ISKONEK | Kwento ng Pagsisikap, Tagumpay, at Pangarap
Sa bawat hamon na nalampasan, may kwento ng tiyaga.
Sa bawat tagumpay na naabot, may pusong nagsikap.
At sa bawat pangarap na binubuo, may pag- handang lumipad.
Ang nagdaang taon ay patunay ng dedikasyon ng mga g**o at mag-aaral—mga tagumpay na bunga ng sipag, pagtutulungan, at walang sawang paniniwala sa kakayahan ng bawat isa.
Ngayon, sama-sama nating harapin ang panibagong taong panuruan nang may inspirasyon, determinasyon, at mas matibay na pangarap para sa kinabukasan.
DepEd Tayo Francisco P. Tolentino IHS
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Francisco P. Tolentino IHS, High School, Lagusan Drive, Tolentino West, Tagaytay City.
12/05/2026
12/05/2026
Kasama ninyo ang buong paaralan sa pagdiriwang ng bagong tagumpay sa inyong karera!
Congratulations Gurong Isko!
Magandang Araw ISKOmunity!
Tuloy ang paghahanda ng paaralan para sa school year 2026-2027. Kaya naman malugod namin kayong inaanyayahan na Mag-enrol sa darating na May 18 hanggang June 5.
May 18 to 26 Incoming Grade 7 Grade 11
May 27 to June 5 Other grade levels and transferees
Magtungo lamang sa paaralan kasama ang parents o guardian at dalhin ang SF9 o School Report Card ng nakaraang grade level.
Para sa mga incoming grade 7 at transferees, hindi na kailangang magdala pa ng PSA Birth Certificate dahil ipadadala na ito ng huling paaralan na inyong pinasukan kasama ng inyong SF10 o permanent record.
TANDAAN DIN NA ZERO COLLECTION o walang bayad ang pagpapatala sa ating paaralan.
Kaya naman, MAGING BAHAGI NG PAARALANG HINDI LAMANG UMAANI NG PARANGAL AT PAGKILALA SA IBA’T IBANG LARANGAN, KUNDI HIGIT SA LAHAT KUMAKALINGA AT NAGMAMALASAKIT SA BAWAT BATANG NANGANGARAP.
Tandaan, sa tahanan ng Batang Isko, IKAW ANG BIDA
08/05/2026
ISKOmmunity
Narito ang updated enrollment schedule ng ating paaralan.
Mangyari lamang na sundin natin ito para sa mas maayos na daloy at proseso.
MAHALAGANG PAALALA:
Kasama po ang bata sa pag-eenrol maging ang kanilang magulang o guardian na maaaring pumirma sa mga dokumento.
04/05/2026
Bumisita po sa paaralan sa petsang nakatala sa ibaba para sa Enrollment period.
23/04/2026
Sa kategoryang DOKYUWENTO, itinanghal na CHAMPION ang ating kinatawan sa National Festival of Talents 2026. 🏆
Lubos na pagbati kay James Christian Sale, na nagpakita ng natatanging husay at lalim sa sining ng dokumentaryong paglikha—isang karangalang nagbigay dangal sa buong CALABARZON.
Bukod dito, ginawaran din ang grupo ng Jury Special Award: Best in Story Concept, patunay ng kanilang malikhaing pag-iisip at makabuluhang mensahe.
Kinilala rin ang mahalagang papel ng kanyang coach mula sa SDO Cavite Province, Ma’am Cherrylyn O. Bruce, sa patnubay ni Ma’am May A. Mangubat, at sa pamumuno ng Punongg**o III na si Sir Greg L. Sangalang, na naging susi sa matagumpay na paghubog ng kakayahan ni James.
Kaisa rin sa tagumpay na ito ang kanyang mga ka-team mula sa SDO Batangas Province at SDO Cabuyao City, na sama-samang nagpakita ng husay ng Batang CALABARZON sa pambansang entablado.
Samantala, patuloy ring umaani ng karangalan ang CineMunti ng CALABARZON, kung saan nakamit ang:
🏆 Best Cinematography
🏆 Best Directing Technique
Taos-pusong pagbati rin kay Ma’am Reacil D. Mallari, isa sa mga Official Coaches ng CineMunti, sa kanyang mahalagang ambag sa tagumpay na ito.
Ang mga tagumpay na ito ay hindi maisasakatuparan kung wala ang suporta at pagtitiwala ng maraming indibidwal at institusyon. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at naniwala sa kakayahan ng ating mga mag-aaral.
Higit sa lahat, sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat.
CALLING ALL RETURNING OFWs IN CAVITE PROVINCE!
The Department of Education CAVITE PROVINCE and the Department of Migrant Workers (DMW) invite you to the Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network Regional Fair!
When: April 14-16, 2026 | 8:30AM - 5:00PM
Where: SDO Cavite Province Lobby, Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite
We’re here to assist you in:
🔹 Career Placement
🔹 Education & Accreditation
🔹 Financial Subsidies & Aid
🔹 Scholarship & Licensure Support
Spread the word to your fellow OFWs!
Walang Maiiwan na Balikbayan!
See you there!
08/04/2026
Isang mainit na pasasalamat po sa City Government of Tagaytay sa pangunguna ni Kgg. Konsehal Michael Tolentino, sa pagkilala at pagbibigay-pugay sa husay, sipag, at dedikasyon ng aming mga atletang mag-aaral. 🏅
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang sumasalamin sa kanilang tagumpay kundi pati na rin sa inyong walang sawang suporta sa mga batang atleta. Maraming salamat po!
Pagbati, Batang Isko! 🏆👏🏻
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Lagusan Drive, Tolentino West
Tagaytay City
4120