Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie

Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَيۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ
32.

Pagkaraan, Aming pinamanahan ng Aklat [Qur’an] yaong Aming mga pinili mula sa Aming mga alipin.

🎓✨ CONGRATULATIONS, USTADZ IBRAHIM PANINDE! ✨🎓Buong puso naming binabati ang aming minamahal na Mudeer ng aming Madrasah...
15/08/2026

🎓✨ CONGRATULATIONS, USTADZ IBRAHIM PANINDE! ✨🎓

Buong puso naming binabati ang aming minamahal na Mudeer ng aming Madrasah sa pagkamit ng 6th Place sa Madinah Aqeedah Studies – Online Course Program, Batch 1, na may kahanga-hangang General Average na 88.7%. 🏆📚

Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at patuloy na paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman sa Islam. Bilang Mudeer, hindi lamang kayo nagsisilbing tagapamahala ng aming Madrasah, kundi isa rin kayong inspirasyon sa mga Ustadz, Ustadzah, at mga estudyante na patuloy na magsikap sa pag-aaral at paglilingkod sa Deen.

Nawa'y higit pa kayong pagpalain ni Allah ﷻ ng karunungan, tagumpay, at katapatan sa inyong paglilingkod. May Allah increase you in beneficial knowledge and make your achievement a means of benefit for the Madrasah and the Ummah. Ameen. 🤲💚

Congratulations once again, Ustadz! We are truly proud of you! 🌟

📚 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐌𝐔𝐒Ā𝐁𝐀𝐐𝐀𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 🤝Alhamdulillāh, matagumpay na isinagawa ngayong August 11, 2026 ang isang mahalagan...
11/08/2026

📚 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐌𝐔𝐒Ā𝐁𝐀𝐐𝐀𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 🤝

Alhamdulillāh, matagumpay na isinagawa ngayong August 11, 2026 ang isang mahalagang pagpupulong na dinaluhan ng mga Mudeer ng bawat Madrasah sa Lungsod ng Tacurong, kasama ang mga Committee ng Tarbiyah sa Lungsod ng Tacurong at mga Committee ng Tarbiyah ng Daguma Province.

Lujinat Tarbiyyah Wa Ta'leem - Muhāfadha Daguma

SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs

Sa nasabing pagpupulong, masusing tinalakay ang mga mahahalagang bagay tungkol sa gaganaping Municipal Musābaqah na nakatakda sa buwan ng Oktubre 2026, kabilang ang paghahanda, mga paligsahan, mga alituntunin, at iba pang kinakailangang koordinasyon upang maging matagumpay ang nasabing programa.

Layunin ng pagpupulong na mapag-isa ang bawat Madrasah at mga Committee ng Tarbiyah sa iisang adhikain—ang pagpapaunlad ng edukasyong Islāmiko, paghuhubog ng kabataan, at pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa larangan ng Tarbiyah.

🤝 Sama-sama para sa ikauunlad ng ating mga Madrasah at kabataang Muslim.
بارك الله في جهود الجميع، ونسأل الله التوفيق والنجاح في هذه المسابقة المباركة. 🤲






08/08/2026
Alhamdulillāh 🤍Matagumpay naming naisagawa ang Tathbīq ng Wuḍū’ (Practical Application of Ablution) sa aming minamahal n...
08/08/2026

Alhamdulillāh 🤍

Matagumpay naming naisagawa ang Tathbīq ng Wuḍū’ (Practical Application of Ablution) sa aming minamahal na Madrasah. This is a very important and meaningful activity kung saan natutunan at na-practice ng bawat mag-aaral ang tamang paraan ng wuḍū’, hindi lamang sa theory kundi pati sa actual na pagsasagawa.

Sa pamamagitan nito, mas naunawaan nila na ang kalinisan ay hindi lang basta paghuhugas, kundi isang mahalagang paghahanda bago humarap kay Allah sa ṣalāh. It also helps our students develop discipline, sincerity, and awareness sa kanilang pagsamba araw-araw.

Nawa’y patuloy kaming gabayan ni Allah sa aming pag-aaral, pagtuturo, at pagsasabuhay ng aming dīn. May He grant us beneficial knowledge and accept all our efforts. 🌙

Pahayag ng Pag-aalala mula sa Idarah ng Madrasah Griño Darul Uloom Al IslamieSa ngalan ng Idarah ng Madrasah Griño Darul...
30/07/2026

Pahayag ng Pag-aalala mula sa Idarah ng Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie

Sa ngalan ng Idarah ng Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie, kami po ay taos-pusong nagpapahayag ng aming pag-aalala at pakikiramay sa aming mahal na ustadzah Karim Mamaluba Shaban na kasalukuyang nakararanas ng matinding pagsubok dulot ng pagbaha sa kanilang lugar dahil sa patuloy na malalakas na ulan.

Lubos naming nauunawaan ang hirap at panganib na dulot ng ganitong kalamidad—ang pangamba sa kaligtasan, ang pinsala sa tahanan, at ang bigat na emosyonal na kaakibat nito. Nais naming ipabatid na kayo ay hindi nag-iisa sa laban na ito. Ang buong pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng aming madrasah ay kasama ninyo sa panalangin at pag-asa.

Patuloy kaming nananalangin kay Allah (SWT) na kayo ay Kanyang ingatan, ilayo sa kapahamakan, at pagkalooban ng lakas at katatagan sa gitna ng pagsubok. Nawa’y agad na humupa ang baha at muling maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa inyong lugar.

