31/03/2023
Mga kaibigan, maaaring nakita ninyo na maraming tao ang nagpapatotoo sa online na ang Panginoong Jesus ay bumalik na sa pagkakatawang-tao at na Siya ay nagpahayag ng milyun-milyong salita at nagsagawa ng gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Pagkarinig sa balitang ito, marahil ay nalilito kayo: Paano ko makikilala ang nagkatawang-taong Diyos upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ang sermon ngayon ay may sagot. Huwag palampasin ito.
Narito, nais kong ibahagi sa inyo ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sana, magustuhan niyo. Sabi ng Diyos, โSiya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa.โ