12/12/2022
Poster Making Competition, ginanap para sa National Environmental Awareness Month
Ginanap sa TSAT ang Poster Competition para sa pakikiisa sa National Environmental Awareness Month noong nakaraang December 2, 2022.
Binuksan ito sa temang "Ang Nag-iisang Mundo."
Dinaluhan ito ng mga nasa ika-pito hangang ika-12 na baitang na may dalawa hangang tatlo sa isang grupo mula sa mag kakaibang section. Ang paligsahan ay tumagal ng isang (1) oras at singkwenta (50) minutos
Kaninang umaga, (December 12, 2022) ay iginawad ang parangal para sa mga nanalo, ibinigay ang kanilang mga certificates at school supplies bilang premyo. Ist place ang poster number 9 na ginawa nina Lheana Hora at Khaira Dangsian. Second place naman ang poster number 5 nina Queenie Jen Julian, Janabelle Timay at Noshika Cabay at poster number 6 nina Sharmelle Molay Gaya at Rex Dylan Maguen. Pangatlo naman ang poster number 1 nina Creon Mapano, at Jay Liquino, poster number 7 ni John Loyd Gusingan at poster number 13 nina Kenneth Cole Gawigawen at Jessa Mae Fagyan. Samantala, ang iba namang dumalo kahit wala sa top 3 ay nabigyan din ng parangal at premyo para sa pakikisali sa nabanggit na pagdiriwang.
" Nakakagandang gawain at mainam ang poster making para sa paglalahad ng ating kaalaman sa mga bagay-bagay tungkol sa daigdig na ating tinitirhan. Naniniwala akong sa pamamagitan ng makulay na aktibidad na ito ay matututo tayong gawin ang nararapat para mapangalagaan ang kalikasan," isang napakagandang pagtanaw sa aktibidad ayon kay Khairah Dangsian-isa sa mga nanalo sa contest.
📝Kaiser Siplat
📸Anjoe Agalpao