapag-uwi sila ng:

🥇 6 GOLD MEDALS
🥈 5 SILVER MEDALS
🥉 2 BRONZE MEDALS

Ang mga medalya ay bunga ng kanilang pagsisikap at dedikasyon, kasama ang walang sawang paggabay ng kanilang mga coach at suporta ng kanilang mga magulang. 🙏❤️

👏 Mabuhay ang ating mga batang atleta!

Jared Vence Nieva
Jhulliene Rhaine Ramirez
Scarlet Reign Ervera
Prince Clark Jose
Symer Cassie Javier
Khween Eun-Zhi Zara
Shenyll Marga Gardiola
Matthew Nathaniel Cortez
Khloe Euna Zara

🙏 Taos-pusong pasasalamat sa mga magulang na patuloy na sumusuporta, nagsasakripisyo at naniniwala sa kakayahan ng kanilang mga anak.

💙 Maraming salamat sa Barangay Sta. Monica, sa pangunguna ni Kapitan Roderick A. Comple, at sa lahat ng mga taong nagpaabot ng tulong at suporta para sa ating Dancesport Team.

Isang malaking pasasalamat din sa aming mga coaches, Sir Rodel Tendenilla at Ma’am Syra Javier, sa inyong walang sawang paggabay, pagtuturo, pag-unawa at suporta sa ating mga batang atleta. ❤️

🙏 Maraming salamat din po sa mga taong patuloy na nagtiwala at naging bahagi ng aming paglalakbay:

Sir Isagani Matibag
Maam Alicia Gonzales
Sir Reymer Javier
Sir Rommel Liwag
Ma’am Maricel Tañada
Konsehal Roberto Devero
Kapitan Roderick A. Comple

At sa lahat po ng mga nagpaabot ng tulong at suporta sa aming Barangay Sta. Monica, mula sa aming puso—MARAMING MARAMING SALAMAT PO! ❤️🙏

Ang bawat tulong, tiwala at panalangin ninyo ay nagsisilbing inspirasyon sa aming mga batang atleta na patuloy na mangarap, magsikap at lumaban.

🙏 Pagpalain po kayo palagi ng ating AMA.
Gabayan Mo po kami sa aming susunod na laban. Bigyan Mo po kami ng lakas, tapang, disiplina at pagkakaisa. ❤️

One Team. One Dream. One Sta. Monica!
💃🕺🏆 Padayon, Sta. Monica Dancesport Team! ❤️

STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL Paghahanda para sa Congressional Festival of Talents 2026!Malugod naming tinatanggap at bi...
01/09/2026

STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL

Paghahanda para sa Congressional Festival of Talents 2026!

Malugod naming tinatanggap at binabati ang ating mga Delegates!
Welcome po Kayo sa Aming Bayan 🥰🥰

Patuloy ang aming paghahanda, pagsasanay, at pagtutulungan para sa isang matagumpay na Congressional Festival of Talents 2026. Ipinagmamalaki namin ang ating mga batang may talento at dedikasyon.

Maraming salamat po, Kapitan Roderick A. Comple, at sa inyong mga kasamahan sa patuloy na suporta, tulong, at malasakit sa ating mga mag-aaral at paaralan.

Sama-sama nating suportahan ang talento, pangarap, at kinabukasan ng ating mga kabataan!





TAOS-PUSONG PASASALAMAT 🙏❤️Lubos po ang aming pasasalamat kay Kapitan Roderick A. Comple at sa kanyang buong pamilya sa ...
29/08/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT 🙏❤️

Lubos po ang aming pasasalamat kay Kapitan Roderick A. Comple at sa kanyang buong pamilya sa inyong walang-sawang suporta at bukas-palad na pagtulong para sa Sta. Monica Dancesport Team. 💃🕺

Ang inyong suporta ay malaking tulong sa aming mga batang dancers sa kanilang paghahanda at pagsasanay para sa nalalapit na Palarong Quezon.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala, pagmamahal at patuloy na pagsuporta sa aming mga batang atleta. Ang inyong kabutihan ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa silang magsikap at maipakita ang kanilang galing at husay.

Maraming maraming salamat po, Kapitan Roderick A. Comple at sa buong pamilya! ❤️🙏

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang Sta. Monica Dancesport Team! 💃🕺🏆

TAOS-PUSONG PASASALAMAT!  Donasyon para Sa Palarong Quezon  ❤️Maraming, maraming salamat po Sir Miguel  sa iyong bukal s...
29/08/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT! Donasyon para Sa Palarong Quezon ❤️

Maraming, maraming salamat po Sir Miguel sa iyong bukal sa pusong pagbibigay ng donasyon para sa Sta. Monica Elementary School Dancesport Team.

Ang inyong tulong ay malaking bagay para sa aming mga batang atleta at ginamit para sa kanilang training at paghahanda sa mga darating na kompetisyon. Malaking suporta po ito upang patuloy nilang malinang ang kanilang talento, disiplina, at tiwala sa sarili.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihan at malasakit sa aming mga batang mananayaw. ❤️

Maraming salamat po sa inyong suporta!
Mabuhay po kayo, Salamat po sa inyong Pamilya !




TAOS-PUSONG PASASALAMAT!  Donasyon para Sa Palarong Quezon  ❤️Maraming, maraming salamat po Sir John Carlo  Felicidario ...
29/08/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT! Donasyon para Sa Palarong Quezon ❤️

Maraming, maraming salamat po Sir John Carlo Felicidario sa iyong bukal sa pusong pagbibigay ng donasyon para sa Sta. Monica Elementary School Dancesport Team.

Ang inyong tulong ay malaking bagay para sa aming mga batang atleta at ginamit para sa kanilang training at paghahanda sa mga darating na kompetisyon. Malaking suporta po ito upang patuloy nilang malinang ang kanilang talento, disiplina, at tiwala sa sarili.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihan at malasakit sa aming mga batang mananayaw. ❤️

Maraming salamat po sa inyong suporta!
Mabuhay po kayo, Salamat po sa inyong Pamilya !




Address

Brgy Sta Monica Tagkawayan Quezon
Tagkawayan
4321

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Sta. Monica Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category