UPTC Batch Mayari

UPTC Batch Mayari

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UPTC Batch Mayari, School, University of the Philipines Tacloban, Tacloban City.

08/12/2024

Sa kabila ng patuloy na mga panawagan ng taong bayan, nananatili ang talamak na paglabag sa karapatang pantao at ang paglala ng iba’t ibang suliranin sa ating lipunan, kasabay ng kawalang aksyon ng estado.

Ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ay hindi lamang paalala sa kahalagahan ng dignidad at karapatan ng bawat isa. Isa rin itong pagkakataon upang suriin ang kalagayan ng ating lipunan—upang makita ang mga isyung nagpapaigting sa ating kamulatan.

Paulit-ulit ang panawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa SUCs, pag-aalaga sa karapatan ng mga g**o at estudyante sa maayos na pasilidad. Habang ang mga kabataan ay sabik na bumuo ng mas maayos na kinabukasan, saksi tayo sa kawalang trabaho, kontraktwalisasyon, at mababang pasahod ng mga manggagawa. Hindi rin tayo bulag sa mga patuloy na banta sa kalayaan sa pamamahayag at demokrasya.

Ang lahat ng mga isyung ito ay nagpapatunay na ang karapatang pantao ay hindi lamang usapin ng pagkilala—na ang diwa ng karapatang pantao ay hindi natatapos sa teorya; ito ay nangangailangan ng pagkilos na batay sa prinsipyo ng pagkakaisa, pananagutan, at paninindigan.

Kinikilala ng Batch Mayari na ang aming responsibilidad bilang isang year-level organization ay hindi lamang nakasentro sa aming mga miyembro o limitado sa komunidad ng UP. Ang aming tungkulin ay sumasaklaw sa mas malawak na lipunan, lalong-lalo na sa harap ng hamon sa mga sistemang mapang-api at pasistang estado. Ang patuloy na budget cut sa UP ay hindi lamang usapin ng pondo; ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao. Mula sa kakulangan ng maayos na study spaces at pasilidad hanggang sa mga serbisyong kinakailangan para sa dekalidad na edukasyon, ang kakulangan sa pondo ay nagsisilbing pagkitil sa karapatan ng mga estudyante sa isang epektibo at mataas na kalidad na edukasyon.

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, nakikiisa ang Batch Mayari sa sama-samang paglaban laban sa mga ganitong uri ng panunupil, hindi lamang para sa ating pamantasan kundi pati na rin sa mas malawak na panawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng mapanupil na estado. Ang karapatang pantao, kabilang ang karapatan sa edukasyon, ay isang pakikibaka para sa isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan.

Ang laban para sa karapatang pantao ay laban para sa mas makatarungan at makataong mundo. Marami na tayong napagtagumpayan, ngunit marami pa rin ang kailangang gawin. Mahalaga ang pagkakaisa upang ang mga boses ng nasa laylayan ay pakinggan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Huwag tayong mapagod sa pagpapatuloy ng laban na ito dahil ang tunay na tagumpay ay nasa pagkilos at pagpapahayag ng ating kolektibong panawagan at paninindigan.








11/11/2024

Apat na taon, siyam na buwan, at apat na araw na ang nakalipas ngunit patuloy pa ring isinisigaw at ipinaglalaban ang “Free Tacloban 5.”
Sa darating na Nobyembre 11 at 25, haharap sa witness stand sina Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil sa Tacloban Regional Trial Court — ang unang beses na mabibigyan sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga gawa-gawang kaso at ilegal na pag-aresto noong ika-7 ng Pebrero 2020.

Ang kanilang ilegal na pag-aresto at ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban kina Frenchie Mae Cumpio, Alexander Philip Abinguna, Mira Legion, at Marissa Cabaljao ay patunay ng pagsisikap ng pasistang estado na patahimikin ang mga progresibong indibidwal at grupong matapang na naglalantad ng katotohanan — ang kanilang pagkabilanggo ay isa ring pagkabilanggo sa malayang pamamahayag.

Mariing kinokondena ng UPTC Batch Mayari ang lahat ng banta laban sa kalayaan ng kahit anumang uri pamamahayag at paglabag sa karapatang pantao. Sa bawat pagtatangkang patahimikin ang mga boses na naghahangad ng katarungan, lalong lumalakas ang panawagan para sa isang lipunang tunay na demokratiko at malaya.

