20/07/2026
๐ฝ๐ช๐ ๐๐ก ๐๐๐ง๐ข๐๐ง๐จ ๐ผ๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ง๐ฉ๐ฃ๐๐ง๐จ ๐ฌ๐๐ฉ๐ ๐ฝ๐ช๐ ๐๐ก ๐๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐ค๐ง ๐พ๐ค๐ข๐ข๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ฎ-๐ฝ๐๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข
BUKAL, TAGKAWAYAN, QUEZON | July 20, 2026 โ Isang makabuluhang programa ang matagumpay na isinagawa sa Bukal Elementary School sa pamamagitan ng Community-Based Feeding Program, bunga ng pagtutulungan ng Bukal Farmers Association (BUFASS), Office of the Municipal Agriculturist (OMA), at ng paaralan upang maisulong ang kalusugan at wastong nutrisyon ng mga mag-aaral.
Dinaluhan ang programa ni Barangay Captain Celso C. Razon, na nagpakita ng kanyang buong suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan at kapakanan ng mga batang mag-aaral sa komunidad.
Bilang bahagi ng programang Gulayan sa Bayan, pormal na inendorso ng Office of the Municipal Agriculturist ang Bukal Farmers Association (BUFASS) bilang katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng Community-Based Feeding Program. Layunin ng programang ito na mapalakas ang food security, mahikayat ang pagkonsumo ng masustansiyang pagkain, at masuportahan ang nutrisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng sariwa at lokal na ani ng mga magsasaka.
Nagkaroon din ng Health and Nutrition Talk na pinangunahan ni Ma. Dentenciana I. Silva, kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng tamang nutrisyon, wastong pagkain, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay. Ang kanyang mensahe ay naging inspirasyon sa mga magulang at mga kalahok upang higit na pahalagahan ang kalusugan ng kanilang mga anak.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Bukal Elementary School sa Bukal Farmers Association (BUFASS) sa pangunguna ng kanilang Pangulo, Ma'am Laarni H. Silva, sa kanilang walang sawang suporta at pagbibigay ng sariwang gulay para sa feeding program. Lubos ding pinasasalamatan ang Municipal Agriculturist, Ma'am. Sherryl M. Sinense, sa kanyang patuloy na paggabay, suporta, at pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang programang ito.
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad at sa paaralan, iginawad ang Certificate of Recognition sa BUFASS bilang simbolo ng pasasalamat sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Muling pinatunayan ng programang ito na ang pagtutulungan ng paaralan, lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at komunidad ay mahalagang susi sa paghubog ng mas malusog, mas masigla, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Bukal!.