02/08/2026
π Buwan ng Wika 2026 | Taloto National High School β SSLG
Ang Buwan ng Wika ay pagdiriwang ng ating wikang pambansa, mayamang kultura, at makulay na kasaysayan bilang mga Pilipino. Ito ay paalala na ang ating wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap, kundi salamin ng ating pagkakakilanlan, pagmamahal sa bayan, at pagkakaisa bilang isang lahi.
Tunay ngang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Bilang mga kabataan, tayo ang inaasahang magpapatuloy sa pagpapayabong ng ating wikang Filipino at pagpapahalaga sa ating kultura. Sa bawat salitang ating binibigkas at sa bawat mabuting gawa na ating isinasabuhay, pinatutunayan nating buhay ang diwa ng pagiging makabayan.
Sa pagdiriwang na ito, hinihikayat ng Taloto Nhs Supreme Secondary Learners Government - SSLG ang bawat mag-aaral na ipagmalaki ang ating sariling wika, igalang ang ating kultura, at maging huwaran ng pagkakaisa, paggalang, at pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.
Taos-pusong pagbabahagi mula sa TALOTO NATIONAL HIGH SCHOOL - SSLG
βοΈ Romnick John B. Yecyec ( SSLG PRESIDENT )
πΌοΈ