11/08/2026
🎉🇵🇭 Matagumpay na Naisagawa ang Pagbubukas ng Buwan ng Wika sa Kapangian Central School 🇵🇭🎉
Bagama’t nahuli ng isang linggo dahil sa mga naunang gawain tulad ng Sportsfest 2026, matagumpay na naisagawa ng mga g**o at mag-aaral ng Kapangian Central School ang pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Noong ika-10 ng Agosto 2026, napuno ng mga batang nakasuot ng makukulay na kasuotan ang gymnasium ng Kapangian Central School bilang paggunita sa ikalawang linggo ng Buwan ng Wika. Bilang bahagi ng pang-umagang gawain tuwing Lunes, nagsuot ng mga katutubong at pang-Pilipinong kasuotan ang mga g**o at mag-aaral upang ipakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Sa pangunguna nina Gng. Maricel P. Gaviola at Bb. Danielle Mae Navarro, naging matagumpay ang nasabing programa. Pumarada ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikaanim na Baitang at umakyat sa entablado upang ipakita ang kanilang mga naggagandahang kasuotan. Binilang naman ang mga mag-aaral sa bawat baitang na nakasuot ng pang-Pilipinong kasuotan para sa kategoryang Pinaka-Nakikilahok (Most Participative).
Hindi rin nagpahuli ang mga g**o at buong pagmamalaking ipinakita ang kanilang mga kasuotang Pilipino.
Matapos ang pagpapakita ng iba’t ibang kasuotan ng mga mag-aaral at g**o, inanunsyo ang baitang na may pinakamaraming kalahok. Ang karangalang ito ay napunta sa Ikaapat na Baitang sa pangunguna ng kanilang mga g**o at ng punong-abala na si Gng. Heidelina P. Meñano.
Inanunsyo rin ni Gng. Maricel P. Gaviola ang iba’t ibang gawaing may kaugnayan sa Buwan ng Wika na maaaring isagawa sa loob ng silid-aralan. Ang mga ito ay alinsunod sa patakarang “No Disruption of Classes” sa loob ng Instructional Block.
Inaasahan ang aktibong pakikilahok ng lahat ng mga mag-aaral sa mga gawaing ipatutupad ng kanilang mga tagapayo sa loob ng kanilang mga silid-aralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
.
.
.