DepEd Tayo - Youth Formation - Bamban NHS

DepEd Tayo - Youth Formation - Bamban NHS Deped Tayo-Youth Formation- Bamban NHS is an organization of students with their teacher advisers.

This organization shall be an avenue to lead learners to become better citizens of the Philippines.

25/10/2024
Congratulations my SSLG batch 2022-2023 and  2023-2024! Nawa ay ipagpatuloy nyo Ang maayos at malinis na paglilingkod sa...
26/04/2024

Congratulations my SSLG batch 2022-2023 and 2023-2024! Nawa ay ipagpatuloy nyo Ang maayos at malinis na paglilingkod saan man kayo dalahin Ng pagkakataon. I will always be here to support and guide you... Your SSG and SSLG adviser for 2 consecutive years is now signing off!

See you around mga anak

Look: BNHS conducted the Year-End SOLGA and Turnover CeremonyApril 19, 2024, Friday, Erica S. Briones Bamban NHS SSLG pr...
26/04/2024

Look: BNHS conducted the Year-End SOLGA and Turnover Ceremony
April 19, 2024, Friday, Erica S. Briones Bamban NHS SSLG president delivered her second and final State of the Learner Government Address, consecutively, a turnover ceremony between the incumbent SSLG and interim adviser was held at Bamban National High School Covered Court.

Briones recalled all the promises she made during her First SOLGA, she said that not all her promises were fulfilled during her term as the SSLG president and explained to the students that some of the programs and projects didn’t materialize due to some circumstances like time constraints, hectic schedules, and cancellations of classes, and many other reasons. She apologized for her shortcomings during her term as the SSLG President. Briones also highlighted her significant accomplishments in promoting the DepEd’s Core Values in the school, she shared that her administration focuses on being Makabayan by leading the students during the Flag raising ceremony every Monday and Flag Retreat every Friday afternoon. She further added that her team has managed to continue the Bambayanihan sa Paaralan, a program to promote MAKAKALIKASAN VALUES among learners. She said that the program was started by the previous SSG administration which aims to maintain the cleanliness and orderliness of the school compound that will ensure that the learning environment is conducive for learning. She Added also “ang paglilinis ay hindi ginagawa dahil may premyo, kundi iyon ay tungkulin ng bawat isa sa inyo na maglinis para sa maganda at malinis na learning environment" Her team also joined in the Gift giving program of DepEd by joining the 236K trees a gift for the Children. To uphold MAKATAO VALUES, the SSLG officers helped in the Brigada program of the school by conducting tutorial services for learners with reading difficulty. Moreover, they also took part in schools' various programs by providing a helping hand in decorating the stage for events and programs. They also participated in Leaddership Summit held at bamban Elementary School spearheaded by the Local Government Unit of Tagkawayan and they also took part in YOLO survey, a survey to determine the needs of Student Governing Bodies. She also announced her final project entitled, “Notebook Ko, Para SA Kinabuikasan Mo” a project that will encourage her fellow students to donate their unused portion of their notebooks. “This project shall be an avenue to proper waste segregation by reusing notebooks that are still usable. It will be given by the beginning of the next school year” she said. Before ending her talk, she also announced that her team has approved a resolution entitled “ Kapasyahang Nagtatakda sa Pagagamitan ng Pondo ng SSLG Mula Sa Fund Raising Activity Noong Nakarang panuruan 2022-2023 na Ipinasa sa SSLG Officers ng Panuruang 2023-2024 na nagkakahalaga ng 25,113. 00 pesos” she said, they did this to protect the hard earned money of the previous officers and to ensure that the money will be used according to its purpose, which is for the benefit of the SSLG and the students of Bamban. She ends her Speech by Thanking her adviser and SSLG officers for their valuable help during her term as the SSLG President.

Lara Guerrero, the SSLG Treasurer also presented their Financial Report ending April 19, 2024. “ sa ngayong taon po ay wala kaming collection from SSLG fee maliban po sa Grade 12 dahil ang SSLG fee po ay kinolekta po ng ating PTA treasurer na si Mrs. Daniela P. Manila, Kung kaya po ang amin pong ginamit ngayong taon ay ang forwarded balance mula sa nakaraang administrasyon ng SSG sa pangunguna ni Miss Eloisa Orellana na nagkakahalaga ng Thirty-one Thousand four hundred sixteen pesos (31,416.00).” she said that the fund were used for the following, Patistis ng kahoy (para sa SSLG office), Teachers’ Day Celebration, Students’ Christmas Party, and Piso Wifi, with a total of eleven Thousand eight hundred thirty eight (11, 838). They also provided their SSLG uniform from their own initiatives na nagkakahalaga ng five thousand seven hundred seventy. She also endorsed the Cash on Hand to the Interim SSLG Adviser Mrs. Caroline E. Goce amounting to Twenty-five thousand one hundred thirteen pesos (25, 113.00).

