11/09/2025
๐ฃTARA NA! ARAL NA!๐ฃ
Ngayong Setyembre 15, makikiisa ang QUARY-1 INTEGRATED SCHOOL sa pagsisimula ng bagong yugto para sa edukasyon - ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
โญ๏ธ Ano nga ba ang Aral Program?
Ito ay programang alinsunod sa
DepEd Order No. 018, s. 2025, na tugon ng Kagawaran ng Edukasyon upang mabigyang solusyon ang mga learning gaps na kinaharap ng mga mag-aaral sa nakalipas na mga taon. Layunin nitong pabilisin ang pagkatuto at tiyakin na makakamit ng bawat batang Pilipino ang mahahalagang kasanayan sa Pagbasa, Matematika, at Agham. Para sa School Year 2025-2026, uunahin muna ang Pagbasa. Sa mga susunod na taon, palalawakin pa ito upang maisama ang Matematika at Agham.
โญ๏ธ Sino ang kasali at ano ang aasahan rito?
* Mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10 sa public basic education na nahihirapan sa Reading, Math, at Science, depende sa grado. Sa ARAL, ang bawat bata ay magkakaroon ng dedicated na g**o na gagabay, mga learning kits at workbooks
โญAno ang Layunin nito?
Tulungan ang mga estudyanteng may learning gaps o nahuhuli sa mga inaasahang antas ng kaalaman lalo na sa pagbasa, matematika, at agham.
Bigyan sila ng libre at naaangkop na tutoring o remedial na aralin para makahabol sila sa kanilang mga kaklase.