Nakikiisa ang UPTC Batch Mayari sa malakas at malawakang panawagan na palayain ang Tacloban 5 at lahat ng bilanggong pulitikal, kasabay ng pagpapanagot sa pasistang estadong tunay na may sala.



Photos from UP Tacloban Student Council's post 10/11/2024

𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐈𝐁𝐀'𝐓 𝐈𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐄𝐇𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋, 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐂𝐋𝐎𝐁𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝐋𝐀𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑 𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐎𝐍 𝐘𝐎𝐋𝐀𝐍𝐃𝐀

Sa mahigit isang dekada, paulit-ulit na dumadagundong ang mga boses na humihingi ng hustisya at pananagutan.
Labing-isang taon na ang nakalipas simula nang wasakin ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 ang mga isla ng Eastern, Central, at Western Visayas, hanggang sa Palawan. Ang hagupit at sugat na iniwan nito sa mga tao ay nananatiling masakit na alaala, hindi lang ang pinsala na iniwan nito, ngunit pati ang kapabayaan ng estado. Sa tala ng kasaysayan, si Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa, kumitil ng mahigit anim na libong buhay at nag-iwan ng libu-libong nawawala, kasabay ang kabawasan sa ating ekonomiya na umabot sa PhP571.1 bilyong halaga na pinsala nito. Ang Tacloban ang isa sa mga pinakamalubhang naapektuan, kung saan mahigit 90% ng mga istruktura ay nawasak sa hagupit ng Super Typhoon Yolanda.

Isang dekada na ang nagdaan ngunit patuloy na nagmamartsa ang ating mga boses, buo at matatag, sa panawagan ng hustisya at pananagutan. Kasabay ng paggunita natin sa mga nasawi, namumutawi pa rin ang ating pag-alala at pighati sa patuloy na pagdurusa ng mga Taclobanon na laging tinatalikuran ng estado. Ipinagkakanulo tayo ng gobyernong matagal nang tumalikod sa tunay na interes ng taumbayan at nagpapanguna sa interes ng mga negosyanteng nagtataguyod sa mga proyektong sumisira sa kalikasan.

Sa kabila ng mga leksyon ng trahedya, tila bingi ang estado sa hinaing ng bayan. Mula sa mga mapaminsalang reclamation projects, sa mapangwasak na pagmimina sa Homonhon, sa kontobersyal na Cancabato Causeway Project, at marami pang ibang mapanirang proyekto sa Eastern Visayas, lumalabas na hindi natututo ang estado sa bantang dala ng kalikasan. Ano ang dapat pa nating ipaglaban? Ilang buhay pa ba ang dapat masakripisyo sa susunod na kalamidad bago sila mamulat sa pangangailangan ng tunay na maka-masa at maka-kalikasang mga patakaran?

Maliwanag na ang mga hakbangin ng gobyerno ay nagbabadya ng panganib sa mismong kaligtasan ng sambayanan. Sa bawat proyektong hindi isinasaalang-alang ang kalikasan at kapakanan ng mga tao, lalo tayong binabaon sa hukay ng kahirapan at pagdurusa. Ano pa ang kailangan? Ilang malalakas na bagyo pa ang dapat nating harapin bago seryosohin ng pamahalaan ang makabuluhang rehabilitasyon sa kalikasan at ng mga komunidad?

Sa mahigit isang dekada, patuloy na na nakikiisa ang hanay ng mga kabataan at estudyante sa Silangan Bisayas sa lahat ng mga biktima ng Super Typhoon Yolanda na hanggang ngayon ay patuloy na naniningil sa paulit-ulit na pagtalikod ng mga nagdaang rehimen sa mga biktima ng kalamidad.

Sa isang lipunang nagluluwal ng kasakiman, ang katarungan ay hindi kusang ibinibigay; ito’y ipinaglalaban. Sa pagwawalang-bahala ng estado sa kapakanan ng sambayanan, ang tanging sagot ay makauring pakikibaka at ang pagtindig laban sa sistemang bulok na matagal nang nagpapahamak sa atin. Ang pinaka-mataas na uri ng pag-alala ay paglaban para sa mga inaalala. Hamon sa mga kabataang estudyante na makiisa sa paniningil ng pananagutan para sa lahat ng biktima ng kapabayaan ng estado. Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang alaala ng Yolanda at ng bawat trahedyang idinulot ng palpak at sakim na gobyerno! Ang ating panawagan: katarungan para sa mga biktima ng kalamidad, hustisya para sa bayan, at isang lipunang tunay na makatao’t maka-kalikasan!