Mr. Russel T. Evangelista, the current and out-going SSLG adviser gave his closing remarks, He thanked all the officers in their dedication to serve the students and teachers of Bamban. He said “ hindi matatawaran ang inyong mga sakripisyo at paglilingkod na ginawa sa loob ng isang taon, at sana kahit matapos ang inyong termino ay patuloy pa rin kayong maglingkod ng walang hinihintay na kapalit sa ating paaralan”. He also challenged the next set of officers of SSLG to perform according to their duties and responsibilities as officers.

The Program ended with the acceptance of Mrs. Caroline E. Goce of the accomplishment Report, and Cash from the outgoing Officers. In her message, she said “ Congratulations sa SSLG advisers and Officers for a job well done, medyo nakakapressure ang anging accomplishment ng aking sinusundan, ngunit sisikapin naming ng mga ma-e-elect na mga SSLG officers na mapantayan o mahigitan pa ang paglilingkod na nagawa ng SSLG officers 2023-2024.

Congratulations sa ating mga bagong Licensed Criminologists,Bamban NHS is proud of you😊😊😊
08/03/2024

Congratulations sa ating mga bagong Licensed Criminologists,Bamban NHS is proud of you😊😊😊


BNHS SSLG in action
20/02/2024

BNHS SSLG in action

SSLG Year-End PartyWala mang mamahaling regalo at masasarap na pagkain , Ang SSLG Ng Bamban NHS ay palaging maasahan.Sal...
14/12/2023

SSLG Year-End Party

Wala mang mamahaling regalo at masasarap na pagkain , Ang SSLG Ng Bamban NHS ay palaging maasahan.

Salamat sa palaging pagtulong sa Paaralan mga anak Lalo na sa pagpapanatili Ng kaayusan at kalinisan Ng kapaligiran through your , pangunguna sa Monday Flag Raising and Lowering ceremonies,at syempre sa palaging pagdedecorate sa ating entablado sa tuwing may event Ang school. God bless mga anak. Mahal kayo ni tatay❤️❤️❤️




     -Oproject
14/12/2023




-Oproject

     &   ,2023A joint effort of 4Ps and SSLG
14/12/2023





&


,2023

A joint effort of 4Ps and SSLG

06/12/2023



Congratulations to my SSLG officers! Matagumpay ninyong naihayag Ang inyong mga nagawa at mga Plano sa mga darating pang...
25/10/2023

Congratulations to my SSLG officers! Matagumpay ninyong naihayag Ang inyong mga nagawa at mga Plano sa mga darating pang mga buwan Ng inyong panunungkulan.



SOLGA(State of the Learner Government Address 2023) "Sa MATAPAT NA PAGLILINGKOD, BAMBANIANS PANALO"Magandang araw po sa ...
25/10/2023

SOLGA(State of the Learner Government Address 2023)
"Sa MATAPAT NA PAGLILINGKOD, BAMBANIANS PANALO"
Magandang araw po sa ating mga minamahal na g**o at kapuwa ko mag-aaral na narito ngayon, muli sa mga hindi pa din po nakaka kilala sa akin, ako po si Erica Briones ang pangulo ng Supreme Secondary Learner Government.

At ngayong araw po ay aking ipapahayag ang aming mga nagawa ngayong unang quarter ng aming panunungkolan bilang SSLG Officers. Gayon din ipapahayag po ng SSLG ang aming mga plano para sa mga susunod pang mga buwan hanggang matapos ang aming termino.

Naganap ang election ng SSLG noong June 1 SY of 2022-2023, at sa aming pagkapanalo inumpisahan namin ang aming panunungkolan mula ng kami ay nanumpa sa ating butihing Principal Mr. Randy S. Del Rosario noong June 16, 2023. Kasama nito ay nagkaroon ng turn-over ceremony sa pagitan Ng former SSG officers and interim SSLG officers. Ang lahat ng SSG fund ay tinurn over ni former SSG President Eloisa Orellana sa SSLG treasurer na si Lara Jane B. Guerrero na nangangahalagang Anim na libo apat na daan at labing anim na Piso (6416). Ang nasabing pondo ay nagmula sa miscellaneous fee collection ng SSG sa nakaraang taon. kasama sa naturn over sa bagong set ng SSLG officers ay ang mga dokumento na may kaugnayan sa SSG.

