21/12/2025
"SA KABILA, AKO"
"“Be yourself; everyone else is already taken.” – Oscar Wilde
Mula sa Ikatlong Grupo ng Baitang 10 – Scorpio ng VMCACFI, bilang bahagi ng kanilang Performance Task sa Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao (S.Y. 2025–2026), inihahandog ang isang maikling pelikula na sumasalamin sa pakikibaka ng kabataan sa pagitan ng inaasahan at sariling pagkatao.
Sa mundong may malinaw na hangganan ngunit malabo ang pag-unawa, natututo ang isang kabataan na mabuhay sa pagitan ng katahimikan at katotohanan. Sa pagtahak sa isang kakaibang espasyo, lumilitaw ang tanong: alin ang mas nakakatakot? ang mawalan o ang magpakatotoo?
Sa Kabila, Ako—isang paalala na ang tunay na identidad ay hindi sinusunod, kundi kinikilala at tinatanggap.
(Ang pelikulang ito ay para sa layuning pang-edukasyon lamang.)