El Kapitan

El Kapitan SNSHS PAHAYAGAN SA FILIPINO

El Kapitan, nagwagi sa DSPC ’26TACLOBAN CITY — Nag-uwi ng mga parangal ang mga delegado ng El Kapitan, pahayagan sa Fili...
12/09/2026

El Kapitan, nagwagi sa DSPC ’26

TACLOBAN CITY — Nag-uwi ng mga parangal ang mga delegado ng El Kapitan, pahayagan sa Filipino ng Sto. Niño Senior High School (SNSHS), sa idinaos na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 sa St. Therese Foundation of Tacloban Inc. (STEFTI) noong Setyembre 10–12, 2026.

Nagtala ng ikalimang gantimpala si Erica Trigo sa Pagsulat ng Editoryal, sa paggabay ng kanyang tagapagsanay na si G. Mary Rose Ombrog-Piajo.

Pumuwesto rin sa ikalimang gantimpala si Sabrina Cassandra Zeta sa Pagsulat ng Balita, sa ilalim ng paggabay ni G. Mark Joevel Buante.

Samantala, sa unang pagsabak ng El Kapitan sa Collaborative Desktop Publishing–Filipino, itinanghal na ikalawang gantimpala ang pangkat na binubuo nina Krisal Mae Samijon, Angel Amor Margallo, Shantelle Balais, Bianca Nicole Bermudo, Lynard Loreto, John Lorenz Comilang at Lil Athena Parami, sa paggabay ng kanilang tagapayo na si Gng. Mary Rose Ombrog-Piajo.

Bukod sa mga nagwagi, lumahok din ang iba pang mag-aaral na mamamahayag ng El Kapitan bilang mga kinatawan ng SNSHS sa iba't ibang indibidwal at pangkatang kategorya.

Kabilang sa mga kalahok sina Divine Candido, Rozel Ann Aleriosa at Noreen Tado sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya; Angela Abuda sa Pagsulat ng Editoryal; Krissia Mae Aruta at Irah Mae Durana sa Pagsulat ng Kolum; Mary Novilyn Patanao at Jose Luiz Macabasag sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan; Janley Palaña sa Pagguhit ng Kartung Editoryal; Candyce Amor Inot sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita; Yelena Han sa Pagsulat ng Lathalain; at Ashley Aday sa Pagsulat ng Balita.

Samantala, sina Kenn Ryan Aguilar, Pol Francis Cantanero, Treena Kate Valdenor, Leana Canaber, Femia Tupaz, Ezekiel Olaguer at Chinchinella Quiza ang kumatawan sa paaralan sa Radio Broadcasting and Scriptwriting–Filipino.

Bunga ng masinsinang pagsasanay at dedikasyon, muling pinatunayan ng mga batang mamamahayag ng El Kapitan ang kanilang husay at pagmamahal sa kampus na pamamahayag.

EL KAPITAN, MULING SUMABAK SA DSPC 2026! Bitbit ang husay, tapang, at paninindigan sa pamamahayag, sumabak ang 28 delega...
11/09/2026

EL KAPITAN, MULING SUMABAK SA DSPC 2026!

Bitbit ang husay, tapang, at paninindigan sa pamamahayag, sumabak ang 28 delegado ng El Kapitan, pahayagan sa Filipino ng Sto. Niño Senior High School, sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 ng Tacloban City.

Kinakatawan ng ating mga batang mamamahayag ang paaralan sa iba’t ibang indibidwal at pangkatang kategorya, dala ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat, pag-uulat, pag-eedit, at iba pang larangan ng campus journalism.

Higit sa pagkamit ng parangal, ang kanilang paglahok ay patunay ng kanilang tapang na maghanap ng katotohanan, pananagutang magsulat nang may integridad, at tinig na magsilbi para sa kapwa mag-aaral at komunidad.

Sa bawat salitang isinusulat, bawat kuwentong ibinabahagi, at bawat katotohanang ipinaglalaban—El Kapitan, patuloy na nagsisilbi sa pamamagitan ng pamamahayag!

10/09/2026
📰 SANAY-SULAT 2026 | Hinubog ang Panulat, Pinanday ang KatotohananIsinagawa ang Sanay-Sulat: Training Workshop for Campu...
30/08/2026

📰 SANAY-SULAT 2026 | Hinubog ang Panulat, Pinanday ang Katotohanan

Isinagawa ang Sanay-Sulat: Training Workshop for Campus Journalists, isang pagsasanay na naglalayong higit pang hasain ang kaalaman, kasanayan, at paninindigan ng mga batang mamamahayag ng El Kapitan, pahayagan sa Filipino ng Sto. Niño Senior High School.