At sa kalagitnaan ng bakasyon, ang SSLG ay nagkaroon ng 3 days training, Youth Leadership Summit na ginanap sa Bamban Elementary School kalahok ang ibat ibang kabataang leaders mula sa Tagkawayan.
Sa tatlong araw namin dito, pinag-aralan namin kung papaano ang tunay na pamamalakad ng isang leader.
Ang ilan sa mga pinag-aralan namin ay
*YOUTH IMPACT IN NATIONS BUILDING
*IMPORTANT OF EDUCATION IN YOUTH
*NATIONS PARTICIPATION
*EARLY PREGNANCY AND ADOLESCENT
*SOCIAL INCLUSION AND EQUITY
*ECONOMIC EMPOWERMENT
*LEADERSHIP AND GLOBAL MOBILITY
*TEAM BUILDING
*CLEAN UP DRIVE
*YOUTH AS RESPONSIBLE FARMER
*PEACE AND SECURITY
*at UNDERSTANDING CLIMATE CHANGE
na patungkol lahat sa pagpapatakbo ng isang grupo.

At noong June 16, 2023 naman po, nagkaroon ng Tagkawayan District 2 election ang SSLG ng Mapulot NHS, Mansilay NHS, Tabason NHS, Tagkawayan NHS at Bamban NHS, na dinalohan ko at ni Vice President Rissa Joy Maralit na ginanap sa Tagkawayan NHS. At ngayon ay kasalukoyan po akong Treasurer ng SSLG Tagkawayan District 2 at representative naman si Vice President

At ngayong SY 2023-2024, sa pagdating ng Brigada Eskwela, ang lahat ng SSLG officer ay nakiisa upang isagawa ito. Sa loob ng anim na araw ng brigada mula August 14-19, nagpabasa ang mga SSLG Officer sa mga incoming grade 7 at nag-assist sa mga ipinagawa ng g**o (paglilinis, pagluluto sa canteen at pagpipintura)

At sa unang araw ng pasukan nong August 29, 2023 ay ginampanan na namin ng tuloyan ang mga responsibilidad na sa amin ay naka atang.
Sa pangunguna ng kalinisan ng paligid at pagbabantay ng kapayapaan ng eskwelahan.

At bilang mga mag aaral na makabansa, aming pinangungunahan ang flag ceremony tuwing Lunes 7:15 ng umaga at flag retreat tuwing biyernes 3:50 ng hapon. Kasama dito ang pagmomonitor ng pag-lilinis ng mga estudyante araw araw at paninita ng maling gawain ng estudyante tulad ng paninigarilyo.

At sa pagpasok ng Setyembre, nagkaroon ng aktibidad ang ating paaralan na intramurals at Zonal Meet na parehong ginanap dito sa Bamban kalahok ang ibat ibang paaralan. Tumulong ang SSLG Officers sa pagsasagawa nito, inayos po namin ang room ng Grade 9 Daisy na syang kinainan ng officials. Nag assist din po kami sa kanila tulad na lamang ng pagbibigay ng merienda at pagiging line man. (And yes! Congratulations sa ating mga players nanalo o natalo Bambanians are so proud of you all!!!)

Kasabay ng buwang ito ng September, ay ipinagdiwang ang teachers day. Sa pangunguna ng SSLG Officers, nagkaroon kami ng meeting na kung saan ang bawat section ay nagkaroon ng celebration sa ibat ibang araw mula September 5 hanggang October 4 kasama ang aming adviser.
At sa pagdating ng October 5, ang SSLG officer ay naghanda ng simpleng pasasalamat sa ating mga minamahal na g**o sa pamamagitan ng pagbigay ng simpleng regalo at paggawa ng freedom wall na kung saan tayong mga estudyante ay nagbigay ng mensahe sa ating mga g**o

At kasabay din ng araw na to ng October 5 ay nagkaroon ng Symposium ang Senior High about army, at sa pangangasiwa ng SSLG ay tumulong po kami para sa merienda ng ating panauhin.
At ngayon pong kasalukoyan nandito ako para ilatag ang mga pinaplano pa ng SSLG para sa ating paaralan

Isa na dito ang pagkakaroon ng I'd,
Mahalagang magkaroon ng I'd Ang bawat estudyante o identification card para sa pagkakakilanlan ng bawat estudyante. Marami ang lumalabas at pumapasok sa ating paaralan na outsider na kinakailangan nating maiwasan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral. At sa pamamagitan ng I'd, mamomonitor natin ang mga estudyante ng Bamban at hindi.
At nakasalalay ito sa kakayahan ng eskwelahan at approval ng ating Principal na sana ay mapagbigyan.