Kung may anumang paraan na kami ay makakatulong, bukas ang aming puso at tanggapan upang umagapay sa inyo sa oras ng pangangailangan.

Allahumma hafazkum wa rafa‘a ‘ankumul bala’.

Nagmamalasakit,
Idarah ng Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Sir Jonathan A. Ochinang, At sa Punong G**o ng VF Griño National High School, at sa l...
27/07/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Sir Jonathan A. Ochinang, At sa Punong G**o ng VF Griño National High School, at sa lahat ng mga g**o na naging tulay upang maipagkaloob sa amin ang mga bangko na kanilang hindi na ginagamit.

Sa totoo lamang, kami ay nagbakasakali lamang na humingi, ngunit Alhamdulillah, dahil sa kanilang kabutihang loob, napakadali po ng kanilang pagpayag nang walang mahabang napag-usapan.

Malaking tulong po ito sa aming madrasah upang mas maging maayos at komportable ang pag-aaral ng aming mga mag-aaral. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Allah sa inyong kabutihan at malasakit sa edukasyon.

Jazakumullahu khayran!

📢 MAHALAGANG ANUNSYOMadrasah Griño Darul Uloom Al IslamieAssalamu ‘Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.Dahil sa masaman...
24/07/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO
Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie

Assalamu ‘Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Dahil sa masamang panahon at patuloy na pagbaha sa ibat ibang bahagi ng lugar mg sultan kudarat, ay sinususpinde muna ang face-to-face classes hanggang sa susunod na abiso.

Pinapayuhan ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na manatiling ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.

🤲 Nawa’y ingatan tayo ng Allah sa anumang sakuna.

📌 Maghintay lamang po ng karagdagang anunsyo mula sa pamunuan.

21/07/2026

Ang 5 Aklat ni Allah na ipinadala sa mga Propeta

Ito yung tinatawag na Al-Kutubus-Samawiyyah = Mga Aklat na galing sa langit

1. التَّوْرَاةُ = AT-TAWRAT
Ibinaba kay: Propeta Musa alayhissalam
Para sa: Angkan ni Bani Israil
Language: Hebreo

2. الزَّبُورُ = AZ-ZABUR
Ibinaba kay: Propeta Dawud alayhissalam
Laman: Mga dhikr, dua, at papuri kay Allah
Language: Hebreo

3. الْإِنْجِيلُ = AL-INJEEL
Ibinaba kay: Propeta Isa alayhissalam
Para sa: Angkan ni Bani Israil
Language: Aramaic

4. صُحُفُ إِبْرَاهِيمَ = SUHUFU IBRAHIM
Ibinaba kay: Propeta Ibrahim alayhissalam
Laman: Mga payo, karunungan, at batas
Note: Kasama rin dito ang صُحُفُ مُوسَى Suhufu Musa = Mga Kalatas ni Musa

5. الْقُرْآنُ = AL-QUR'AN
Ibinaba kay: Propeta Muhammad sallallahu alayhi wasallam
Para sa: Buong sangkatauhan hanggang sa Araw ng Paghuhukom
Language: Arabic
Ito na ang huli at pinaka-protektado ng Allah

خلاصة
Ang lahat ng naunang 4 na aklat ay na-abrogate na ng Qur'an.
Ibig sabihin, ang Qur'an na lang ang dapat nating sundin ngayon dahil ito ang kompleto at hindi na mababago.

قَالَ تَعَالَى: "إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ"
Tunay na Kami ang nagpahayag ng Dhikr at Kami rin ang magpapanatili nito [Al-Hijr:9]

📢 MAHALAGANG ANUNSYOAssalamu ‘Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.Inaanyayahan ang lahat ng officers, g**o, at mga magu...
21/07/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO

Assalamu ‘Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Inaanyayahan ang lahat ng officers, g**o, at mga magulang (parents) na dumalo sa ating MONTHLY MEETING ng Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie.

🗓 July 25, 2026 (Sabado)
🕓 Hapon
📍 Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie

Ang pagpupulong na ito ay mahalaga upang mapag-usapan ang mga plano, programa, at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Inaasahan po ang inyong pakikiisa at pagdalo.

Jazakumullahu Khairan 🤍

Alhamdulillah 🍃😊Walang masarap sa paningin ng isang Ustadz kundi makita ang mga estudyante na masaya habang natututo.Nag...
19/07/2026

Alhamdulillah 🍃😊

Walang masarap sa paningin ng isang Ustadz kundi makita ang mga estudyante na masaya habang natututo.

Nagpupukpukan ng isip sa Imla. Nagtutulungan sa groupings. Nagkakamali pero bumabawi.

Dito sa Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie, hindi lang kami nagtuturo ng letra at spelling.

Nagtuturo kami ng Adab, Akhlaq, at pagmamahal sa Deen.

Iba talaga kapag ang bata lumaki sa Madrasah.

Habang ang iba naglalaro lang, sila dito abala sa pag-Imla, sa pag-aayos ng grupo, at sa pag-uulit ng mga salitang galing sa Aklat ni Allah.

Sa simpleng activity na ito, natututo sila ng teamwork, sabr, at paggalang sa g**o at sa isa't isa.
Ito ang tunay na puhunan - Kaalaman na may Iman.

Proud na proud kami sa inyo mga anak ng Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie!

Address

�PUROK ISLAM BARANGAY GRIÑO
Tacurong
9800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasah Griño Darul Uloom Al Islamie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share