Sa pamamagitan ng serye ng mga pagsasanay at talakayan, napalalim ng mga kalahok ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag—mula sa pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain, balitang pampalakasan, akdang pang-agham at teknolohiya, radio broadcasting at scriptwriting, hanggang sa desktop publishing at pagguhit ng kartung pang-editoryal.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga tagapanayam na buong husay na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan:

Gng. Mary E. Delos Reyes ng Northern Tacloban City National High School - tagapanayam sa Pagsulat ng Editoryal at Kolum

G. Meg Giles Kirby Tupaz ng Leyte Progressive High School - tagapanayam sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan at Collaborative Desktop Publishing

G. Phil Ryan Evangelista ng Benedisto S. Horca Senior High School - tagapanayam sa Pagsulat ng Akdang Pang-agham at Teknolohiya

G. Angelo Manacpo ng Basey National High School
- tagapanayam sa Radio Broadcasting at Scriptwriting

Gng. Teresa Real ng Rizal Central School - tagapanayam sa Pagsulat ng Lathalain

Gng. Jamie Caindoy ng Cirilo Roy Montejo National High School tagapanayam sa Pagsulat ng Balita, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita

G. Ronron Fernandez ng An Lantawan–Leyte Normal University tagapanayam sa Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal

Nagpapasalamat din ang El Kapitan sa pakikilahok ng mga batang mamamahayag mula sa Leyte Progressive High School at Cirilo Roy Montejo National High School, na nakibahagi sa makabuluhang palitan ng kaalaman at karanasan sa pamamahayag.

SNSHS Men Spikers, Umabante sa Quarterfinals ng City Meet 2026TACLOBAN CITY — Umabante sa quarterfinals ng City Meet 202...
30/08/2026

SNSHS Men Spikers, Umabante sa Quarterfinals ng City Meet 2026

TACLOBAN CITY — Umabante sa quarterfinals ng City Meet 2026 ang Sto. Niño Senior High School (SNSHS) Men Spikers matapos ang magkasunod na panalo laban sa Sagkahan National High School at Tacloban National Agricultural School (TNAS).
Sa unang laban, ipinakita ng SNSHS ang matatag na depensa at agresibong opensa upang tuluyang pabagsakin ang Sagkahan NHS sa straight sets, 25-19, 25-23.

Hindi naman nagpabaya ang SNSHS sa kanilang sumunod na laban kontra TNAS. Mabilis na kinuha ng Men Spikers ang unang set, 25-14, bago nakabawi ang TNAS sa ikalawang set, 25-22.

Sa deciding third set, muling nagpakawala ng matitinding atake at solidong depensa ang SNSHS upang tuluyang selyuhan ang panalo, 15-8, at makuha ang kinakailangang panalo para sa kanilang pagpasok sa quarterfinals.
Dahil sa dalawang sunod na panalo, patuloy na umuusad ang kampanya ng SNSHS Men Spikers sa pinakamalaking entablado ng pampalakasan sa lungsod.

Samantala, haharapin ng SNSHS ang Northern Tacloban City National High School sa quarterfinals ngayong Agosto 30, 2026. Bitbit ng koponan ang momentum mula sa kanilang mga nakaraang panalo habang hangad nilang makausad sa susunod na yugto ng kompetisyon.

SPIKE BACK! SNSHS Spikers, Rumatsada sa Magkasunod na PanaloTACLOBAN CITY — Bumawi nang todo ang SNSHS Volleyball Spiker...
22/08/2026

SPIKE BACK! SNSHS Spikers, Rumatsada sa Magkasunod na Panalo

TACLOBAN CITY — Bumawi nang todo ang SNSHS Volleyball Spikers matapos itala ang magkasunod na panalo sa Volleyball Tournament Boys Category ng City Meet 2026 na ginaganap sa Leyte National High School Gymnasium, Agosto 16 at 22, 2026.

Unang umarangkada ang SNSHS noong Agosto 16 kontra Ridgeview Village Integrated School, kung saan tuluyang pinabagsak ng Spikers ang katunggali matapos dominahin ang dalawang set, 25-11 at 25-9.

Nagpatuloy ang momentum ng SNSHS ngayong Agosto 22 nang harapin naman nila ang Liceo del Verbo Divino. Sa isang mas dikdikang laban, kinailangan ng Spikers na magpakitang-gilas sa bawat rally upang masungkit ang panalo, 27-25 at 25-19.

Bago ang magkasunod na tagumpay, unang sumalang ang SNSHS kontra St. Therese Education Foundation of Tacloban Inc. (STEFTI) at Leyte National High School, ngunit kapwa hindi nila nakopo ang panalo sa dalawang laban.

Sa kabila ng naunang pagkabigo, nagpakita ng tibay at determinasyon ang SNSHS Volleyball Spikers upang makabawi at muling makuha ang kanilang winning momentum.

Hindi pa rito nagtatapos ang kampanya ng SNSHS. Bukas, Agosto 23, haharapin ng Spikers ang Sagkahana National High School, kung saan target nilang ipagpatuloy ang kanilang winning streak at palakasin ang tsansa nilang umabante sa susunod na yugto ng kompetisyon.