Photos from UP Tacloban Student Council's post 05/11/2024

𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐈𝐁𝐀’𝐓 𝐈𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐄𝐇𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋, 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐈𝐒𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 𝐇𝐈𝐍𝐆𝐆𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐑𝐀𝐓𝐒𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐑𝐎𝐓𝐂 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎

MANDATORY ROTC, LABANAN! TUTULAN! HUWAG PAHINTULUTAN!

Nitong Setyembre, sa isang panayam ng DZBB 594 Super Radyo kay Senator Francis Tolentino, kinumpirma niya na niraratsada na ni Marcos Jr. ang pagsasabatas at pagbabalik ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corp sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ang Mandatory ROTC ay isang programang pangmilitar na may dalawang taong pagsasanay sa ilalim ng pamamahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mag-aaral ay itatalaga bilang bahagi ng AFP Reserve Force kung saan sila ay magsisilbing karagdagang pwersa upang suportahan ang regular na mga yunit ng AFP sa iba’t ibang tungkulin at sitwasyon. Gayunpaman, ang programang ito ay pinawalang-bisa matapos ang pagkamatay ni Mark Welson Chua, isang kadete mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, na naganap matapos niyang ilantad ang mga pag-abuso at kabuktutan sa loob ng ROTC, pati na rin ang iba pang mga kaso ng karahasan.

Kasama ang UP Tacloban Student Council at ang iba’t ibang konseho, publikasyon, at organisasyon sa Silangang Kabisayaan sa nagkakaisang tinig kontra sa makapasistang pagtatangka ng administrasyon upang i-militarize ang ating mga institusyon at sistema ng edukasyon.

Sa kabila ng samu’t saring budget cuts sa edukasyon, sa kawalan ng student spaces, mga atake sa boses ng kabataan, sa pagpapatahimik ng mga publikasyon—nakita natin kung papaano tayo binaon lalo ni Marcos Jr. sa hukay dahil sa pag-uuna niya at ng kaniyang mga alagad sa MROTC imbis na solusyonan ang mga isyu na kinakaharap hindi lang ng mga estudyante at kabataan kundi ng masang api.

Isa lamang itong manipestasyon ng maling prayoritisasyon ng administrasyon at kawalan nito ng pandinig sa mga hinaing ng mga mamamayan. Dagdag gastos lamang ito at pabigat sa bulsa ng taumbayan at kanilang patong-patong na buwis na binabayaran. Nakikita naman natin kung papaanong kulang-kulang ang mga pasilidad, gamit, mga g**o, at iba pang mga propesyonal sa ating mga paaralan tulad ng mga psychologists at mga doktor. Kung ganito na nga ang estado natin, kung saan bukod sa wala na halos espasyo para sa mga estudyante e hindi pa maibigay ang isang tunay na libre at de kalidad na edukasyon, bakit pa natin ilalagak ang ating limitadong pondo sa mga programang hindi naman akma sa pagpapabuti ng kalagayan nating mga kabataan at komunidad?

Dagdag pa rito, kahit opsyonal na nga lang ang ROTC sa ngayon, hindi pa rin natitigil ang kultura ng karahasan at kurapsyon. Marami pa ring naitatalang kaso ng hazing, sexual assault, verbal, physical, at emotional abuses, maging pagkamatay ng mga estudyante. Hindi rin maikakaila na tulad ng nangyari noon, ang MROTC ay nagiging pugad ng panunuhol, ‘di makatwirang paniningil ng mga bayarin, at pagwaldas ng pondo sa maling paraan.

𝗞𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴-𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻: 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗼 𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗥𝗢𝗧𝗖.

Sa gitna ng ingay sa sumisidhing gyera sa West Philippine Sea, klaro na ginagawang reserve ang mga kabataan para gawin lamang mga tuta ng estado. Tayong mga kabataan ang iniipit sa pag-uumpugan ng mga imperyalistang bansa at kawalan ng tunay na independent foreign policy. Hindi nasyonalismo ang bulag na pagsunod. Hindi nasyonalismo ang pagiging papet at bahagi ng makinarya ng estado.



Photos from UPTC Batch Mayari's post 20/10/2024

Batch Mayari proudly celebrates the achievements of our exceptional batchmates who successfully passed the 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 - 𝐏𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫 𝐓𝐞𝐬𝐭 held last March and August 2024. We encourage you to keep striving for excellence in all your future endeavors, always remembering that true success is rooted in honor. 𝑳𝒂𝒈𝒊'𝒕-𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑴𝒂𝒚𝒂𝒓𝒊!

