26/08/2021
Magandang Balita!❗Libreng Scholarship mga Ka-TESDA❗
Ang SCMCSTI ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-27 Anibersaryo ng TESDA.Isa sa mga programang inihanda na gaganapin bukas ay ang "National TVET Enrollment Day" na kung saan bukas ang SCMCSTI para sa Face to Face Enrollment para makapag-avail ng libreng scholarship.
Mangyaring pumunta lamang sa SCMCSTI bukas, Agosto 27,2021 simula 8:00 ng umaga. Huwag kalimutang magsuot ng face mask,face shield at panatilihin ang pisikal na distansya.Magdala rin po ng sariling ballpen.
Ang mga sumusunod na TESDA qualifications ang pwedeng pagpilian sa pag enrol:
1.Agricultural Crop Production NCII
2.Bread and Pastry Production NCII
3.Computer Systems Servicing NCII
4.Cookery NCII
5.Driving NCII
6.Electrical Installation and Maintenance NCII
7.Electrical Installation and Maintenance NCIII
8.Food and Beverage Services NCII
9.Food Processing NCII
10.HEO Hydraulic Excavator NCII
11. HEO Wheel Loader NCII
12. Organic Agriculture Production NCII
13.Pest Management NCII
14.Production of High Quality In**ed Rice and Seeds and Farm Mechanization
15.PV Systems Installation NCII
16. Rice Machinery Operations NCII
17.Tile Setting NCII
Ito po ay isang araw na programa lamang, tomorrow lang po ito.Kailangan po ang personal na aplikasyon sa pag enrol.
Ang SCMCSTI ay matatagpuan sa Purok Rosal,New Isabela,Tacurong City,Sultan Kudarat.
KitaKits bukas mga Ka-TESDA❗