DISTRICT MEET 2026!💫💥
20/08/2026

DISTRICT MEET 2026!💫💥

GINTONG SIPA! SNSHS Team Kalasag, Naghari sa Sepak TakrawTACLOBAN CITY — Pinakawalan ng SNSHS Team Kalasag ang kanilang ...
16/08/2026

GINTONG SIPA! SNSHS Team Kalasag, Naghari sa Sepak Takraw

TACLOBAN CITY — Pinakawalan ng SNSHS Team Kalasag ang kanilang matitinding sipa at matatag na depensa upang masungkit ang gintong medalya sa Sepak Takraw (Best Regu Event) Secondary Boys Category ng District Learning Center VI Sports Meet ngayong Agosto 16, 2026, sa Cirilo Roy Montejo National High School (CRMNHS).

Tinalo ng Team Kalasag ang Team Bunal ng CRMNHS sa championship round matapos dominahin ang dalawang set, 17-13 at 15-12, upang tuluyang masungkit ang kampeonato.

Bago umabante sa finals, ipinakita ng Kalasag Spikers ang kanilang bagsik sa bawat yugto ng kompetisyon. Sa elimination round, nilampaso nila ang Team Chill Spikers ng Panalaron Elementary School, 2-0, bago muling nagwagi kontra Team Jeyshl ng CRMNHS, 2-0.

Nagpatuloy ang ratsada ng Kalasag sa quarterfinals nang walisin nila ang Team Lion ng CRMNHS, 2-0, upang makausad sa championship round.

Sa laban para sa ginto, naging dikdikan ang bawat palitan ng sipa at depensa. Gayunman, nanatiling kalmado at agresibo ang Kalasag Spikers upang kunin ang unang set, 17-13, bago tuluyang isara ang laban sa ikalawang set, 15-12.

Bukod sa pagkakampeon ng koponan, umani rin ng indibidwal na parangal ang dalawang manlalaro ng SNSHS. Kinilala si Sairoz Genobiagon bilang Best Thrower, habang itinanghal namang Best Tekong at Most Valuable Player (MVP) si Earl Vince Bacalso dahil sa kanilang mahalagang ambag sa kampanya ng Team Kalasag.

Sa kanilang malinis na kampanya mula elimination hanggang championship, ipinamalas ng SNSHS Team Kalasag ang disiplina, teamwork, bilis, at tamang tiyempo, dahilan upang maiuwi nila ang gintong medalya at mga indibidwal na parangal sa District Learning Center VI Sports Meet.

Bilang kampeon ng District Meet, aabante ang SNSHS Team Kalasag sa City Meet bilang kinatawan ng District Learning Center VI, tangan ang kanilang gintong medalya at determinasyong muling makipagsabayan para sa karangalan ng kanilang paaralan at distrito.

Sa bawat sipa, salag, at palo, pinatunayan ng Team Kalasag na ang determinasyon at pagkakaisa ang tunay na sandata tungo sa gintong tagumpay.

SNSHS, Kumubra ng Pilak at Dalawang Bronze sa BadmintonTACLOBAN CITY — Nagpakitang-gilas ang mga shuttlers ng Sto. Niño ...
16/08/2026

SNSHS, Kumubra ng Pilak at Dalawang Bronze sa Badminton

TACLOBAN CITY — Nagpakitang-gilas ang mga shuttlers ng Sto. Niño Senior High School (SNSHS) matapos mag-uwi ng isang silver at dalawang bronze medals sa Badminton Tournament ng District Learning Center VI Sports Meet 2026 na ginanap sa St. Therese Education Foundation of Tacloban Inc. (STEFTI).

Sa Doubles Girls Category, nakipagsagupaan sina Merry Joyce Catindoy at Angel Amor Margallo sa host team na STEFTI sa championship match. Sa isang dikdikang tatlong-set na laban, nagtapos ang laro sa 18-21, 21-16, 21-15, pabor sa STEFTI, upang maiuwi ng SNSHS duo ang silver medal.

Samantala, nagtapos sa bronze medal si Ivan Geoff Rodoy sa Singles Boys Category matapos sumuko sa STEFTI sa semifinal round, 17-21, 16-21.

Sa Doubles Boys Category, nakopo rin ng SNSHS ang bronze matapos makipagsabayan sina Carl Jade Alibay at Kent Carl Esponga kontra Leyte Progressive High School sa semifinals. Nagtapos ang laban sa 12-21, 15-21 pabor sa Leyte Progressive.

Bagama’t hindi nakapag-uwi ng gintong medalya ang SNSHS sa mga kategoryang ito, ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang husay, determinasyon, at composure sa bawat rally, dahilan upang makumpleto nila ang kompetisyon na may tatlong medalya para sa paaralan.

Sa kanilang podium finishes, pinatunayan ng mga shuttlers ng SNSHS na kaya nilang makipagsabayan sa mga batikang koponan sa District Learning Center VI Sports Meet 2026.

Address

Tacloban City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El Kapitan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share