Congratulations! ❤️

Captions by Mary Louise Caples
Publicity Material by Pamila Geli G. Loreto

02/10/2024

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 sa bagong 𝐔𝐏 𝐓𝐚𝐜𝐥𝐨𝐛𝐚𝐧 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧, 𝐕𝐢𝐚 𝐀𝐫𝐭𝐮𝐠𝐮𝐞!

Malugod na ibinabahagi ng Batch Mayari ang pagbati sa ating bagong SC Chairperson na opisyal nang nanumpa sa kanyang tungkulin noong ika-30 ng Setyembre.

Kampante at tiwala kami na patuloy mong isusulong ang karapatan ng masang api—may tapang, talino, husay, at dangal, hindi lamang sa loob ng UP kundi maging sa mas malawak pang komunidad na iyong pagsisilbihan.

Kasama mo kami sa panibagong hamong ito. Muli, mula sa Batch Mayari patungong Konseho—isang taos-pusong pagpupugay sa iyong ipinamalas na tapang at husay!

𝑳𝒂𝒈𝒊'𝒕 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!

Captions by Faith Alliahna Hilario
Publicity material by Paolo Lorenzo Lora

Photos from UPTC Batch Mayari's post 28/09/2024

Si Mayari👸🧚‍♀️ ay hindi lamang pala tumigil sa pag-collect ng walong dragon ballZ! Sinuong 🔍niya with her slayfulness and katapangan ang buong UP Tac culture (culture??!!) sa pagnanais na makacollect pa ng maraming ballZ! Ay, si ballZ lover pala ito! (Kemz!) 🤣😜

At sakaniyang paglalakbay, siya ay nakatagpo ng siyam pang mga dragon ballZ!✨✨✨ Itong siyam na bagong mga dragon ballZ ay pinaniniwalaan ni Mayari na mas makakatulong sa pagtupad ng mga hiling ng kaniyang nasasakupan— ang Batch Mayari!💅

Kung Ang iyong hiling ay magchampion sa Tugsayawit, matutupad iyan!✨🤩 Magchampion sa Ice Me Down? Kayang-kaya yan!🙈🙈🙈 Kasi, nandito na ang ✨fantastic nine✨ additional dragon ballZ ni Mayari!




Pubmat: Pamila Loreto
Captions: MJ Vendiola

17/09/2024

Kompleto na ng Batch Mayari ang walong dragon ballZ! Ano ang kanilang magiging hiling?! 👹🌙🤙🏻



Publicity material by Pamila Geli Loreto

Photos from UP Tacloban Student Council's post 16/09/2024

LIMAMPU'T DALAWANG TAON NA, KABATAAN, NAAALALA PA BA NATIN?

Ang kabataang makabayan, ngayon ay lumalaban at inaalala ang madilim na nakaraan ng Martial Law, para wakasan ang panibagong mapanupil na sistema ng estado!

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at magpadalo sa dalawang mahalagang talakayan hinggil sa paggunita ng Martial Law at ang kasalukuyang itsura ng estadong kumokontrol sa atin:

Rise and Fall of the Marcos Dictatorship
Mercenary Traditions of the AFP

Sumama sa diskusyon ngayong Setyembre 17, 2024, sa Office of the Student Council, Library Building, DM Campus.

Kita-kits, mga iskolar ng bayan!

———
In Partnership with:

UP Hingyap
UP Politikons
UP Vista Online
UPTC Batch Mayari
UPTC Batch Kagaris
UP Lente
Bahaghari - UP Tacloban Chapter
Gabriela Youth - Metro Tacloban
PULSO HAN MAG-AARAM



Photos from UP Tacloban Student Council's post 15/09/2024

THE PEOPLE WILL NEVER FORGET

Although 52 years have passed since the proclamation of Martial Law, the effects of the terrors and abuses of the regime of dictator Ferdinand Marcos Sr. remain. The people will never forget the tens of thousands of victims of human rights violations. The desaparecidos. The tortured. The silencing of the media and freedom of speech. Two decades worth of ill-gotten wealth. Hunger. The massacres of farmers in Sag-od, students, activists, and civilians—our countrymen who have been killed in the name of maintaining and centralizing power, control, influence, and grip on the nation and its coffers. Not only is it the greatest robbery of a government, but also the darkest and most violent abuse to the Filipino.

