Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS

Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika (TANGLAW) - Tagaytay City Science National High School -ISHS

๐ŸคŽ
13/07/2026

๐ŸคŽ

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

Maligayang araw sa lahat ng mabubuti at mapagmahal na ilaw ng tahanan!
10/05/2026

Maligayang araw sa lahat ng mabubuti at mapagmahal na ilaw ng tahanan!

Happy โ€™sDay! ๐ŸŒท

Ngayong araw, taos-pusong pagpupugay at pasasalamat ang ipinaaabot ng buong Department of Education sa lahat ng mga ilaw ng tahanan, sa mga nanay at sa lahat ng tumatayong ina na walang sawang nagsasakripisyo, nag-aaruga, at nagbibigay inspirasyon para sa kinabukasan ng bawat bata.

Kayo ang unang g**o ng pagmamahal, kabutihan, at pangarap. Sa inyong bawat yakap, payo, at sakripisyo, hinuhubog ninyo ang mas malakas at mas mabuting mga kabataan. โค๏ธ

Gawing makahulugan ang bawat sandali sa pamamagitan ng munting regalong mula sa pagmamahal! Bisitahin ang Booth ng TANGL...
12/02/2026

Gawing makahulugan ang bawat sandali sa pamamagitan ng munting regalong mula sa pagmamahal!

Bisitahin ang Booth ng TANGLAW at pumili mula sa aming Mystery Box na puno ng surpresa, Flower Balloon na siguradong magpapangiti, sariwang mga bulaklak na simbolo ng wagas na pag-ibig, at matatamis na tsokolateng magpapadama ng lambing sa bawat kagat.

Tamang-tama ito para sa iyong minamahal, kaibigan, pamilya, g**o, o kahit para sa iyong sarili. Sapagkat sabi nga, โ€œAng pag-ibig ay hindi nasusukat sa laki ng regalo, kundi sa lalim ng damdaming ibinibigay.โ€ ๐Ÿ’˜

Matatagpuan ang aming booth sa bungad lamang ng pathway, katabi ng guard houseโ€” madali lang hanapin, di'ba? Kaya, halina at iparamdam ang pag-ibig ngayong Araw ng mga Puso! ๐ŸŒน๐Ÿซ

โ€œAng tunay na pag-ibig ay tulad ng malinaw na tubig na dalisay, tapat, at nananatiling matatag sa kabila ng anumang pags...
11/02/2026

โ€œAng tunay na pag-ibig ay tulad ng malinaw na tubig na dalisay, tapat, at nananatiling matatag sa kabila ng anumang pagsubok.โ€

Ngayong araw, tunghayan natin ang maikling kuwento na โ€œSuyuan sa Tubiganโ€ ni Macario Pineda, isang salaysay ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahang Sela at Fidel.

Saksi ang tahimik na pook sa kanilang mga pangarap at pangako, na sa kabila ng mga hamon sa pagkakaiba ng antas sa lipunan, ay nanaig pa rin ang tunay na pag-ibig na hindi nasusukat sa yaman, kundi sa katapatan at tibay ng damdamin.

Ikaw, naniniwala ka bang kayang lampasan ng tunay na pagmamahal ang anumang pagsubok? Halika! Ibahagi ang iyong pananaw sa comment section.

๐Ÿ” Zakura Sebastian
โœ๐Ÿป Sheera Nobleza
๐Ÿ’ป Louise Janel Pangilinan

Bagong araw, bagong salita ang matututuhan! ๐ŸคŽAlam mo ba kung ano ang alimuom? Ito ay ang amoy na nalalanghap natin kapag...
09/02/2026

Bagong araw, bagong salita ang matututuhan! ๐ŸคŽ

Alam mo ba kung ano ang alimuom? Ito ay ang amoy na nalalanghap natin kapag umuulan matapos ang matinding init ng araw. Galing ito sa magkahalong langis ng mga halaman, bakterya sa lupa, at ulan.

Kaya sa susunod na umulan, subukan mong huminto sandali at namnamin ang amoy ng paligidโ€”baka alimuom na pala ang naaamoy mo.

๐Ÿ” Althea Manalo
โœ๏ธ Andrea Bendo
๐Ÿ’ปCangmaong, Bon, Yabut at Bay

Bawat araw, may bago tayong matututuhan! ๐ŸคŽAng Pilipinas ay binubuo ng eksaktong 7,641 na isla na nahahati sa Luzon, Visa...
26/01/2026

Bawat araw, may bago tayong matututuhan! ๐ŸคŽ

Ang Pilipinas ay binubuo ng eksaktong 7,641 na isla na nahahati sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang bawat pangkat ng kapuluan ay may sariling kultura, wika, at kasaysayan na nagpapakita ng yaman at pagkakaiba-iba ng ating bansa.

