27/07/2021
ika-26 ng Hulyo, 2021
Sa mga minamahal naming magulang at mag-aaral:
Nais pong ipabatid ng pamunuan ng Tagaytay City National High School - Integrated Senior High School (TCNHS-ISHS), matatagpuan sa Mayor's Drive, Mendez Crossing East, Tagaytay City, na ang kumakalat na balita na hindi na mag-oofer ng Senior High School ang TCNHS ay WALANG KATOTOHANAN at "FAKE NEWS" lamang. Nais po naming linawin na nagpapatuloy ang SHS sa TCNHS at nagkaroon pa nga ito ng karagdagang strand, ang STEM, para sa mga mag-aaral na nagbabalak kumuha ng mga kurso sa Science and Technology, Engineering and Mathematics sa kolehiyo.
Ito po ang kasalukuyang mga strands na inio-offer ng TCNHS-ISHS para sa SHS:
1. Humanities and Social Sciences (HUMSS)
2. Accountancy and Business Management (ABM)
3. Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)
4. Technology and Vocational Livelihood Education (TVL) with specializations in ICT and Home Economics
Sa kasalukuyan, ang atin pong paaralan ay patuloy na tatanggap ng enrollment sa Grade 11 at transferrees mula sa ibang paaralan. Hinihintay lamang po natin ang DepEd Memorandum para sa pagsasagawa ng enrollment. Ang lahat po ng announcements ay amin pong ipo-post dito sa ating Guidance Center Page, maging sa TCNHS DepEd Tayo
Sa pamumuno ng ating butihing Punong G**o, DR. FLORENCIO C. COSTA, kaagay ang buong Teaching Force ng SHS na pinangungunahan ni MS. EMELYN C. LUCIANO, ang ating paaralan ay patuloy na maglilingkod para sa Batang TCNians, para sa Batang Kabitenyo!
Marami pong salamat!
ANG PAMUNUAN NG TCNHS-ISHS