Alternative Learning System Tagana-an District

Alternative Learning System Tagana-an District Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alternative Learning System Tagana-an District, School, Tagana-an.

17/03/2026
Sa ALS, every day is enrolment day! 🫶Message us ☺️
17/03/2026

Sa ALS, every day is enrolment day! 🫶

Message us ☺️

31/01/2026

📢 MAG-ENROLL NA! EARLY REGISTRATION PARA SA ALS AY BUKAS NA! 📚

Magandang araw sa lahat ng mga nais magpatuloy ng kanilang pag-aaral!

Bukas na ang EARLY REGISTRATION para sa Alternative Learning System (ALS) sa ating lungsod!

Para sa mga nais kumuha ng BLP, Elementary, at Junior High School certificate sa pamamagitan ng ALS, magtungo lamang sa pinakamalapit na Community Learning Center (CLC) sa inyong lugar dito sa Tagana-an.

ANO ANG DAPAT DALHIN?
- 2 pirasong 1x1 ID picture
- Photocopy ng PSA Birth Certificate
- Kung may nakaraang grade/s, magdala ng Form 137 o katibayan

HINDI KA BIBIGUIN NG ALS!
Ito ang iyong pagkakataon upang:
- Makabalik sa pag-aaral
- Makakuha ng kinikilalang diploma
- Maghanda para sa kolehiyo o mas magandang trabaho
- Matuto sa isang flexible at suportadong kapaligiran

MAG-ENROLL NA AT ITULOY ANG IYONG PANGARAP!

📍 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtanong sa inyong barangay hall o direktang pumunta sa pinakamalapit na CLC.


-an



31/01/2026

: Malaking tulong para kay Rey Soriano ang certificate na natanggap niya sa ALS upang makapag-apply ng trabaho. Importante ito kay Rey dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Si Rey ay isang ALS JHS completer mula sa SDO Romblon.

Galing, kaalaman, at kakayahan para sa mas mataas na antas ng edukasyon, skills training, o trabaho ay makakamit ng out-of-school youth and adults (OSYA) sa kumpletong basic education sa pamamagitan ng ALS.


26/04/2024

Ang isang ALS Teacher ay hindi po madali, dapat may passion ka para mas lalo mong ma-embrace ang work na ito. Mahirap silang maghanap ng learners, pupuntahan pa nila sa mga bahay2x at minsan gagamitin pa ang super power niya para lang may mag - enrol sa ALS , hindi tulad sa formal school ang mga estudyante ay kusang nagpapa-enrol. Walang ibang layunin ang teacher na ito kundi ang tumulong para mabago ang mga buhay ng mga OSY at upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Minsan ginagamit ang kanyang personal na pera para lang matulungan ang mga learners na ito lalo na iyong mga walang - wala o mahihirap. Pinapakain sila every learning sessions pag medyo maluwag- luwag si teacher (Free Snacks & Lunch pa ) para lang di sila umuwi ng bahay nila at makumpleto ang learning session sa buong araw.

Si ALS Teacher din ay ALIS ng ALIS, tama nga naman kasi walang eksaktong oras ng pagtuturo, tanghaling tapat nasa daan pa siya kahit gabi kung yon ang libreng oras ng mga learners. Pagpunta nila ng Brgy. Hall o CLC maghihintay pa sila ng isa o dalawang oras o susunduin pa sila sa mismong bahay nila para lang pumasok . Kung di man sila makapasok, hahatiran sila ng mga modules/ reviewers para lng maipagpatuloy nila ang kanilang pag - aaral at makapasa sa exam. Sobrang sakripisyo at hirap ang ang ginagawa ng ALS teacher na ito na kung minsan di nakikita ng mga iba sabi nila buti pa kayo " WALANG GINAGAWA" napapangiti na lang si teacher kasi ayaw na niyang makipagtalo. Naghahanap din sila ng stakeholders para lang matugunan ang mga iba pang pangangailan ng kanilang learners tulad ng pamasahe, school supplies at pagkain kasi hindi lahat ay may kaya at hindi din kaya ni teacher na ilibre din silang lahat. Kaya minsan makapal na ang mga mukha ni ALS Teacher na ito sa mga tao, pero ginagawa niya ito hindi dahil sa kanilang personal na interest kundi dahil may puso silang tumulong sa mga mahihirap nilang learners. Buti na lang may mga nagbabahagi ng mga blessings nila sa ALS, pagpalain po kayo ng Panginoon.
Lahat ng hirap at sakripisyo nila ay nababayaran kapag dumating ang resulta ng A & E Test at may mga nakapasa. Grabeh ang saya, tuwa at kagalakan ang nadarama ni ALS Teacher - napapalundag pa at minsan ay napapaiyak lalo na pag dumating na ang pinakahihintay nilang moment ang kanilang
"Graduation Day ".
Salamat na lang may ALS!
Salamat na lang may ALS Teacher!
Paano na kaya kapag wala ka, paano na ang mga OSY? Paano maiaangat ang literacy sa ating bansa?
ALS Teachers saludo ako sa iyo! ALS teacher mabuhay ka!