Isa pang project ng SSLG ay Reading Program. Ang pagsulat at pagbasa ang isa sa mga napaka halaga mong matutunan bilang isang estudyante, ito ay isang kayamanan na hindi mananakaw nino man kaya mahalaga na tayo ay matuto at magkaroon ng kaalaman. Kaya ang SSLG Officers ay handang gumabay sa mga grade 7 at maging katuwang ng g**o sa pagtuturo sa kanila.
Ngayon pong 2nd grading ay uumpisahan na ang Reading Program for grade 7, tuwing Wednesday and Friday ang aming pagpapabasa.

At sa darating na November, wala pang tiyak na araw ay magkakaroon po tayo ng ground improvement, ang lahat ng estudyante ay mag ki-clean up drive.
Isa sa layunin ng paaralan ay turoan ang mag-aaral na maging isang mahusay na mamamayan kaya naman ang simpleng paglilinis at pagtatapon ng basura sa tamang basurahan ay laking tulong na sa ating kalikasan.
Kaya naman po ang bawat isa ay inaasahan na tumulong sa paglilinis hindi lamang sa araw ng clean up drive kundi sa araw araw na pag punta natin sa paaralan.
Naniniwala po ako na ang paaralan ang isa sa mga sumisimbolo sa atin bilang isang estudyante kaya mahalaga na mapanatili natin ang kaayosan nito dahil tayo din ang makikinabang.

Sumunod dito ay ang pag dating ng December. Plano po ng SSLG na magkaroon ng event kasabay ng Christmas Party. Ang pagganap ng Christmas Kantata at Mr. and Ms. Santa Claus.
Ang pagiging estudyante ay hindi madali, alam ko ang pressure na nararamdaman ninyo at alam ko din po na ang simpleng kasiyahan ay laking tulong sa atin para maramdaman ang tunay na halaga ng pagiging estudyante.
Kaya naman ang pagkakaroon ng Christmas Kantata at Mr. and Ms. Santa Claus ay mangyare sana, sa approval ng ating Principal.

Isa pang isasagawa ng SSLG Officers ay ang pagpapatuloy ng aming serbisyo sa inyo. Ang pangunguna sa mga tamang gawain, ang pagpapasunod sa inyong mga kapuwa ko estudyante at higit sa lahat ay ang pagpuksa sa maling gawain tulad na lamang ng gambling, cutting at smoking. Sa tulong ng mga magulang at g**o ay sisikapin namin na ang mga estudyanteng napupunta sa maling gawain ay mapigil, sa pamamagitan ng pagdedesiplina at tamang pag gabay sa atin.
At bilang namumuno, hangad ko na ang bawat isa sa atin ay mapabuti kaya naman sana ang mga maling gawain ng estudyante ay unti unti na nating bagohin.
May mas higit pang bagay na mas makakatulong sa atin para makapag libang at hindi ang paninigarilyo.
At kung sakali naman na kayo ay hindi mapigilan, ang eskwelahan ay hindi akma para sa inyong maling gawain. Ang SSLG o kahit na sino man ang makakita sa inyong maling gawain, ay may karapatang magsumbong sa inyong advisers.
Ang pagsusumbong na ito ay hindi para magpa sikat, kundi para matulongan kayo at magabayan ng tama. Ngunit sa huli, mas maganda pa din na ang bawat isa ay maging isang magandang ehemplo ng kabataan sa loob at labas ng paaralan.

Kalakip ng patuloy naming serbisyo ay ang Bambayanihan sa paaralan. Dito nakapasok ang kaayosan at kalinisan ng ating eskwelahan.
Sa pangunguna ng SSLG ay patuloy po naming sisikapin na maging isang magandang huwaran sa inyo.
Sa simpleng paglilinis araw araw ng ating mga area, ang pagwawalis ng loob at labas na room. Ang pagkakaroon ng tamang basurahan. Tatlong basurahan;
nabubulok, di-nabubulok at recyclable.
At lalot higit ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating Cr na tayo din naman ang nakikinabang.
Bakit nga ba mahalaga na panatilihin ang kalinisan ng ating paaralan ? Sapagkat tayo mismo ang nandito, responsibilidad natin na ayosin, kumilos at pansinin ang mga bagay na di kaaya aya tulad na lamang ng kalat ng basura sa loob ng eskwelahan dahil tayo din naman po mismo ang may dahilan nito.
Tulad na lamang ng narinig ko sa matatanda, na ang kalinisan daw ng ating bahay ay sumasalamin sa iyong pagkatao. At oo tama nga naman ito, dahil kung ikaw ay responsable at madesiplinang mamamayan, sa inyo pa lang tahanan ay ipinapakita mo na ito sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan.
At mga kapuwa ko estudyante, ang eskwelahan ang pangalawa natin tahanan kaya naman ipakita natin na ang Bambanians ay may pag mamahal sa ating paaralan. Panatilihin natin ang kaayosan at kalinisan nito.

