19/09/2025
๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป!
Tuwing tag-ulan, mas mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng sipon, ubo, at iba pang mga sakit. Kaya mahalaga ang malakas na ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐ด๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ o resistensya.
Ang ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐ด๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ ay depensa ng katawan laban sa mga mikrobyo kagaya ng ๐ฃ๐ข๐ค๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข at ๐ท๐ช๐ณ๐ถ๐ด na nagdudulot ng sakit. Partikular na dapat bigyang-pansin ang mga bata, buntis, at matatanda dahil sila ang mas madaling kapitan ng sakit.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐ด๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ, mas mabilis na malalabanan ang anumang uri ng sakit o impeksyon, at mas protektado ang kalusugan.
Narito ang ilang hakbang upang mapanatiling malakas ang ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐ด๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ upang maging protektado sa sakit:
๐๐๐บ๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ด๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฟ๐๐๐ฎ๐. Sagana ang mga gulay at prutas sa ibaโt ibang ๐ฏ๐ถ๐ต๐ณ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด, ๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ฐ๐น๐ช๐ฅ๐ข๐ฏ๐ต๐ด, at ๐ฃ๐ช๐ฐ๐ข๐ค๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ด na makakatulong upang labanan ang mga impeksyon at palakasin ang resistensya. Maliban dito, mabuti ring i-pares ito sa karne, isda, at kanin upang masigurong balanse ang kinakain.
๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฉ๐๐. Ang pag-inom ng walo (8) o higit pang baso ng tubig bawat araw ay makakatulong upang palakasin ang resistensya ng katawan. Siguraduhin ding malinis ang iniinom na tubig. Kung walang ligtas na pagkukunan, pakuluan muna ito ng maigi ng isa hanggang dalawang minuto at palamigin bago inumin. Kapag nasa mataas na lugar, kinakailangan ng mas mahabang oras ng pagpapakulo upang masigurong ligtas ang tubig. Para sa mga may sakit sa bato (๐ฌ๐ช๐ฅ๐ฏ๐ฆ๐บ๐ด) at iba pang sakit na kailangang bawasan ang dami ng tubig na iniinom, mabuting itanong muna sa doktor ang tamang dami.
๐ ๐ฎ๐ด-๐ฒ๐ต๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ. Maglaan ng kahit 30 minuto bawat araw, limang beses sa isang linggo, upang manatiling malakas at masigla ang katawan. Sa mga may karamdaman, kagaya ng may sakit sa puso, mataas ang presyon o ๐ฉ๐ช๐จ๐ฉ-๐ฃ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฅ, baga, asma, may pisikal na kapansanan, at iba pang sakit na kailangan bantayan ang pisikal na gawain, sumangguni muna sa inyong doktor.
๐ ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป. Ugaliing maghugas ng kamay at mga kagamitan sa kusina bago, habang, at pagkatapos maghanda ng pagkain. Maghugas ding mabuti ng mga kamay pagkatapos gumamit ng palikuran o ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ง๐ฐ๐ณ๐ต ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฎ. Tuwing lalabas, iwasan ang paglusong sa baha na maaaring magdulot ng mga sakit sa balat at ๐ญ๐ฆ๐ฑ๐ต๐ฐ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ฐ๐ด๐ช๐ด. Kung hindi maiiwasan ang lumusong sa baha, magsuot ng bota (๐ณ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ต๐ด) o balutan ng makapal na plastik ang mga paa. Huwag na huwag magyayapak o maligo sa baha upang maiwasan ang pagkasugat, impeksyon, o injury, lalo na kung may mga sugat o may alipunga na.
Huwag kalimutan ang pagiging handa sa panahon ng bagyo o baha. Mag-imbak ng mga masustansya at ๐ด๐ฉ๐ฆ๐ญ๐ง-๐ด๐ต๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ o nagtatagal na pagkain kagaya ng bigas, munggo, at gatas na pulbos (๐ฑ๐ฐ๐ธ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ฎ๐ช๐ญ๐ฌ) at malinis na inumin upang masiguro ang tamang nutrisyon at kaligtasan ng pamilya anumang panahon.
Tandaan: Ang simpleng pag-aalaga sa ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐ด๐บ๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ ngayon ay proteksyon para sa hinaharap. Panatilihing ligtas at malusog ang sarili at pamilya ngayong tag-ulan!