EVERYDAY IS ENROLLMENT DAY SA ALS TAGANA-AN ❤️OPO SA ALS TAGANA-AN PO. KUNG HINDI KA TAGA TAGANA-AN, WAG MAG-ALALA DAHIL...
26/08/2023

EVERYDAY IS ENROLLMENT DAY SA ALS TAGANA-AN ❤️

OPO SA ALS TAGANA-AN PO. KUNG HINDI KA TAGA TAGANA-AN, WAG MAG-ALALA DAHIL TIYAK KUNG SAAN KA MAN NAROON AY MAY ALS! MAGPUNTA AT MAGTANONG KA LAMANG SA MGA BARANGAY O PAARALAN SA INYONG LUGAR KUNG SAAN MAY ALS PROGRAM ☺️

Ano pang hinihintay mo? ENROL NA SA ALS TAGANA-AN ❤️

ALS Frequently Asked Questions:

1. Ilang taon po ang pwedeng pumasok sa ALS?
-12 years old pataas para sa ELEMENTARY
-16years old pataas para sa JUNIOR HIGH SCHOOL

2. Sa DepEd din po ba ang ALS?
-Opo. Kami po ay under ng Department of Education.

3. Anu- ano po ang mga requirements kapag mag-eenroll sa ALS?
-Photocopy ng PSA Birth certificate para sa mga ELEMENTARY at JUNIOR HIGH SCHOOL (JHS)
- Diploma/Form 137 / Latest report card naman ang ADDITIONAL REQUIREMENT para sa JHS.

4. May bayad po ba ang pagpasok sa ALS?
-Wala po. LIBRE po ang pagpasok sa ALS. Sipag at tyaga lang ang puhunan samahan mo na din ng paglaan ng oras 😉

5. Saan ang klase sa ALS?
-Kami po ay nagkaklase sa bawat Learning Center ng bawat Barangay o paaralang malapit sa inyong lugar.

6. Pwede po ba dyan ang nagtatrabaho, buntis, may anak, at matanda?
-Lahat po ay pwedeng pumasok sa ALS basta pasok ka sa AGE REQUIREMENT sa iyong level na papasukan. Gagawan natin ng paraan makapagtapos ka lang. ☺️

7. May pasok po ba kapag Weekends (Sabado at Linggo)?
-Depende po sa schedule mo at sa schedule ng ALS teacher kami ng mga ALS teacher ang mag-a-adjust para sayo makapasok ka lang! Pero sa ngayon, wala pa pong SUNDAY na schedule.

8. Saan pwedeng mag-enroll?
- Maari pong magmessage sa aming messenger account
- Magpunta sa ALS Center na matatagpuan sa Tagana-an Central Elem. School
- Magtungo sa pinakamalapit na paaralan sa iyong tinitirhan.

9. Gaano katagal ang pag-aaral sa ALS?
- DEPENDE po. Kadalasan ay 10 buwan o higit pa.

Para sa mga interesadong mag-aral muli at sa may iba pang mga katanungan, wag mahihiyang mag-PM. ☺️

Nagmamalasakit,

Ang iyong ALS Teachers ❤

14/11/2022

Flexible ang oras at paraan ng pag-aaral sa ALS kaya nababalanse ni Lola Rose ang kanyang mga tungkulin bilang ina at lola sa kanyang mga apo.

Dahil sa ALS, ang schedule ng klase ay base sa pangangailangan ng ALS learner upang magkaroon ng pagkakataon na balansehin ang pag-aaral at iba pang responsibilidad.

Direktang makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap mo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/




27/09/2022

ALS Passer ❤️

Top 8 - Nursing Licensure Examination

Top 1 - Licensure Examination for Teachers

24/09/2022

❤️❤️❤️

14/09/2022

"ALS Lang"
Ito ang madalas nilang sinasabi...

Ang ALS po ay isang programa na kaakibat ng pormal na edukasyon upang matugunan ang serbisyong pang edukasyon ng wala sa loob ng paaralan. Konti lang ang workforce ngunit kaakibat nito ang isang napakalaking responsibilidad na hikayatin ang mga ayaw ng mag-aral upang bigyan ng pangalawang pagkakataon na abutin ang kanilang pangarap.

Hindi po madali ang pagkukumbinsi...Hindi po madali ang pumunta sa isang barangay na di mo alam kung ano ang dadatnan... hindi po madali na makipag-usap sa mga barangay officials upang suportahan ang programa...hindi po madali na maghanap ng mga potential learners sa gitna ng init at ulan...hindi po madali na denededma o tinatawanan habang dumadaan... hindi po madali na umakyat ng bundok o sumakay ng bangka na galing sa iyong bulsa ang pamasahe... kaya hindi po "ALS Lang" .

Merong pagkakataon na nagkakasabay-sabay na tinuturuan ang elementarya at Junior High School sa isang Learning Center, sabayan mo pa ng Basic Literacy Learner ( sila ung mga children, youth o adult na hindi pa gaanong marunong magbilang, magbasa at magsulat). Minsan wala pang magamit na Learning Center sa barangay kasi kasabay nyang gumagamit ang ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang ALS ay marami ng binagong buhay ... marami ng tagumpay... ito ang dapat pakatandaan ❤️




Address

Tagana-an

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alternative Learning System Tagana-an District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category