Ang pagiging aktibong mag-aaral ay hindi lamang bumabase sa kung gaano kataas ang gradong iyong nakukuha, kundi sa tamang pakiki salamuha din nito sa kapuwa estudyante. Kaya naman, ang eskwelahan ay nagkakaroon ng activities hindi para mag-aliw lamang kundi para hubogin din ang estudyante sa tamang pakiki salamuha nito ng tama sa ating mga kapuwa estudyante at maging sa mga g**o.
Kaya naman, sa pagpasok ng February ay isang event pa uli ang hinahangad ng SSLG na sana ay maaprobahan ng ating minamahal na Principal. Ang Valentines Day, nakapaloob dito ang ibat ibang booth na manggagaling mismo sa ideya ninyo at ang King and Queen with the twist. Yes there's a twist na talagang makakapag paaliw sa atin.

Dumako naman po tayo sa pondo.
Ang pondo po na pumapasok sa SSLG ay nananatiling nasa tamang pangangalaga at ginagamit sa makabulohang bagay, sa pag alis ng SSLG Of SY 2023-2024 ay hinahangad namin na makapag iwan kami ng isang ala-ala na makikita ng mga estudyante lumipas man ang ilang taon.
At sa pamamagitan po ng pondo, sisikapin namin na maipagawa ang opisina ng SSLG ng sa ganun, mas maging inspirado ang susunod na henerasyon ng mag-aaral na mapangalagaan ang pakapag bigay ng serbisyo sa inyo mga kapuwa ko estudyante at sa ating paaralan

At sa patuloy na kaganapan sa eskwelahan, asahan po ninyo na ang serbisyo ng SSLG Officers ay mananatiling aktibo, pinapangakong gagawin pa din namin ang aming mga tungkolin.
Ngunit hindi ko po magagampanan ng ayos ang aking pamumuno ng walang tulong ninyo mga kapuwa ko estudyante.
Inaasahan ko na patuloy pa din po ang inyong suporta at pakikiisa sa akin bilang pangulo ng ating paaralan.

Magagampanan ko po ng ayos ang aking pamumuno kung ang mga taga sunod ay makikiisa. Hangad ko po ang ikakaganda para sa paaralan at aking kamag-aral. Kaya po sana ang inyong pakikiisa ay aking makuha hanggang sa matapos ang aking termino sa paaralan.

Maraming salamat po sa mga taong patuloy na naniniwala sa aking kakayahan, asahan ninyo na gagampanan ko pa din ng tama ang aking serbisyo at handang makinig sa inyong mga opinyon at hinaing.

At sa mga taong hindi naniniwala at ayaw sa aking pamumuno, patawad po. Sana ay makuha ko ang hinahangad ninyo, tanging gusto ko lamang ay ang makakabuti para sa ating lahat.
At tayo po ay nasa iisang eskwelahan, kaya sana manaig sa ating lahat ang pagkakaisa.

Muli, ako po si Erica Briones, ang pangulo ng SSLG Supreme Secondary Learner Government

"Being a leader is not about power, it is about leading people towards the right direction"

Maraming salamat at magandang hapon po.





-2024

Bambanians, congratulations for showing the true spirit of sportsmanship. Your hard work and perseverance have paid off....
15/10/2023

Bambanians, congratulations for showing the true spirit of sportsmanship. Your hard work and perseverance have paid off.

Kudos to your bravery in battling it out until the very last minute of the elimination up to the championship round

Ipagpatuloy nyo lang Ang inyong pagtatyaga, paniguradong sa mga susunod na panahon makukuha din natin Ang championship.





Address

Sitio Didiklim
Tagkawayan
4321

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Telephone

+639684944179

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Youth Formation - Bamban NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo - Youth Formation - Bamban NHS:

Shortcuts

Share

Category