More than five decades later, our country has been crippled yet again by Marcos Jr., the Dutertes, and their political alliances. At a time when we are plagued by an education crisis, relentless imperialist influence on our foreign policy, poverty, basic goods no longer being accessible to the masses, persistent attacks on dissent, the media, and the campus press, a government that primarily serves the interests of the ultra-rich, the elites, and powerful corporations, a democracy failing to provide citizens with genuine freedom of choice, forced disappearances of activists, environmental defenders, students, and indigenous peoples—we have remained chained by the same leaders who swore to serve the masses.

There is no peace when there is no genuine justice. There is no peace when the attacks persist.

What Martial Law was before is what Terror Law and MO 32 are now. We have seen how these draconian laws and policies have been used to weaponize and silence the people who only ask for what is due and the bare minimum. Community leaders in schools and communities have been victims of trumped-up cases, profiling, illegal detention, surveillance, and other acts of fascism and collective oppression in the past years. We have seen how Bicol, Samar, and Negros have been put under the intensified presence of state forces. As Iskolar ng Bayan, we know all too well the chilling effect and unending barrage of attacks we have and are still continuously being subjected to after the unilateral abrogation of the UP-DND Accord, campus militarization, and now, the UP-AFP Declaration of Cooperation. But fear has never stopped the movement.

As we commemorate , join us in the month-long series of activities and events organized by the UP Tacloban Student Council, UP Hingyap, UP Politikons, and UP Vista and supported by various college student organizations.

September 16: Holy Mass at the Multi-Purpose Building

September 17: Pagtigaman: Remember Martial Law

September 18: UP Systemwide Day of Action against UP-AFP Declaration of Cooperation

September 19-20: Pelikulaban: Film Showing at the AS Conference Room

September 20: Black Friday Protest, Candle Lighting, and Paghinumdom: Martial Law 52 Cultural night at the Centennial Garden

September 21: Multisectoral Mobilization

In the line of fire, it is our duty to resist. Together, with the people, we push back.

52 years of Never Again!
52 years of Never Forget!

_____

In Partnership with
UP Hingyap
UP Politikons
UP Vista Online
UPTC Batch Mayari
UPTC Batch Kagaris
Bahaghari - UP Tacloban Chapter
Gabriela Youth - Metro Tacloban
PULSO HAN MAG-AARAM



12/09/2024

43 years after the state forces' brutal massacre of farmers in the barrio of Sag-od, Las Navas in Northern Samar, we remember and continue to demand justice!

This incident, along with other countless human rights violations and atrocities during the fascist rule of Marcos Sr. under Martial Law, still remain unresolved, perpetrators and suspects remain unpunished. Even after 40 years, similar heinous attacks to farmers still persist today under the guise of Terror Law and Memorandum Order 32.

Never again! Never Forget! Join the candle-lighting protest and wear black as we collectively remember the victims of Sag-od massacre and condemn state terrorism and militarization!

This September 13, 2024 together with UP Hingyap at 4:00-5:30 PM
Pili Tree, AS Grounds, UP Tacloban College


08/09/2024

Batch Mayari is proud to endorse our outgoing Batch President, 𝗩𝗶𝗮 𝗔𝗿𝘁𝘂𝗴𝘂𝗲, in her campaign for 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 in the upcoming 𝗨𝗣 𝗧𝗮𝗰𝗹𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗣𝗶𝗻𝗶𝗹𝗶𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟰.

We have witnessed firsthand your capability, competence, and commitment as a leader. As our direct link to the student council, you ensured that our batch’s concerns were heard and addressed. Your success in fostering inclusivity and promoting collaboration has been evident, and we trust that you are well-prepared to serve the entire student body.

It is with great honor that we support you in this new endeavor. Your tenure as Batch President has exemplified accountable and transparent leadership, and this transition will allow you to extend your impact and serve a larger community.

𝙁𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙫𝙤𝙞𝙘𝙚𝙡𝙚𝙨𝙨, 𝙩𝙝𝙚 𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧𝙨𝙚𝙧𝙫𝙚𝙙, 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 — 𝙑𝙞𝙖! ✊❤️‍🔥



Publicity Material by Pamila Geli Loreto
Caption by Mary Louise Caples

Want your school to be the top-listed School/college in Tacloban City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


University Of The Philipines Tacloban
Tacloban City
6500

Opening Hours

9am - 5pm