Ramadhan mubarak po sa lahat
Brother Saad
All about my personal vlogs and islam
14/01/2026
๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐น๐น๐ฎ๐ต
kapag ikaw ay pumunta sa tahanan ni Allah (makkah) bilang isang bisita lamang doon at hindi ka taga doon, ay talagang mararamdaman mo lahat ng bigat ng iyong ibadah, kumbaga bawat sujood bawat ruku bawat pagiyak at pagbabalik loob ay ramdam mo, ito ay kabilang sa mga advantage na ikaw ay hindi taga doon at minsan kalang makabisita doon.
Naway biyayaan ni Allah ng pagkakataon na makabisita sa kanyang tahanan ang lahat ng gustong bumisita rito.
05/01/2026
Kay gandang tingnan na ang namumutawi sa bibig ninyong mag asawa ay mga dua at magagandang salita.
Kayat ituro sa bawat isa ang magagandang salita.
04/01/2026
Tiyak na napakalaking gantimpala at kainaman ang matatanggap mula kay Allah.
Sinabi ni Al-imam Malik -kaawaan nawa siya ni Allah- :
ูู ูุคุฎุฐ ู
ู ููุงู
ู ููุฑุฏ ุฅูุง ุตุงุญุจ ูุฐุง ุงููุจุฑ (ูููุตุฏ ูุจุฑ ุงููุจู ุตูู ุงููู ุนููู ูุณูู
)
Lahat ng tao ay pwedeng tanggapin ang kanyang sinasabi at pwede ding tanggihan, maliban sa nakalibing dito (at ang kanyang tinutukoy ay ang Mahal na Propeta SallahAllahu alayhi wa sallam)
โช๏ธKayat hindi lahat ng lalabas sa bibig ng kinikilala mong ustadh ay tama, bagkos ang tama lang sa kanyang sinasabi ay ang sumasangayon sa Qurโan sunnah at pamamaraan ng salaf lamang.
Hindi na nakakapagtaka na maraming madadala si ๐ฟ๐๐๐๐๐ก kapag siya ay lumabas, dahil ngayon pa nga lang e marami ng tao ang bulag na sumusunod sa kung sino man ang tagapagsalita na kanilang magustuhan, samantalang wala silang mga milagro na nagagawa maliban sa matatamis na salita, pano pa kaya si ๐ฟ๐๐๐๐๐ก na bibigyan siya ni Allah ng mga kakayahan?
Kaya ang mahal na propeta Muhammad -Sallaallahu alayhi wa sallam- ay nagbigay ng mga iilang gabay upang mapangalagaan tayo mula sa dajjal.
โช๏ธKabilang na dito ang pagbabasa ng Surah Al-kahf tuwing araw ng biyernes o Jumuah.
01/01/2026
Alhamdulillah at meron kaming Ikhlas Tacloban, dahil every new year at magpapasko ay nagsasagawa sila ng stay in seminar para sa mga balik islam, ng sa gayon ay makaiwas sila sa mga pagdiriwang na ito.
ุญูุธ ุงููู ู
ุฑูุฒูุง ู
ู ูู ุณูุก ูู
ูุฑูููู
Dahil sa iisang kasalanan ay napalabas si Adam at Hawa mula sa paraiso, tapos tayo kampante na makakapasok sa kabila ng dami ng ating nagawang kasalanan, patawarin nawa tayong lahat ni Allah.
Pangalagaan mo ang iyong imaan kapatid, at wag makibahagi sa kanilang selebrasyon.
Kabilang sa payo ng ating mga ulama sa atin upang mapagbuti ang ating salah ay ang: isipin natin na ito na ang ating huling salah.
โAt ang pagbawi mo sa isang bagay ng dahil sa katotohanan ay mas mainam kaysa sa pagpapatuloy mo sa kamalianโ
ุนู
ุฑ ุจู ุงูุฎุทุงุจ
โุตูุงุญ ุงูุฃุจูุงุก ูู ุตูุงุญ ุงูุขุจุงุกโ
Ang pagiging maayos ng mga anak ay nakasalalay sa pagiging maayos ng kanilang mga magulang.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
Tacloban City