Sa likod ng dami ng mga isla, mas lalong tumitingkad ang pagkakakilanlang Pilipino na dapat nating ipagmalaki.

Kaya, halina! Sama-sama nating tuklasin at pahalagahan ang ating pagkakakilanlang Pilipino! ๐ŸŒŠ

Sanggunian: https://www.facebook.com/share/p/1AYMDEfTw2/

๐Ÿ” Andrea Bendo
โœ๏ธ Andrea Bendo
๐Ÿ’ปCangmaong, Bon, Yabut at Bay

Panibagong linggo, panibagong Bugtong!โ  Alam mo ba? Ang Bugtong ay hindi lamang isang libangan. Bahagi rin ito ng ating ...
23/01/2026

Panibagong linggo, panibagong Bugtong!
โ 
Alam mo ba? Ang Bugtong ay hindi lamang isang libangan. Bahagi rin ito ng ating mayamang panitikan kung saan ito ay nilikha upang patalasin ang ating isipan.

Kaya naman, tara! Makisagot, makisaya at matutong muli mula sa BugTanong! โœจ
โ 
Ang iyong hula, sa komento ay ating pag-usapan. At kung ikaw naman ay tama, tiyak na ito ay aming pupusuan!

๐Ÿ”Ž: Alyrah Bisuyan
โœ๐Ÿป: Yuri Tibayan
๐Ÿ’ป: Zachary Tan, Eloiza Dumugon, Harley Marasigan, Alyrah Bisuyan

โ€œAng tunay na pamana ay hindi nasusukat sa halaga, kundi sa aral na naiiwan.โ€Ngayong araw, tunghayan natin ang isang kuw...
21/01/2026

โ€œAng tunay na pamana ay hindi nasusukat sa halaga, kundi sa aral na naiiwan.โ€

Ngayong araw, tunghayan natin ang isang kuwento mula sa panulat ni Lamberto Gabriel, na nagpapakitang ang yaman ay hindi lamang nasusukat sa pera at ari-arian.

Dito, isang amang magsasaka ang nag-iwan sa kanyang mga anak ng lupa at mga kasangkapan sa bukid. Sa una, inakala nilang walang halaga nag mga ito. Ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto nilang ang tunay na nais ipagkaloob ng ama ay ang sipag, tiyaga, at dangal ng marangal na paggawa.

๐ŸŒพ Ikaw, ano ang itinuturing mong pinakamahalagang pamana? Halina! Ibahagi ang iyong pananaw sa comment section.

๐Ÿ” Althea Fyfe Gonzales
โœ๐Ÿป Zakura Sebastian
๐Ÿ’ป Sunnie Cabrillos at Reynaldo Graviles

Bawat araw, may bago tayong matututuhan! ๐ŸคŽNoong 1593, naganap ang kauna-unahang paglimbag ng aklat sa Pilipinas, ang Doc...
19/01/2026

Bawat araw, may bago tayong matututuhan! ๐ŸคŽ

Noong 1593, naganap ang kauna-unahang paglimbag ng aklat sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana. Nakasulat ito sa wikang Espanyol at Tagalog, at naglalaman ng mga pangunahing aral ng Kristiyanismo.

Higit pa sa pagiging isang aklat, malaki ang naging impluwensya nito sa ating mga pagpapahalaga at kultura.

Kaya, halina! Patuloy na kilalanin ang mga pundasyon ng ating pagkakakilanlan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“š

Sanggunian: https://www.facebook.com/nationallibraryofthephilippines

๐Ÿ” Andrea Bendo
โœ๏ธ Andrea Bendo
๐Ÿ’ปCangmaong, Bon, Yabut at Bay

Bagong bugtong ng TANGLAW ay pag-isipan. Halina, basahin at inyong hulaan! ๐Ÿง ๐Ÿ“–Sagot ay sa comment section natin pag-usapa...
17/01/2026

Bagong bugtong ng TANGLAW ay pag-isipan. Halina, basahin at inyong hulaan! ๐Ÿง ๐Ÿ“–

Sagot ay sa comment section natin pag-usapan. Sabay natin muling tuklasin ang wikang Filipino na hitik sa kaalaman! โœจ

๐Ÿ”Ž: Alyrah Bisuyan
โœ๐Ÿป: Yuri Tibayan
๐Ÿ’ป: Harley Rose Marasigan, Eloiza Dumugon, Zachary Tan, Alyrah Bisuyan

Address

Sungay West
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category